Skip to content
ANG LIHIM NA KWARTO episode artwork

May 28, 2025 23 min

ANG LIHIM NA KWARTO

from Pinoy Creepypasta Hosted by Sir Nebb and TAGM Marketing Solutions Inc.

ANG LIHIM NA KWARTO

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

ANG LIHIM NA KWARTO

0:00 23:42
of matches

Transcript Auto-generated, may contain errors

Pagbati Sir Nev at sa buong Pinoy Horror Community. Itong ibabahagi ko ay karanasan ng mama ko ng magtrabaho siya bilang DH sa isang Middle Eastern country. Ang mga pangalan at lugar po na mababanggit ko rito ay binago ko na. Para na rin sa proteksyon ni mama at para na rin hindi na makahatak pa ng unwanted attention. Kung nanonood tayong lahat ng news ay masasabing hindi na bago ang ganitong pangyayari. Malaki talaga yung pasasalamat namin na nagawang maligtasan ni mama ang ganitong sitwasyon.

Nagtrabaho nga bilang DH ang mama namin. Nakailang kontrata din siya bago siya napunta sa amo niyang itago na lang natin sa pangalang Ma'am Carol. Sa kwento ni mama, si Ma'am Carol yung pangkaraniwan na niyang nagiging amo na ibang lahi. Tamad maligo. Mahal daw kasi ang tubig sa Middle East. Mas mura pang araw yung gasolina. Pero hindi naman daw masasabing naghihirap ang mga amo niya para magtipid sa tubig. Sa katunayan ay hinahayaan para siyang maligo araw-araw at magdilig pa ng mga halaman. Sadyang tamad lang daw maligo si Ma'am Carol.

All around si Mama sa bahay ni Ma'am Carol. Linis, laba, luto. Lahat ng panig ng bahay ay nililinis at napapasok niya, maliban sa kwarto ni Ma'am Carol. Hindi naman daw siya pinagbabawalang pumasok doon, pero hindi na nga niya sinubukang pumasok dahil laging nakakandado. Kahit daw nasa bahay si Ma'am Carol, kung nasa labas naman ito ng kwarto ay nakakandado ang kwarto nito at nakakwintas pa sa kanya yung susi.

Noong unang beses daw natin ang kambuksan ni Mama yung kwarto para maglinis, ay sinaway siya ni Ma'am Carol. Siya na raw ang maglilinis sa kwarto niya dahil metikulosa raw sa paraan ng paglilinis sa mga gamit nito. Hindi raw basta-basta ang cleaning method ng mga muebles sa kwarto. At tinatamad na raw magturo kay Mama. Yung labas na lang daw ang linisan niya. Kay Mama naman mas pabor nga yung hindi niya lilinisan ang kwarto ng amo niya. Mas makakatipid daw siya sa oras at bawas trabaho pa.

Hindi raw alam ni mama kung ano ang trabaho ng amo niya. Hindi naman niya maitanong kasi kahit naman daw maayos makisama si Ma'am Carol ay hindi naman niya masasabing close sila para magtanong dito. Basta raw aalis ng around 9 ng umaga tapos umuuwi ng alas 9 rin ng gabi. Walang kasama sa bahay si mama sa loob ng 12 oras kasi wala namang pamilya si Ma'am Carol. Hindi raw niya alam kung dalaga o nasa malayong lugar ang asawa dahil hindi naman nila napapag-usapan. Hindi rin niya tinatanong kasi para daw may ere na intimidating si Ma'am Carol.

Madaldal si Mama, Sir Nev. Kaya nga detalyado niyang naikwento sa amin itong karanasan niya. Si Mama yung tipo na kapag iniwan mo sa isang crowded na lugar, kapag binaligan mo after ilang minuto, ay nakabuo na ng circle ng bagong kakilala. Pero hindi niya kayang gawin yun kay Ma'am Carol. Tameme raw siya kapag nasa bahay ang amo niyang yun. Sa madaling salita, ay napaka-misteryosa ni Ma'am Carol. Bukod sa tamadmaligo, pero mitikulosa raw sa kalinisan ng kwarto, ay wala nang alam si Mama tungkol sa kanya.

Ito po ang Pinoy Creepypasta Podcast. Iniimbitahan ko po kayo na dumalaw sa ating YouTube channel para sa mga latest episodes. Maraming salamat po mga kapasta. Hindi naman chismosa si mama. Madaldal siya pero hindi siya mahilig magkwento o mag-usisa ng tungkol sa buhay ng iba. Hindi nga raw niya pinapansin ang kwarto ng amo niya.

Pero may pagkakataon daw na parang inaakit talaga siya noon na pumasok o pumuslit sa loob. Yun daw bang pinagbabawalan kang pumasok sa isang lugar. Tapos paminsan-minsan ay bibigyan ka ng pasilip sa kung ano ang meron sa loob. Kaya itong si Mama, naku-curious daw. Alimbawa na lang ay noong time na naghahaponan daw si Ma'am Carol. Habang kumakain daw ay nakaharap sa laptop at may kung anong tinatrabaho. Inutusan daw noon si Mama na kunin yung extension cord na nasa isang cabinet. Bale yung cabinet ay nasa pagitan ng kwarto ni Ma'am Carol at ng isang bakanting kwarto.

Pagpunta rao ni mama ay napansin kaagad niya na hindi nakalak yung pinto ng kwarto. Hindi rin nakalapat ng mabuti, kaya medyo nasisilip niya yung nasa loob. Maliit na maliit lang naman daw yung pagkakabukas, kaya hindi rin niya nakikita kung ano ang nasa loob. Pero bigla rao siyang kinabahan at nainggan yung pumasok o sumilip man lang. Para daw may nagtutulak sa kanya na pumunta doon sa kwarto. Parang naririnig nga rao niya yung pangalan niya na tinatawag. May naaamoy daw siyang maasim na palagay niya ay nagmumula roon sa kwarto kasi hindi naman niya nalilisan yun.

Inuwasan na lang daw niya ng tingin yung kwarto, kasi natatakot siyang mapagalitan kapag nahuling pumasok. Isip din niya na baka may hidden camera sa kwarto, tapos makita yun ni Ma'am Carol. Hindi pa naman niya kabisado ang ugali, baka masaktan pa siya. Talamak pa naman ang mga pananakit ng mga amo sa kasambahay, lalo na sa mga Pilipino. Kinuha na lang niya yung extension, pagkatapos ay umalis na. Nagulat na lang daw siya kasi nakatayo na roon sa may daraanan niya si Ma'am Carol at nakatingin sa kanya. Parang may inaabangan daw na reaksyon niya.

The next day, the next day, the extension. Hindi na lang daw nagpahalata si Mama, pero nung time daw na yon ay naguguluhan na siya sa trip ng amo niya. Napapaisip na raw siya kung talaga bang dahil lang sa muebles kaya hindi siya pinapayagang maglinis sa kwarto. O may iba pang dahilan, kasi kung dahil lang sa paglilinis, bakit parating nakakandado at ingat na ingat na masilip niya? Pero nung time daw na yon ay hinayaan lang na nakabukas. Para bang tinatrap daw talaga si Mama na pumasok doon? Parang sinasadyang testingin kung tapat pa siya talaga.

Sa kagustuhan ni Mama na hindi na siya mag-overthink lalo, inisip na lang niya na baka nga tinetesting lang siya ni Ma'am Carol kung tapat siya kasi mga 2 months na araw siyang nagtatrabaho noon sa bahay nito. Pero ang totoo raw noon Sir Nev ay marami ng napapansing kawirduhan si Mama, kay Ma'am Carol at sa mismong bahay. Ito po ang podcast ng Pinoy Creepypasta. Ako po si Nev Quero, happy listening po sa inyong lahat. Muli po kayo ay nakikinig sa Pinoy Creepypasta. Isa sa mga weirdong kaganapan ay nangyari daw sa banyo.

Sometimes it's a day because it's a day because it's a day. It's a day, it's a day, it's a day. It's a day, it's a day. It's a day, it's a day, it's a day. It's a day, it's a day. It's a day, it's a day, it's a day. It's a day, it's a day, it's a day.

But when it was 5 o'clock in the morning, it was very clean. And the cleaning agent, it was very clean. And it was very clean. And it was very clean. And it was very clean. And it was very clean. And it was very clean. And it was very clean. It was very clean. And it was very clean. And it was very clean. And it was very clean. And it was very clean. And it was very clean. But it was very clean. And it was very clean. But it was very clean. And it was very clean. And it was very clean. But it was very clean. And it was very clean.

Noong ikwento sa amin ni Mama ang tungkol doon nang minsang mag video call kami, ang sabi ni Papa ay baka raw may depresyon si Ma'am Carol at ang coping mechanism niya ay paglilinis ng banyo. Baka raw kapag inaatake ng sobrang lungkot o anxiety ay yun ang ginagawang pampalipas ng mood. Pinayuhan pa siya ni Mama na subukang kausapin kung sobrang tahimik nga dahil baka yun nga ang problema. Doon nga na ikwento rin ni Mama na nahihiya siyang kausapin si Ma'am Carol. Nakaka-intimidate daw.

Biro pa nga ni papa, baka ro kapag lumala yung depresyon ng amo ni mama, ay baka siya pa ang pagdiskitahan at buhusan ng asido sa mukha. Maliban doon ay may nawawalang party raw yung bahay. Kapag sa labas ay may makikita ka pa raw na maliit na exhaust fan sa bandang gilid. Bale dalawang palapag yung bahay, sa taas yung tatlong kwarto. Kwarto ni ma'am Carol, guest room, tsaka yung kwarto ni mama. Sa tabi raw ng pintana ng guest room, may isang dipayong layo ay nandoon nakalagay yung exhaust fan. Pero kapag pumasok ka sa guest room, ay wala kang makikitang exhaust fan.

Pader na yung dapat sana ay kinapupwestohan noon. Inakala raw ni Mama na parte ng kwarto ni Ma'am Carol yung exos fan since katabi naman ang kwarto niya ang guest room. Pero isang beses na naglilinis si Mama ay nakita raw niyang lumabas ng kwarto si Ma'am Carol. Nagulat pangaraw sa kanya kaya dalidaling sinara yung pinto at kinandado. Yumuku na lang daw noon si Mama pero doon niya nalaman na yung pinto pala ay katabi ng pater.

Doon na gets ni mama na yung nawawalang kwarto kung saan naroon yung exos fan ay yung pagitan ng kwarto ni ma'am Carol at ng guest room. Malamang daw ay nasa kwarto ng amo niya ang pinto, papasok sa kwartong may exos fan. Yun daw ang lalong nagpa-curious kay mama sa kung ano ba ang meron sa kwarto ng amo niya. Hindi na raw maganda ang kotob niya, pero nagkukunwari na lang siyang walang pakialam sa paligid. Isang gabi raw ay lumapit si mama sa pinto ni ma'am Carol. Wala naman daw siyang maririnig o masisilip doon kasi sobrang soundproof.

Pag hawak daw niya sa pinto, ay naramdaman niya na mainit. Parang kahoy raw na malapit ng mag-apoy. Hindi raw niya alam kung kakatukin yung amo niya o hindi, kasi baka mahalata na naniniktik siya. Noong pagpasok daw niya sa kwarto niya, ay saktong narinig naman niya na binuksan ni Ma'am Carol ang pinto ng kwarto nito. Narinig pa raw niya na parang may naghihilik ng malakas na tipong sinasakal. Tapos ay mabilis na bumagsak pa sara yung pinto.

Mga kapasta, nakikinig po kayo sa Pinoy Creepypasta Podcast. Para po sa mga bagong episodes, bisita po kayo sa ating YouTube channel, Pinoy Creepypasta Tagalog Horror Stories. Hindi naman daw po araw-araw na may weirdong napapansin si Mama sa bahay ni Ma'am Carol. Actually, nakatagal nga siya ng dalawang taon. Natapos niya yung kontrata niya roon. Pero yun ay dahil na natiling tahimik si Mama sa lahat ng nakita niya at natuklasan. Taon-taon ay nagtatapon ng gamit yung amo ni Mama, kagaya ng ibang kalahi nito.

Minsan ay binibigay na lang sa kanya yung mga gamit, imbis na itapon. Yung carpet namin, ilang appliances at gamit dito sa bahay ay mga bigay ni Ma'am Carol. Mga pwede pa namang gamitin, pero sila pinapalitan na. Ilang beses na nabigyan ng bag o damit si Mama na tinapon niya rin. Dahil may nakikita siyang mga bagay na sa palagay niya ay hindi tama. May isang maliit na kahon na puro bag at damit ang laman na pinapatapon na lang. May permission naman ni Ma'am Carol na pakialaman niya yung kahon. Kasi kung gusto nga raw niyang kumuha ng gamit doon sa itatapon, ay kumuha lang siya.

Yun ngang maliit na kahon ang nakita ni mama. Kasi sabi niya pwede raw ipangukay. Naitabi raw niya sa kwarto niya yung kahon at ipapakage dapat sa amin. Kaso may nakita pa siyang isang mas maliit na kahon. Binuksan niya rin kasi akala niya ay mga damit din. Pero mga papel pala ang laman. Passport at kontrata ng isang itim. Dating kasambahay ni Ma'am Carol. May mga picture pa noong babae na suot yung ilang damit na naroon sa naunang kahon. May nakuha pa raw siyang cellphone na noong kalkalin niya ay may nakita siyang video na parang kinuhanan ng patago.

Si Ma'am Carol, ginugulpe yung itim na babae. Parang papatayin na raw kung saktan. Hinampas daw ng plancha sa ulo. Noong umpisa raw ay umiiyak at nagmamakaawa pa yung babae. Pero nang tumagal, ay parang nalamog na dahil hindi na nga umiiyak. Nakataas na lang daw yung mga kamay at sinasanggaan ang muka. Sinigawan pa raw ni Ma'am Carol yung babae at sinabihang hindi na makakauwi sa bansa nito.

Mahaba raw yung video. Simula roon sa sinetap pa lang ng kasambahay yung cellphone hanggang sa dulo na duguan at umiiyak ngayon habang kinukuha yung cellphone. Nagsalita pa raw yun na parang pinapaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanya. Kaso hindi na raw maunawaan ni mama. May ilang larawan daw sa cellphone na pinapakita yung mga sugat at pasa noong babae. Sa takot daw ni mama ay tinapon na lang niya yung mga damit. Mabuti raw at nangkalkalin niya yung mga kahon ay wala si ma'am Carol. Hinintay na lang daw niya na may makapulot noong cellphone at matuklasan yung nangyari sa kasambahay.

Pero hanggang sa ma-finish contract si Mama ay walang nakakita roon o kung meron man ay hindi na pinansin. Araw-araw daw ay ingat na ingat si Mama sa pagkilos sa bahay na yon dahil nalaman niya na capable pala si Ma'am Carol sa pananakit sa ibang tao to the point na parang papatay na niya ito. Nagties siya roon sa bahay dahil nagkataon pa na noong makita niya yung mga kahon ay nagkasakit si papa kaya kinailangan huminto sa pagtatrabaho. Nagkaroon siya ng TV na kailangan ng 6 buwan na gamutan. Hindi sinabi ni mama ang pinagdaraanan niya sa amin dahil ayaw roon niyang dagdagan pa ang mga alalahanin namin. Pinapanalangin daw niya noon na sana ay nakatakas yung dating kasambahay ni ma'am Garol kaya naiwan yung passport at mga gamit.

Ito po ang Pinoy Creepypasta Podcast. Iniimbitahan ko po kayo na dumalaw sa ating YouTube channel para sa mga latest episodes. Maraming salamat po mga kapasta. May daga na nakapasok sa bahay ni Mang Carol at iniutos kay Mama na lasunin yon. Kaya ng mga muybulok isang araw ay hinanap niya yung pinagmumulan at nalaman niya na sakisam yon.

Ang daan sa kisame ay sa sulok ng banyo at doon mismo nagmumula yung amoy. Madali naman daw nakita ni mama yung patay na daga, halos kasing laki na raw ng pusa, kaya raw pala grabe yung amoy. Habang nasa kisame siya, ay narealize niya na pwede siyang makarating sa kwarto ni Ma'am Carol at mas silip yun dahil may mga maliliit na bintana raw ang kisame sa mga kwarto. Yung mga slit daw na para yata sa exos. Kinabahan daw siya noon, pero since maaga pa at wala si Ma'am Carol, ay sinubukan niya. Nagmamadali raw si mama noon kasi kinakabahan din siya.

Mataas daw yung pagitan ng kisame at bubong. Pwede pa nga raw gawing maliit na kwarto ng bata. Guide niya rawon yung liwanag na nagmumula sa mga slit ng kisame. Noong nasilip na raw niya yung guest room, ay lalong dumagundong ang kaba niya. Kasi kasunod nga noon, yung secret room. Sir Nev, ito yung nakita ni Mama sa kwarto. May mga buto raw sa isang gilid at may nakita pang tatlong bungo ng tao si Mama. Hindi raw niya alam kung totoo o peke ang mga yon. Pero napaiyak daw siya sa takot.

Marami rin daw mga bote ng muriatic acid doon at may malaking bathtub na may gripo. Hindi na raw malaman ni Mama kung ano yung iba pa niyang nakita pero dumiretsyo na raw siya para silipin naman yung kwarto ni Ma'am Carol. At doon naman ay nakita niya ang ilang lapida na nakadisplay sa isang tabi. Ang malalapang nakita ni Mama ay isang mukha na naka-frame. Masukasuka raw siya kasi tinalop yung mukha ng tao at nilagay sa frame. May dalawa raw siyang nakitang ganoon. Hindi na raw tinignan ni Mama yung iba pa kasi natakot na siya.

Dali-dali na siyang lumabas sa kisame, habang iyak ng iyak. Nanginginig daw ang buong katawan ni Mama, at gustong-gusto na niyang umuwi. Iniisip daw niya na hindi naman totoo yung nakita niya, na mga props lang o ano. Pero takot na takot pa rin siya. Mabuti na lang daw at maaga pa noon, kaya may oras pa siya para kalmahin ang sarili niya. Natatakot magsumbong sa mga polis si Mama, dahil hindi niya lubusang kilala si Mam Carol. Baka raw may mga connection ito sa kung saan-saan, at pati sa polis siya ay meron. Baka raw hindi na siya makauwi, baka raw siya pa ang makasuhan.

Sa huli ay nanahimik si Mama at nagpanggap na inosyente pa rin siya sa mga trip ng amo niya. Pero mula noon ay naging mas observant si Mama. Doon niya nalaman na may mga gabi talaga na lumalabas si Ma'am Carol. Nakikita niya kapag sumisilip siya sa bintana na lumalabas ang kotse. Tapos babalik kapag madaling araw na. May daladalang malaking maleta na parang nagbalik bayan. Limang buwan mula nang matuklasan ni Mama ang sikreto ng kwarto ni Ma'am Carol, ay natapos din sa wakas ang kontrata niya.

They gave us a bonus because she was so good at she was able to come back. But they didn't come back to Mama and Ma'am Carol. When it comes to a pandemic, one of the age of Mama and Ma'am Carol came back to him. They told him that he was arrested at the end of the day, because he had to come back to the cemetery with one man. Noong halughugin ang bahay niya, ay natuklasan ang mga bangkay na ninanakaw niya sa simenteryo at ginagawang iba't ibang klase ng dekorasyon. Suspect din daw sa pagkawala ng ilang tao si Mam Carol dahil nakitaan ng mga gamit ng missing persons sa bahay niya. Naisip nga namin na baka yung mga binibigay niyang gamit kay Mama ay pag-aari ng mga yon, kaya tinapon namin. Noong kinuwento ni Mama sa amin ang tungkol dito, ay awang-awa kami sa kanya. Pasalamat din kami sa Diyos na ginabayan niya si Mama sa mga panahon na roon siya.

Napakadelikadong tao pala ni Ma'am Carol. Pero ligtas na nakauwi si Mama. Sa ngayon po ay nagtayo na lang kami ng maliit na negosyo dito sa lugar namin. Ayaw na naming hayaang mag-abroad si Mama. Si Papa gumaling naman sa sakit niya at siya na lang ang natatrabaho ngayon. Hanggang dito na lang po ang kwento ko Sir Nev. Maraming maraming salamat po sa inyo.

Frequently asked questions

How long is this episode of Pinoy Creepypasta?

This episode is 23 minutes long.

When was this Pinoy Creepypasta episode published?

This episode was published on May 28, 2025.

Is there a transcript available for this episode?

Yes, a full transcript is available for this episode. You can read the complete transcript on the episode page.

Can I download this Pinoy Creepypasta episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.