PODCAST · society
Tsongporado
by Tito Jopes Productions
Join Tito Jopes, Tito Pabs, Darren, Enteng and their pals for an hour of laughter-filled daily talk about anything gaming, or pop culture.
-
55
Ep. 55 - Wala Na, Finnish Na.mp3
Wala na, Finnish na. Isang hunk nating kababayan, nakabingwit ng girl na pang-model ang laban! Sadya bang maswerte ang dark-skinned nating si sir, o sadyang walang kulay ang love na forever? This podcast is brought to you by EasyPC, Rakk Gears and game Express. Kasi nga, kami ang parausan bago magtanghalian. Para sa mga kalmado at apurado, pwera lang sa abusado. Kinig na sa… TSONGPORADO! Hosts: Tito Pabs, TheJoBroShow, Jholo, Masaraam, Tito Jopes
-
54
Ep. 54 - Derek to the Poy
Usapang relasyon ang bumibida ngayon! Mga ex ni John Lloyd, si Derek di in-avoid. Three months ni Poy, dapat daw i-respect, oy! Baka mamura ka bigla, kuluntoy si manoy! This podcast is brought to you by EasyPC, Rakk Gears and game Express. Kasi nga, kami ang parausan bago magtanghalian. Para sa mga kalmado at apurado, pwera lang sa abusado. Kinig na sa… TSONGPORADO!
-
53
Ep. 53 - Studious Lola Got Help From Gadget Store Staffers
Lolang bumibisita gadget store, nabigyan nang sobrang amor. Staff na tumulong kay lola, tinuruan pang sa Facebook ay rumampa. Makakausap na rin niya ang mga mahal sa buhay na nasa ibang mga isla. Faith in humanity restored… mga kabutihan pagpalain sana ni Lord. This podcast is brought to you by EasyPC, Rakk Gears, and Game Express. Kasi nga, kami ang parausan bago magtanghalian. Para sa mga kalmado at apurado, pwera lang sa abusado. Kinig na sa… TSONGPORADO! Hosts: Tito Pabs, TheJoBroShow, Jholo, Masaraa
-
52
Ep. 52 - Sad Ako in Your Closet
Aparador na antigo, bahay daw ni Sadako? Kung cabinet mo’y mag-isang aalog-alog, for sure puso mo’y kakabog-kabog. Five hundred lang daw at free shipping, pero may libre ring exorcism? This podcast is brought to you by EasyPC, Rakk Gears, and Game Express. Kasi nga, kami ang parausan bago magtanghalian. Para sa mga kalmado at apurado, pwera lang sa abusado. Kinig na sa… TSONGPORADO! Hosts: Tito Pabs, TheJoBroShow, Masaraam, Jholo, Tito Jopes
-
51
Ep. 51 - Pikot-pikot lang, pikot-pikot, pikot
Pictorial sa pre-nup, naging istorya ng kidnap? Inosenteng totoy, na-cocklock ang manoy? Tuklasin natin ang nakakaalis na kuwento… ng magkasintahang ang pictorial ay sintu-sinto. Pero bet ko sa inyo, inggit na inggit din kayo. This podcast is brought to you by EasyPC, Rakk Gears, and Game Express. Kasi nga, kami ang parausan bago magtanghalian. Para sa mga kalmado at apurado, pwera lang sa abusado. Kinig na sa… TSONGPORADO!
-
50
Ep. 50 - Sanaol Singapore Internetz
Stuck ka na nga sa bahay, ang internet mo pa ay papatay-patay. Oks lang na lahat ma-Ondoy, wag lang ang internet ay kumuluntoy. Buti pa Singapore, mabilis… kaya konti lang satin ang sa internet ay matulis. This podcast is brought to you by EasyPC, Rakk Gears, and Game Express. Kasi nga, kami ang parausan bago magtanghalian. Para sa mga kalmado at apurado, pwera lang sa abusado. Kinig na sa… TSONGPORADO!
-
49
Ep. 49 - Kris Gets Permission to Use Tinder from Bimby
Kris Aquino, binigyan na raw ng permiso, may basbas na ni Bimby na makihalubilo. Pero dahil sa pandemic, tinder na muna daw siya gigimik. May magsa-swipe right ba kay Kris, o left swipe na mintis na mintis? This podcast is brought to you by EasyPC, Rakk Gears, and Game Express. Kasi nga, kami ang parausan bago magtanghalian. Para sa mga kalmado at apurado, pwera lang sa abusado. Kinig na sa… TSONGPORADO! Hosts: Tito Pabs, ThejoBroShow, Jholo, MasaRaam, Tito Jopes
-
48
Ep. 48 - Paubaya Reactions, with excl. from Joshua Garcia
May online iyakang nag-viral na ang context ay kasal. Does Josh really deserve better or ang buhay ay sadyang weather-weather. EXCLUSIVE!! Interview-hin natin ang man of the hour, Joshua Garcia, how are you brother? This podcast is brought to you by EasyPC, Rakk Gears, and Game Express. Kasi nga, kami ang parausan bago magtanghalian. Para sa mga kalmado at apurado, pwera lang sa abusado. Kinig na sa… TSONGPORADO! Hosts: Tito Pabs, TheJoBroShow, Jholo Aragoncillo, Masaraam, Tito Jopes
-
47
Ep. 47 - Homeless Transformation
Nasagap mo ba ang balita na si kuya dirty, ngayon ay naging model na shiny? Isang makeup artist daw ang naghahanap, ng papa na itatransform to poging pop na pop. Makinig na sa storyang ito ng tagumpay, kasi malay niyo may natatago pala tayong superstar na taglay. This podcast is brought to you by EasyPC, Rakk Gears, and Game Express. Kasi nga, kami ang parausan bago magtanghalian. Para sa mga kalmado at apurado, pwera lang sa abusado. Kinig na sa… TSONGPORADO!
-
46
Ep. 46 - Jollibee's LDR
Panahon na naman ng mga puso, kahit “Alone Forever” ang ngayo’y nauuso. May powers ka ba para mag-LDR, o ang ending ay “May I cry in the car?” Pag-ibig in the time of Pandemic, mapapanindigan ba, o kailangan nang mag-panic? This podcast is brought to you by EasyPC, Rakk Gears, and Game Express. Kasi nga, kami ang parausan bago magtanghalian. Para sa mga kalmado at apurado, pwera lang sa abusado. Kinig na sa… TSONGPORADO!
-
45
Ep. 45 - Facebook in Trouble, Cyberpunk 2077 News, Xbox SX Exclusives
Will Facebook Face the Music? Umaatras na raw ang advertisers at ngayon nagkukumahog silang i-undo ang kanilang dapat ginawa noon pa lang. At… May balita tungkol sa susunod na Xbox exclusives at mga bagong detalye about Cyberpunk 2077.
-
44
Ep. 44 - Our PS5 Reveal Event Reaction
Make love not console wars! We will be discussing today the PS5 Reveal event, all of the games and what we think of the new console design. Huli man at magaling, kikiligin ba pa rin?
-
43
Ep. 43 - What on Earth is a Pokemon Unite?
Love ko ang Pokemon, Poke mo ba? Today we will discuss why or why not Pokemon is a good idea for a MOBA game. Joining us is Poke-man himself, JJ-kun and Pokemon enthusiasts Grin Cat and Jholo!
-
42
Ep. 42 - Matteo Unboxes, TLOU2 Sales, Cyberpunk 2077 Delayed
Wasak ba ang life mo at need mo maghanap ng mababash? At bakit naman pinili mo pa ang asawa ni Sarah G, also known as Ash? At balik na naman ang gaming news reel natin, ready ka na ba sa bulusok ng mga balita?
-
41
Ep. 41 - Tsongs' Origin Stories
Kwentutan time na naman tayo, pero this time, ang mga tsongs ang sumasainyo. Paano ba nagsimula ang kuwentong streamer ng mga tsong? Alamin as we go along!
-
40
Ep. 40 - Streamers Drama Special Book 1
Buhay streamer, what doesn’t kill makes you stronger. Naghanap lang ng rhyme, ciempre kailangang bigyan ng time. Meron tayong mga letter sender, here we go and let’s read them letters later!
-
39
Ep. 39 - How to Podcast
Daldal ka nang daldal, kaya mo ba nang matagal? Kung meron namang laman, bakit di ka mag-podcast at kami’y pakinggan. Ito ang bagong toksho… ng henerasyong sawa na sa radyo.
-
38
Ep. 38 - Top Games of the Decade and Remakes Unmade
Sino ang the best, sino ang greatest... Sa mga games ng dekadang latest? At bakit kailangan pang i-make ang mga remake? Pwede bang the OG will always take the cake?
-
37
Ep. 37 - Quarantine Quests
Ilang linggo na tayong nakakulong sa bahay, pero siyempre, tuloy pa rin ang buhay! Mga laro, pelikula, at skills na pwedeng career-in, ngayong panahon, positive vibes ang pairalin.
-
36
Ep. 36 - Next-gen Console Info Wars
Simulan na ang giyera ng mga consoles dahil nagsasalpukan na sa pagbibida ang Microsoft at Sony. Sino ang mas bigatin sa dalawa, at bakit nanunuod lang si Nintendo? At, kaya mo bang sikmurain na i-share ang mga paborito mong console exclusive games sa PC?
-
35
Ep. 35 - No Sony for E3, No exclusives for Xbox Series X
Di raw dadalaw si Sony sa E3, at marami ang nanggagalaiti. Eto namang si Xbox, aattend daw sa E3, pero ang exclusives sa sunod na console, di pa masabi. Pag-usapan natin yan nang maigi!
-
34
Ep. 34 - What are your most anticipated games of 2020?
Delay sa umaga, delay sa hapon. Napakaraming delayed na games na inaabangan ngayong 2020. Ano ba sa mga games na ito ang inaabangan mo. Kasama sina Cz Gaming, Jholo Aragoncillo, at MasaRaam Gaming, sagutin natin yan!
-
33
Ep. 33 - Our Fave TV Shows of 2019 with Nico David
Life was good for couch potatoes out there last 2019! Napakaraming magagandang TV shows na lumabas, and most of them, available on streaming! Ano ang tumatak sa amin this year. At kasama natin ang TV Show analyst na si Nico David to top it off!
-
32
Ep. 32 - The Oscar Nominees and Our Movie of 2019
2019 has been a great year for movies and we are here to shoutout our most recommended ones. From Joker to Parasite to the one you might've already watched. Yes, marunong kami mag-English.
-
31
Ep. 31 - The Tsongporado Game of the Year 2019
The best games of 2019, pramis, di kayo mabibitin! From our most notables to the simply incredible, isang oras tayong magche-cherish ng best and brightest.
-
30
Ep. 30 - Season Finale and The Game Awards Winners
Season 1 is ending and we wanna end with a big bang. The Game Awards just concluded and we have spicy things to say. English di ba?
-
29
Ep. 29 - Call of Duty Back to Form and Nintendo Switch Pro
Call of Duty, balik daw sa dati? Sobrang ganda na raw at hassle-free! At, ano ang pakiramdam niyo sa idea ng isang Nintendo Switch Pro? Kakagat ba kayow?
-
28
Ep. 28 - State of Play and The Game Awards Nominees
Kaytagal mang nawala, babalik pa rin! Dahil walang pipigil sa amin! Ngayong araw, mga nominees sa Game Awards ating kikilatisin. Pero sino-sino'ng magwawagi, the votes are in!
-
27
Ep. 27 - Di Bati, PC vs Console Gaming
Dalawang nag-uumpugang bato, at kami ni tito jopes ang nasa gitna po. Sa pula sa puti, sino ang mali? PC ba o console ang mananaig sa huli?
-
26
Ep. 26 - RE2 Remake Winning GOTY and PC Launcher Exclusives
Ang nginuya ba, pwede pang kainin ulit? Ganyan ba ang dapat na isipin kung Game Remakes ang pag-uusapan, lalo na't kakapanalo lang ng RE2 Remake as GOTY? At, may saysay ba na gawing exclusive sa isang launcher ang isang game?
-
25
Ep. 25 - Death Stranding CE Unboxing, PS5 Patent on Cartridges
May mahuhubaran ngayon pero hindi tao! Maga-unbox tayo ng Death Stranding Collector's edition, at... magbabalik ba ang gaming universe sa paggamit ng cartridges?
-
24
Ep. 24 - How Pokemon Got Big and the Half-Pokedex
Nagsimula sa isang laro at ngayon ay isa nang media magnate. Paano ba nag-Gigantimax ang Pokemon, at ngayon ay maraming nagmamaktol sa pagkalahati ng National Pokedex neto?
-
23
Ep. 23 - Di Bati, Gifting PS4 or Switch for Christmas
At dumating na ang araw ng paghamon! PS4 ba o Nintendo Switch sa dulo ng taon? Narito ang ating mga conso0le defenders. Si Darren sa Switch, si Josh para sa PS4. Kanino kayo papabor?
-
22
Ep. 22 - Diablo 4's Microtransactions and PS4 as 2nd best-selling Console
Na-announce na ang bagong Diablo game, at kasama nito ang panibagong kontrobersiya na may microtransactions ito. Kailangan ba talaga ng microtransactions? At, official na! Second best-selling home console na ang PS4. Wala ka pa ba?
-
21
Ep. 21 - RDR2 Faulty Launch and Death Stranding Mixed Reviews
Nagbabalik ang daily podcast ng mga tsong at bitbit nito ang sabog na launch ng Red Dead Redemption. Maraming masasabi si Tito Pabs dito. At… kailangan ba talaga ng Death Stranding na maging exclusive ito sa PS4? Excited na kami sa pagbabalik kasi…
-
20
Ep. 20 - Talking Next-gen (Part 2) Playstation and Nintendo
Pag-uusapan natin ang future ng mga gaming consoles natin. Unahin natin ang mga hitik na balita tungkol sa Stadia, Xbox One, Playstation, at Nintendo Switch. Handa na ba'ng mga Tsong?
-
19
Ep. 19 - Talking Next-gen (Part 1) Stadia and Xbox
Pag-uusapan natin ang future ng mga gaming consoles natin. Unahin natin ang mga hitik na balita tungkol sa Stadia, Xbox One, Playstation, at Nintendo Switch. Handa na ba'ng mga Tsong?
-
18
Ep. 18 - The Joker Movie Spoilercast (Part 2) The Weird Media Scare
Nagbabalik ang mga tsong para sa review ng joker na mas malutong. Sa part 1 pag-uusapan natin ang buong kuwento, symbolisms at kung anu-ano. At sa Part 2, bakit ba takot na takot ang media na ipakita ito?
-
17
Ep. 17 - The Joker Movie Spoilercast (Part 1) Story Beats
Nagbabalik ang mga tsong para sa review ng joker na mas malutong. Sa part 1 pag-uusapan natin ang buong kuwento, symbolisms at kung anu-ano. At sa Part 2, bakit ba takot na takot ang media na ipakita ito?
-
16
Ep. 16 - The Hearthstone China Controversy, Carlos Yulo Wins International Gold
May namumuong kulimlim sa Hearthstone community nitong mga nakaraang linggo at ayaw mamatay-matay. Bakit kaya? At, sino itong si Carlos Yulo na nagwagi sa World Championship for Artistic Gymnastics nito lang Linggo.
-
15
Ep. 15 - Tsongporado NBA Season Primer, Basketball and Sex Appeal
Magsisimula na naman ang bagong NBA season, at ano ang mga dapat natin ika-excite? At, sadya ba talagang malakas ang karisma ng mga basketbolero? Do their shoe size pull in women’s eyes?
-
14
Ep. 14 - Doom Eternal Delayed, Where Are Our Silent Hill Games
Wala daw forever, pero bakit parang eternity ang paghintay natin sa Doom Eternal, lalo na’t na-delay pa siya for next year? At mas lalong walang forever kasi may mga games na nananapak sa ganda, pero sadyang inabandona na, kagaya ng Silent Hill.
-
13
Ep. 13 - PS5 on 2020, Scariest Horror Movie Memories, Are You Afraid of the Dark
PS5 Season na raw? Anak naman ng cow! And we'll recall our best horror movie memories, and later we'll decide kung mas nakakatakot ba si Are You Afraid of the Dark, Goosebumps, o ang local pambato natin na Oka Tokat.
-
12
Ep. 12 - The Joker Review (spoiler-free) and Birds of Prey Reaction
Marami raw critics ang natatakot na ilabas sa publiko ang joker, dahil sa tema nitong anarchy overtones nito. Pero may basehan ba sila para matakot? At susunod naman, ano ang reaksyon natin sa bagong pelikula ng babaeng counterpart ni Joker.
-
11
Ep. 11 - Fils-Aime in Hall of Fame, Dragon Quest 1-3, Untitled Goose Game and Link's Awakening
I-dedicate natin ang episode na ito para sa Nintendo Switch ang mga bagong chismax! May na-induct sa hall of fame, may nagbabalik na classics. Meron ding goose that got loose, at may isang nasobrahan sa pagmamahal.
-
10
Ep. 10 - Universities of Gaming, Nintendo and its Microtransactions
Totoy, totoy, anong gusto mong maging paglaki mo? Kung sagot mo ay mag-DOTA forever, aba’y baka may school na para sayo! At paano na lang kung ang coin-grabbing na si Mario, dudukot pa lalo sa bulsa mo? Swabeng bigotilyong huthutan lang ba ang peg?
-
9
Ep. 9 - World's Most Useless Inventions, Weirdest Dating Moments
Kung ikaw ay naging imbensyon, ano ka, at bakit? Mamaya makikita natin ang mga imbensyong nalagay ata ni teacher sa Row 4. At mamaya pa, mga kuwento ng kababalaghan at katatakutan sa aming mga date na naranasan.
-
8
Ep. 8 - Too Late in the PS4 Hype Train?, PS4 Buyers Guide
Ale! Ale! Pabile po ng PS4! Dahil malapit na po akong bumili ng PS4, gusto kong malaman, am I wasting my precious money coming in late into this generation of consoles? Pero kung bibili man ako, ano ang mga best tips para makabili o makatipid?
-
7
Ep. 7 - Best Couch Coop Gaming Memories, Dealing with Non-gamer Friends
Narinig niyo na ba ang salitang couch-coop? Alam niyo bang malamang sa malamang ay nagawa niyo na ito? At, paano kayo makikitungo sa friend na ayaw sa gaming hobby mo? Suntukan na ba ito?
-
6
Ep. 6 - TLOU2 Says No to Multiplayer, Jollibee in Tekken, Spidey in MCU
Why not makinig ka sa mga news namin, like The Last of Us Part 2 na wala raw multiplayer mode? O di kaya yung balitang si Jollibee na raw ang hahataw sa Tekken? Narinig niyo na rin ba na balik-MCU si Spider-man? Monday morning blues ba?
No matches for "" in this podcast's transcripts.
No topics indexed yet for this podcast.
Loading reviews...
Loading similar podcasts...