Ang manghahasik
from Jesus The Great Minister Hosted by Jesus The Great Minister
Kung titignan natin ang buong proseso ng pagsasaka ay masasabi nating madali lamang itong gawin, pero ang totoo ay mahirap talaga ang magsaka. At katulad sa ating mga Kristiyano, meron din pong tinatawag na Magsasaka o Manghahasik na siya nating pag-uusapan sa mga oras na ito, at para mas lalo natin maunawaan ang sinasabi kong Magsasaka o Manghahasik na ito ay tignan nga natin ang salita ng Diyos patungkol sa isang Talinghaga tungkol sa Magsasaka o Manghahasik na matatagpuan hindi lamang po sa iisang aklat ng Bibliya kundi sa tatlong aklat ng Bibliya. Ito ay matatagpuan sa aklat ng Mateo 13:1-9, Marcos 4:1-9, at Lucas 8:4-15, kung saan ay tinatawag itong Synoptic Gospels dahil nilalaman nito ang magkakaparehong kuwento o istorya, at pangyayari patungkol dito.
Embed this episode
No transcript yet.