Vice is perfect match. Tutulungan kita ng hanapin ang perfect match mo. What's your secret? It's completed. Next, what you see is what you get. It's a match! Just like GameZone. Our choice of table game in the Philippines. Get up to 100% deposit bonus plus 1% daily first deposit freebate. Unbelievable talaga! Detay na ako sa di nakakastress. Play for fun. Play responsibly. Camping is not an accepted way of livelihood and does not solve financial problems. Detay na ako sa di nakakastress. Game na game sa GameZone. Sign up now at gzone.ph. Real player, real game.
Tawagin mo na lang akong Miss Violet. May ari ako ng isang parlor kung saan nagkaroon ako ng hindi malilimutang karanasan. Maging ako Sir Nev ay hindi halos makapaniwala. Natotoo pala ang mga aswang. Napatunayan ko yun sa pamamagitan ng bagong parloristang namasukan sa akin. Masyado na akong maraming suki sa parlor. Kaya naman humanap na ako ng makakatulong ko sa trabaho. Olarang kasi ako rito. Nanggugupit, nagmamanicure at pedicure at kung ano-ano pang may kinalaman sa pagpapaganda.
Isang babaeng itatago ko na lang sa pangalang Thea ang namasukan sa akin. Nakiusap siya na atanggapin ko dahil kailangan daw niya ng trabaho. Isa pa may experience na raw siya dahil dati na siyang namasukan sa kanilang probinsya sa Cebu. Tinanggap ko siya dahil napatunayan naman niyang magaling siyang manggupit. Hanggang alas 8 ng gabi ang parlor namin Sir Nev. Minsan nga ay umaabot ako ng alas 9 kapag marami talaga ang mga customer.
Ilang araw pa lang nagtatrabaho si Thea ay napansin kong may kakaiba sa kanya. Nagiging balisana siya kapag sumasapit na ang gabi. Madali rin siyang mairita at madalas kong mahuling nanlilisik ang mga mata niya. Para bang anumang sandali ay mananagpang siya ng mga customer. Palangiti, mahinhin at tahimik siya kapag umaga tuwing gabi lang talaga nagkakaroon ng problema.
Minsan nga ay bigla na lang siyang nawawala. Iniiwan niya akong mag-isa sa parlor. Minsan naman ay biglang sumasakit ang tiyan niya. Lagi niyang sinasabi sa akin na hindi raw niya makaya ang gutom. Naisip ko na baka may ulcer siya, kaya pinapayagan ko siyang umuwi ng mas maaga sa akin. Pero isang gabi, hindi ko na siya pinayagang umuwi dahil may dumating na isang customer. Sinabihan ko siya na siya na lang ang maglinis ng kuko ng suki naming nagpapapedicure. Habang nililisan niya ito ng kuko, ay napapahawak siya sa tiyan niya. Paulit-ulit din niyang sinasabi na nagugutom na raw siya.
Naghulat kaming lahat nang bigla niyang sugatan yung paa ng customer namin. Pagkatapos ay sinipsip niya yung dugo na umagos mula doon sa sugat. Nagsisigaw yung mga customer namin at tumakbo sila palabas. Napakalakas niya, Sir Nev. Daig pa niya yung nasisiraan ng bait. Hindi pa siya nakontento. Kinagat pa niya yung may sugat na paa ng customer namin.
Pag-angat niya ay puro dugo ang bibig niya. Napansin din namin na humaba yung pangil niya at nagsilabasan yung ugat niya sa leeg. Nakakatakot yung mga mata niya, namumula habang nanlilisik. Sa takot ko ay nahablot ko yung rosaryo sa maliit na altar sa parlor at pinasuot yun sa kanya. Nagtatakbo siya palayo sa parlor hanggang sa hindi na namin siya nakita. Hindi na rin siya bumalik kailanman. Dahil doon ay ilang buwanding pinasara ang parlor ko dahil sa reklamong natanggap ko. Reklamo tungkol sa trabahador kong posibleng isang aswang.
May isha-share akong kwento na naranasan ng ate kong assistant sa isang klinika. Siya yung nagre-receive ng mga pasyente, tsaka nag-i-schedule. Sa kanya rin nagbabayad. Pidya yung doktor na boss ni ate Myla. May nangyari doon sa klinika na natakot sila, lalo na yung mga nanay. Ito po ang kwento, Bosneb. 2015 yata o 2016, nung nakapasok si ate Myla roon sa klinika. Dahil kaibigan ng tatay namin yung driver ng doktora, nagpahanap yung doktora kay tatay Naldo nang pwedeng maging assistant. At si ate ang nirekomenda kasi nakapag-nursing naman daw ng 2 years. Kahit papano ay may alam si ate.
Edy ayun nga, nakapasok si ate. Halos kilala niya na lahat ng pasyente noong mag-anim na buwan na siya sa trabaho. Meron daw roon isang nanay na itago na lang natin sa pangalang Jenny. Confidential po kahit papano. Kahit ichichika ko na yung mga hindi dapat. Lagi raw mag-isa kapag pumupunta si Jenny. Okay lang naman daw yun at wala namang problema kung single mom. Nalaman ni ate na single mom si Jenny kasi gawa noong file niya. According sa record niya, kakaitin lang niya noong 6 months yung baby niya. So sabi pa ni ate, nasa 17 pa lang si Jenny ng mabuntis.
Napakabata pa ni Jenny para magbuntis. Every time na nagpupunta siya sa clinic, namamaga raw yung mga mata pagkatapos lumabas ng opisina ng doktora. Mahina raw kasi yung baby ni Jenny. Maliit, tsaka parang may hydrocephalus. Sabi raw ng doktor kay ate, may weird na kwento raw si Jenny tungkol sa anak niya. Nagkwento na si Doc kasi raw parang naniniwala na siya sa kwento ni Jenny at kailangan niyang mailabas yun sa ibang tao dahil sobrang disturbing.
Sabi raw ni Jenny kay Doc ay inaaswang silang mag-ina. Ito nga po pala Sir Nev, halos palaboy lang si Jenny. Yung pera niya na pampachecap ay iniipon pa niya mula sa pagtitinda ng pagpag. May maliit daw na kainan si Jenny na pagpag yung main ingredient. Tarpulin at mga yero lang daw ang bahay nila. Kaya alam niya at nararamdaman niya kapag inaaswang silang mag-ina. Sobrang bahuraw. Tapos may nakikita pa siya ng mga anino. Niyayakap na lang daw niya yung baby niya at binabalot sa itim na tela kapag inaaswang sila.
Si Doc daw hindi naniniwala sa ganon. Ang tingin daw kasi niya malnourished yung bata tsaka exposed sa elements. Kaya maliit at laging may diarrhea. Na-suggest na raw ni Doc kay Jenny na dalhin sa isang shelter si baby. Kasi kita naman niya na hindi maaalagaan ng maayos. Madalas nga raw ay hindi na pinapabayad ni Doc kapag pumunta roon. Naawa raw kasi siya dahil kahit nahihirapan si Jenny ay pilit niyang dinadala sa doktor talaga yung anak niya. Imbis na sa center lang para makamura.
So ito po yung dahilan kung bakit unti-unting naniniwala na si Doc kay Jenny na inaaswang silang mag-ina. May mga pula-pula sa katawan si Baby. Sinabi lang daw ni Doc na insect bites kaya niresetahan ng trim para doon yung bata. Pero sa totoo lang daw ay hindi niya alam kung anong may gawa noong mga pula kasi parang tusok daw ng karayom ng hiringilya. Pero wala raw itim na marka ng pinagtusukan. Noong chinek daw for illegal substance kasi baka raw kung ano nang tinuturok ni Jenny sa bata ay negative naman. Ang malala ay sobrang baba ng dugo ng bata.
In a few days, they were dead, they were dead. They were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead, they were dead. Noon daw lapitan ng mga tao ay iyak ng iyak yung bata tapos nagmakaawa si Jenny na dalhin sa ospital yung anak niya. Kaso dead on arrival na yung bata. Marami daw dugo ang nawala doon sa bata pero wala namang makitang sugat sa katawan maliban sa mga pulang marka. Sabi raw ng sabi si Jenny na inasuwang nga yung anak niya kaya namatay. At doon nga sa klinika ay balibalita rin yung pagkamatay ng anak ni Jenny dahil nakikita at nakakakwentuhan din siya ng ibang mga nanay.
Takot na takot yung mga yun kasi naniniwala silang aswang ang yumari sa anak ni Jenny. Pero madali lang din nakalimutan yun ng mga tao at inisip na lang nila na nasisiraan na siya. Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Jen. Nais ko lang ibahagi sa inyo ang naging karanasan ko sa loob ng isang parlor sa Batangas. Sa totoo lang po, hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ko yung tagpong yun. Sino ba namang hindi kikilabutan kung makikita mo ang mga nakahilerang kabaong at mga nakahigang bangkay sa loob mismo ng parlor na pinuntahan mo? February 13, 2003. Pasado alas 9 ng umaga, nagpasya akong magpunta sa parlor para magpaayos ng buhok. Bago lang ako sa lugar na yon. Kaya naman kung alin yung pinakamalapit na parlor ay doon ako pumunta.
Noong una, nakita ko pa ang may-ari ng parlor. Sininyasan niya ako na umupo sa bakanting upuan. May ginugupitan pa kasi siyang isang customer. Habang naghihintay ako, hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang kabog ng diddib ko. Gayong wala naman akong dapat katakutan. Madaling natapos yung babaeng na una sa akin. Kaya naman ako na ang sumunod na ginupitan. Bale, dalawa lang kami nun sa loob ng parlor.
Habang nakatingin ako sa reflection ko sa harap ng malaking salamin, bigla na lang akong nakaramdam ng matinding lamig. Nagsimula yun sa ulo pababa sa katawan ko. Kasabay nun ang paglitaw ng mahahabang higaan sa loob ng parlor. May mga bangkay na nakahiga roon Sir Nev. Sa kabilang sulok ng parlor ay may nakita akong mga kabaong na nakahilera. Napasigaw ako dahil sa labis na takot. Bagay na kinagulat ng parloristang nanggugupit sa akin.
Pinagpawisan ako ng butil-butil habang nangangatog naman yung mga tuhod ko. Kahit na nangarag na yung boses ko, nagawa ko pa rin ikwento doon sa nangugupit sa akin yung mga weirdo at nakakatakot na bagay na nakita ko. Saglit na tumahimik yung may-ari ng parlor, maya-maya ay nagsalita rin. Nagulat ako ng sabihin niya na yung parlor na yon ay dating punerarya. Nabili lang daw ng lola niya yung puwestong yon. Pinagibaraw nito ang punerarya at doon nga pinatayo ang parlor na yon na hindi kalaunan ay pinamanas sa kanya ng kanyang lola.
Sa katunayan daw Sir Nev, hindi lang pala ako ang nakakita ng mga ganoong bagay. Maging siya raw mismo. Ilang beses na ron niyang pinabindisyonan ang parlor pero patuloy pa rin daw ang pagpaparamdam ng kaluluwa ng mga bangkay na malamang ay doon na embalsamo. Magbabalik ang Pinoy Creepypasta Horror Stories. It's a match, just like GameZone, our choice of table game in the Philippines. Get up to 100% deposit bonus plus 1% daily first deposit freebate. Unbelievable talaga! Detail na ako sa di nakakastress. Play for fun, play responsibly. Camping is not an accepted way of livelihood and does not solve financial problems. Detail na ako sa di nakakastress. Game na game sa GameZone. Sign up now at gzone.ph. Real player, real game. Nagbabalik ang Pinoy Creepypasta Horror Stories. Pinoy Creepypasta.
Sir Nev may share akong kwento na sana ay mapili nyo para maisama sa channel nyo. Ang karanasan kong ito ay nangyari noong high school ako. Nagka dengue kasi ako noon at hindi pa namin alam na yung lagnat ko pala tuwing hapon ay senyalis na ng sakit na yon. Tandang tanda ko na ako ang kauna-unahang nagkasakit ng dengue sa lugar namin noon hanggang sa nagsunod-sunod na. Naging outbreak kaya nagpa-fogging. Hindi ko alam kung saan ako nadali ng dengue pero ito na nga po ang kwento ko. Dalawang araw na akong natutulog sa school clinic namin noon tuwing hapon.
Basta pagkatapos ng lunch break, pagpapawisan na ako ng malamig pero hindi ko pinapansin yon. Air ko ng classroom namin kaya lagi akong may dalang jacket. Akala ko noon giniginaw lang talaga ako. Tapos bago matapos ang second period namin na panghapon, nahihilo na ako at hindi makafocus sa lesson. Kaya sumusubsog na lang ako sa armchair. Pinapapunta ako sa clinic kasi nararamdaman ng teacher namin na mainit ang loo ko. Noong unang hapon na natulog ako sa clinic, naroon yung nurse namin at nag-iPad. Pinakain muna niya ako ng tinapay bago pinainom ng by Jessica. Tapos pinahiga na ako.
Sobrang sama ng pakiramdam ko noon, kaya natulog agad ako pagkasara ng kortina. Ewan kong nagdedeliryo lang ako noon, kasi may nakikita akong padaandaan na anino sa tapat ko. May naririnig pa akong mga yabag, as in mga yabag. Marami kasing naglalakad, para nga silang nagpaparuot pa rito. Pabalik-balik lang, kaya para makatulog ako ng maayos. Tumatalikod ako at nagtatalukbong ng kumot. Pero may naramdaman naman akong parang naupo sa kama, kaya napatingin ako sa paanan ko. Wala namang tao.
I'm going to stop my eyes until I'm going to go to the nurse because I'm going to leave it. I'm going to leave it alone because I'm not going to leave it alone because I'm not going to leave it alone because I'm going to leave it alone. When I come to the house, I'm going to eat it and I'm going to eat it and I'm going to leave it alone. Kinaumagahan okay na uli ako. Papasok na uli ako. Active ako. Ganito o ganyan. Nakakapagbasketball pa nga ako ng konti sa recess. Pero kinahapunan, masama na naman ang tama ko. Iniisip na nga noon ang teacher ko na nagdadahilan ako kung hindi lang dahil sa mainit talaga ang pakiramdam ko. Papupuntahin na naman ako sa clinic. Tapos kagaya ng nakaraang araw, pagpapahingahin. Pero kagaya lang din ng nagdaang araw, ayan na naman yung mga padaandaan na anino at yung mga palakad-lakad. Hinawi ko na yung kortina kasi medyo naiiritan ako.
Masama na nga yung pakiramdam ko tapos may bulahaw pa. Pag hawi ko sa kortina, yung nurse lang ang nakita ko. Tinanong niya ko kung anong problema. Sinabi ko yung tungkol sa mga naglalakad. Pero sinabi lang niya na imahinasyon ko lang daw yun. Pilitin ko na lang daw na makatulog. Paparating na raw ang mama ko at ipapacheck up na ako. Ganoon nga ang nangyari Sir Nev. Nadala ako sa ospital at doon nga nalaman na dengue pala ang sakit ko. Nakonfine ako ng isang linggo.
Pero habang nasa hospital ako, nakaka-text ko yung mga classmates ko at nagtatanong sila sa experience ko sa clinic kung may naramdaman daw ba akong kakaiba roon. Kasi yung bagong janitor daw ay nagkukwento tungkol sa babae at lalaking palakad-lakad sa clinic. Akala raw niya ay nurse at doktor. Pero noon daw nag-excuse yung janitor ay nawala yung dalawa. Sir Nev, doon ko lang nalaman na multo pala yung naririnig kong naglalakad sa clinic. Akala ko hallucinations ko lang kasi kahit yung nurse hindi yun alam.
Nito bago mag lockdown ay may mga napapalitaan pa rin pagpaparamdam sa clinic doon sa dati kong school. Siguro mas dumami na sila roon dahil sa modular na lang ang klase. Solo nila yung buong school. Baka kapag nag face to face classes na ay magkagulatan na lang sila. Isang mapagpalang araw sa inyo Sir Nev, ang kwentong ibabahagi ko ngayon ay tunay kong karanasan tungkol sa mga multo. Nangyari ito sa loob mismo ng parlor na pagmamayari ng tita ko. Hindi ko yun malilimutan dahil araw yun ang JS Prom namin.
Maaga akong nagpunta noon sa parlor para maayusan na ako ni Tita Bell. Kung hindi ako nagkakamali, alas 3 pa lang ng hapon yun, samantalang alas 6 pa lang ang simula ng JS namin. Bago ako inayusan ni Tita, umalis lang siya saglit para bumili ng merienda naming dalawa. Bale ako mag-isa lang ang naiwan sa loob ng parlor. Habang nakaupo ako sa harapan ng salamin, bigla na lang akong nakaamoy ng sigarilyo. Tumingin ako sa labas, wala naman akong nakitang naninigarilyo. Hindi ko malilimutan yung amoy na yun, dahil ganoon na ganoon ang madalas hit-hitin ng lula ko na halos kamamatay lang nun.
Siya yung nanay ng tatay ko at ni Tita Bell. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ko yung lumang drawer sa parlor. Kusang gumalaw yung drawer, Sir Nev, at hindi nagtagal, ay bigla yung bumukas. Imposibleng mabuksan yun ng mag-isa dahil dihila yun. At isa pa, matagal na yung hindi nabubuksan ni Tita Bell dahil tanging si Lola lang ang may hawak ng susi.
Grabe yung takot ko noon. Napaatras na lang ako at napasandal sa isang sulok. Halos ma-blanko na noon yung isip ko dahil sa sobrang takot. Nung dumating si Tita Bell, nakita niya akong namumutla. Tulala at nanginginig sa may sulok. Hindi pa man siya nagtatanong ay sinabi ko na sa kanya ang lahat ng nangyari. Tinuro ko rin yung mismong drawer na nabuksan. Tinignan namin ni Tita kung ano ang laman. Nakakahiyaman sabihin Sir Nev, pero umasa kami na baka may naitagong kayamanan si Lola doon sa lumang drawer niya.
Pero wala naman kaming ibang nakita, kundi mga lumang gamit niya lang. Hindi ko alam kung ano bang gusto niyang ipahihwating sa amin. Pero magmula nung araw na yon, ay madalas na naming mapanaginipan si Lola. At doon sa panaginip na yon, nakikita namin si Lola na nakatayo lang at nakaturo sa lumang drawer. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi naman namin malaman kung ano. Dahil sa dalas maulit ng panaginip namin na yon, natakot si tita. Pinatapon na niya yung lumang drawer kasi baka raw hindi naman talaga si Lola ang nagpapakita sa amin. Hanggang ngayon Sir Nev, iniisip ko pa rin. Kung si Lola nga yung nagpapakitang yon, ano kaya yung tinuturo niya sa amin? Magandang araw po sa lahat. Tawagin niyo na lang po akong Joel. Share ko lang po itong naikwento sa akin ng isa kong katrabaho dati sa pabrika.
Bata pa ako noon. Kakagraduate ko lang ng high school at minor pa ako. Pero nakapasok ako sa isang pabrika bilang helper. Dahil biodata lang naman yung hinihingi nila. Pinekay ko na lang yung edad ko roon para lang matanggap. Six months lang ang kontrata at pwede kong layasan anytime yung trabaho kapag ayoko na. May nakilala ko roon na siyang nagturo sa akin na magmekaniko, si Kuya Dan. Siya rin ang nagkwento nitong ibabahagi ko.
Sabi ni Kuya Dan, may isa raw silang supervisor doon na sobrang strikta. Buti na lang daw at hindi siya under noon dahil ibang department siya. Nerereklamo raw yun ng ibang empleyado kasi feeling owner. Isang beses daw, may bagong hire na supervisor din. Eh since bago pa siya, parang kinetrain lang daw muna. Sinigaw-sigawan daw noong supervisor na tawagin na lang nating Aya.
Lagi raw pinapahiya noong Aya yung bagong bisor na yon hanggang sa nagresign na lang. Sabi pa ni Kuya Dan, noong araw na nagfile ng resignation yung isang bisor, pinaparingan pa raw ni Aya. Mahina raw ang loob tapos hindi po pwede sa mga matataas na posisyon kasi madaling sumuko. Back to business ngayon itong si Aya. Mura dito, mura doon. Hanggang isang araw ay matamlay raw. Pumasok pero sa klinik nag-i-stay dahil masama ang pakiramdam. Masakit daw ang tiyan at likod. Pero kapag umuwi daw ay umu-okay din ang pakiramdam.
Ilang araw daw na ganun si Aya. Papasok pero sa clinic lang titigil. Tapos uuwi na lang pero kapag nasa bahay ay magiging ayos din ang pakiramdam. Hanggang sa isang araw, pagpasok daw nitong si Aya ay heto na naman. Masakit na naman ang Chan pero hindi naman natudumi. Basta masakit lang daw na parang naglilabor. Kasi patilikod ay kasama.
Imbis na magpahinga raw sa clinic, ay sinugod yung nurse na naka-duty. Dahil may kung ano raw na pinapaamoy sa kanya kapag nasa clinic. Kaya sumasama ang pakiramdam niya. Syempre tanggi raw ng tanggi yung nurse. Parang nababaliw daw si Aya at kailangan ng awatin kasi mananakit na. Sabi pa raw ay tuwing papasok siya sa clinic ay nakamask yung nurse. Ibig sabihin daw ay may inispray ng lason sa loob ng clinic. Kaya siya na walang mask ay naaapektuhan at sumasakit ang chan. Pinauwi na lang daw yung si Aya tapos nasuspindi.
Ang balita raw ay gumaling naman yung si Aya noong nasa bahay siya. Hindi na umulit yung sakit ng katawan. Noong magbalik siya sa pabrika, ay lagi nang nakamask ng doble. Kaso, ganoon pa rin. Sumasakit yung tiyan at likod niya. Hindi raw umuwi o nagstay sa clinic si Aya kahit masakit na masakitan tiyan pag balik niya sa trabaho. Pero hindi nagtagal. Sobrang unbearable na daw yung sakit. Kaya napasigaw na siya. Noon siya dinala sa ospital. Kaso pagdating sa ospital, magaling na uli siya.
Walang mahanap na problema yung mga doktor. Kaya albularyo ang kinonsulta. Doon nalaman na kaalitan sa trabaho ang may gawa ng nangyayari sa kanya. Kinukulam daw si Aya. Napagaling naman daw ng albularyo. Kaso hindi na bumalik doon sa pabrika. Napahiya siguro o kaya natakot. Pinagtatawanan daw ng nurse kasi siya pa raw ang pinagbintangan. Eh kinukulam naman pala dahil sa kasamaan ng ugali. Wala raw maiturong kaaway dahil halos lahat sa pabrika ay kaaway nga niya.
Pero malakas daw ang paniniwala ni Kuya Dan na yung supervisor ang nagpakulang kay Aya. At kaya masama ang pakiramdam niya kapag nasa trabaho ay para umalis na siya roon. Kaso sa clinic naman nag-terrorize. Sabi pa ni Kuya Dan, pasalamat pa raw yung mga empleyado sa kung sino man ang nagpakulang kay Aya. Sa wakas daw kasi, ay natahimik sila at nabigyan ng katarungan. Kung baga ay napalayas ang demonyo sa pabrika. This episode is brought to you by GameZone. Real player, real game.