Skip to content
BABAENG KASABAY - Pinoy Creepypasta episode artwork

Apr 19, 2026 5 min

BABAENG KASABAY - Pinoy Creepypasta

from Pinoy Creepypasta Hosted by Sir Nebb and TAGM Marketing Solutions Inc.

BABAENG KASABAY - Pinoy Creepypasta

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

BABAENG KASABAY - Pinoy Creepypasta

0:00 5:37
of matches

Transcript Auto-generated, may contain errors

Quento ito ni mama kung bakit sila naghiwalay ni papa. Sana po mapansin nyo. Regalo nyo na sa akin kasi malapit na ang Pasko. Isa pa ay naganap din ang kwentong ito, Panahon ng Kapaskuhan, taong 2009. Six years old lang ako noon at naninirahan sa maternal grandparents ko dahil mas gusto kong sumama noon kina lolo at lola. Ini-spoil kasi nila ako. Favor naman yun kina mama at papa dahil buntis si mama at dahil makulit at malikot daw ako ay mahihirapan lang si mama kung naroon ako sa kanila.

December 2009, 5 buong bunti si mama. Galing siya sa pamimili ng Pangnoche Buena at nakasakay raw sa tricycle. Nang mahagip ng paningin niya si papa na may kaakbay na babae papasok sa isang motel. Kinabahan daw agad si mama dahil ang alam niya ay nasa trabaho si papa. Nalampasan na raw nila yung motel pero pinabalik niya yung driver para magbantay sa kabilang kalye kung lalabas si papa at ang hinihinala niyang babae nito. Gulong-gulo raw noon si mama at gusto niyang sugurin yung motel pero ayaw naman daw niyang mag-eskandalo pagkatapos ay mali naman pala siya.

Binyaran niya ng malaking halaga yung driver para maghintay sila ng tatlong oras sa labas. At nang lumabas nga si Papa, kasama ang babae nito na walang iba kundi ang pinsan ni Mama na si Tita Jenny, ay napaiyak na lang siya. Susuguri niya raw sana yung mga yun, pero pinigilan siya ng tricycle driver at pinayuhan siya na idaan na lang sa legal na proseso. Ganoon na lang nga ang ginawa ni Mama. Pagkatapos ay nagpahatid na siya pa uwi. Iyak ng iyak daw si Mama noon habang iniimpake yung mga gamit niya. Pati yung grocery binitbit niya, kaya ang dami niyang dala.

Alas 7 ng gabi ay nagbiyahe siya papunta sa amin ni lolo sa Patagas. Sir Nev meron daw siyang nakatabi na ali. Binati siya kasi namumugturaw yung mga mata niya. Huwag daw siyang umiyak kasi makakasama sa baby. Medyo maumbok na yung tiyan ni mama kaya halata ng buntis siya. Kinausap daw siya ng kinausap noong babae. Mukha naman daw friendly kaya nakipagkwentuhan siya kahit na amoy piritong tuyo yung hininga nito at parang napakalagkit ng buhok. Hanggang sa makaramdam na si mama ng hilo at antok na pinagtaka niya dahil hindi naman siya mahihilohin sa biyahe.

Sabi raw ng babae ay matulog na muna siya at gigisingin na lang siya nito kapag malapit na sila sa paliko. Nagising daw si mama dahil ginising siya ng konduktor. Tinatanong siya kung saan siya bababa. Wala na raw yung babae na katabi niya, kaya tinanong ni mama sa konduktor kung saan ito bumaba. Lagpas na sila ng paliko. Sabi raw ng konduktor ay nagmamadali yung pumara at bumaba sa bandang batulaw. Tinabahan daw si mama dahil baka may nawala sa mga gamit niya. Pero mabuti na lang daw at wala naman.

Nang makauwi siya sa amin ni na lolo ay tsaka niya kinwento ang nangyari kaya siya umuwi. Galit na galit siyempre si na lolo, pero nag-alala sila ng dumaing si mama ng pananakit ng tiyan. Tipong napaupo na siya ng sahig dahil sa sobrang sakit. Dinugo si mama noon at nakita ko yon Sir Nev. Natakot nga ako eh, lalo pa at nagsisigaw na sila. Sinugod siya sa ospital at doon ay nalaman na wala na yung baby ni mama. Ang nakakapangilabot Sir Nev ay durog na dugo na lang daw yung nasa tiyan niya at ilang piraso ng bahagi ng pitus.

Pinagbintangan pa nila Lolo si Mama na pinalaglag ang baby. Pero todotangi si Mama. Hindi niya raw magagawa yun. Si Lolo ang nag-assume na inaswang si Mama. Sir Nev hindi naman siya nagbibintang. Pero naalala ni Mama yung babaeng kasabay niya sa bus. Naghinala siya na yung babae na yun ang nangaswang sa kanya. Siguro daw ay isinagawa noon ang pambibiktima sa baby habang natutulog siya. Nagpaalbularyo si Mama at doon nga napatunayan na aswang ang kumuha sa kapatid ko.

Yun na ang pinakamalungkot na Pasko na dinaos namin. Dahil sa nangyari ay lalong nagalit ang pamilya namin kay Papa. Ganoon din kay Tita Jenny. Nagsasama sila hanggang ngayon, Sir Nev. At hindi sila kinakausap ng mga kamag-anak namin. Ako naman, never ko nang kinausap si Papa magmula noon. Kasi kahit bata pa ako noon, lubos ko nang naiintindihan yung kalukuhan na ginawa niya.

Frequently asked questions

How long is this episode of Pinoy Creepypasta?

This episode is 5 minutes long.

When was this Pinoy Creepypasta episode published?

This episode was published on April 19, 2026.

Is there a transcript available for this episode?

Yes, a full transcript is available for this episode. You can read the complete transcript on the episode page.

Can I download this Pinoy Creepypasta episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.