152: TULA SOMEBODY - Jerry Gracio x Mela Habijan episode artwork

EPISODE · Oct 22, 2021 · 51 MIN

152: TULA SOMEBODY - Jerry Gracio x Mela Habijan

from The Linya-Linya Show · host Ali Sangalang and Linya-Linya and The Pod Network Entertainment

Huli man daw at magaling, maihahabol pa rin. Kaya naman, inihahandog natin ang ikalimang yugto ng Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino bilang joint celebration ng nagdaang Pride Month at Buwan ng Wika. Sabihin na nating isa itong pagdiriwang ng pag-ibig at ng panitikan. Tampok ang mga tulang karamihan ay mula sa kanyang librong "Hindi Bagay," ang makata natin sa episode na ito ay si Jerry Gracio. Hindi lang siya nakilala sa pagsusulat ng mga taludtod ng tula-- isa rin siyang scriptwriter ng mga pelikulang Pilipino. Sa katunayan, kinilala siya ng FAMAS noong 2018 sa pelikulang Balangiga: Howling Wilderness bilang “Best Original Screenplay” ng taong iyon. Maliban pa dyan, humakot na rin ng awards si Jerry Gracio sa Carlos Palanca Memorial Awards para sa kanyang short stories, screenplays, at syempre, poetry. Ang nagbibigay-tinig sa mga berso ni Jerry Gracio-- si Mela Habijan. Bukod sa pagiging isang LGBTQIA+ advocate, isa rin siyang scriptwriter, host, actress, at content creator. Ihanda ang isip, at lalo na, ang puso, sa mga tula at kwentong magpapaantig ng ating mga damdamin. Pakinggan, pakiramdaman, at pagnilayan ang special episode na ito ng The Linya-Linya Show, powered by PumaPodcast.     Ibahagi ang inyong komento o reaksyon sa mga nabasang akda, pati na kung may mungkahi kayo sa gusto ninyong susunod na babasahin o magababasa-- ipadala lang sa [email protected], o kaya i-DM nyo kami sa @thelinyalinyashow sa Instagram.   Sa mga nagnanais na mabasa ang iba pang tula ni Jerry Gracio sa kanyang librong "Hindi Bagay," malugod nyang ibinabahagi ito sa lahat: https://drive.google.com/file/d/1mZePfI2sYH7yJAi9A8nRADaKfXLlSACX/view Mabuhay ang panitikang Pilipino!   #TheLinyaLinyaShow #TulaSomebody

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 22, 2021

Embed this episode

NOW PLAYING

152: TULA SOMEBODY - Jerry Gracio x Mela Habijan

0:00 51:05

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of The Linya-Linya Show?

This episode is 51 minutes long.

When was this The Linya-Linya Show episode published?

This episode was published on October 22, 2021.

Can I download this The Linya-Linya Show episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!