Easter: The Unsealed Entrance episode artwork

EPISODE · Apr 6, 2026

Easter: The Unsealed Entrance

from Church for LGBT - Open Table MCC - Philippines

Early on the first day of the week, while it was still dark, Mary Magdalene came to the tomb and saw that the stone had been removed from the tomb. So she ran and went to Simon Peter and the other disciple, the one whom Jesus loved, and said to them, “They have taken the Lord out of the tomb, and we do not know where they have laid him.” Then Peter and the other disciple set out and went toward the tomb. The two were running together, but the other disciple outran Peter and reached the tomb first. He bent down to look in and saw the linen wrappings lying there, but he did not go in. Then Simon Peter came, following him, and went into the tomb. He saw the linen wrappings lying there, and the cloth that had been on Jesus’s head, not lying with the linen wrappings but rolled up in a place by itself. Then the other disciple, who reached the tomb first, also went in, and he saw and believed, for as yet they did not understand the scripture, that he must rise from the dead. Then the disciples returned to their homes. But Mary stood weeping outside the tomb. As she wept, she bent over to look into the tomb, and she saw two angels in white sitting where the body of Jesus had been lying, one at the head and the other at the feet. They said to her, “Woman, why are you weeping?” She said to them, “They have taken away my Lord, and I do not know where they have laid him.” When she had said this, she turned around and saw Jesus standing there, but she did not know that it was Jesus. Jesus said to her, “Woman, why are you weeping? Whom are you looking for?” Supposing him to be the gardener, she said to him, “Sir, if you have carried him away, tell me where you have laid him, and I will take him away.” Jesus said to her, “Mary!” She turned and said to him in Hebrew, “Rabbouni!” (which means Teacher). Jesus said to her, “Do not touch me, because I have not yet ascended to the Father. But go to my brothers and say to them, ‘I am ascending to my Father and your Father, to my God and your God.’ ” Mary Magdalene went and announced to the disciples, “I have seen the Lord,” and she told them that he had said these things to her. John 20:1-18 NRSVUE Sa mapagpalang hapon po sa inyo. Tuwing pumupunta ako sa ibang simbahan, ang pulpito lagi ang una kong tinitingnan para malaman kung kasya ba ako at makikita doon. Finally, nandito na rin ako sa inyong harapan; tuwing busy ang buong linggo at hindi makauwi sa bahay tuwing hapon ng Linggo, nanonood lamang ako ng inyong live. Ang pakiramdam ay parang nasa iisang tahanan na rin tayo. Tayo po ay manalangin para sa ating pagbubulay ng mensahe ng ating Panginoon. Salamat po dakilang Diyos sa pagkakataon na ito na kami ay pare-parehong magbubulay at makikinig ng inyong mensahe. Dalangin namin Panginoon na ang inyong abang lingkod ay magamit na instrumento sa paghahatid ng inyong mabuting balita sa bawat isa sa pangalan ni Hesus, Amen. Ang Pagbabalik ni Maria Magdalena at ang Huling Paglilingkod Si Maria ay muling bumalik at may dalang mabuting balita. Sa tuwing ako ay nagbibigay ng mensahe, iniisip ko kung anong komunidad ang aking dadalhan at kung ano ang mabuting balita para sa kanila. Hindi po tayo pumipili kung ano ang ating dadalhin, kundi kung ano ang ating pinaniniwalaan na iyon ang mabuting balita para sa inyo. Bakit nga ba patungo sa libingan si Maria Magdalena? Ang layunin ni Maria Magdalena at ng ibang alagad ay pumunta roon para magbigay sana ng maayos na libing kay Hesus—isang huling pagkakataon ng paglilingkod, isang “last ritual”. Ngunit ang kanilang kalungkutan at takot ay napalitan ng pagkagulat, pananabik, at kagalakan. Ang Kakulangan ng Pag-asa: Kasama ba si Maria sa mga alagad na sinabihan ni Hesus na Siya ay muling mabubuhay? Sa mga ebanghelyo nina Mateo, Marcos, at Lucas, malinaw na binanggit ni Hesus na ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo, papatayin, ngunit muling bubuhayin sa ikatlong araw. Sa Ebanghelyo ni Juan, may mga pahiwatig tulad ng “Gibain ninyo ang templong ito at sa loob ng tatlong araw ay muli kong itatayo,” at “Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita at pagkaraan ng kaunti pang panahon ako’y inyong makikitang muli.” Ang Pangamba ng mga Alagad: Bagama’t may mga pahayag si Hesus, hindi ito lubusang naunawaan at inasahan ng mga alagad. Nang mamatay si Hesus, binalot silang lahat ng takot at nagtago; walang naitalang nagpakita ng pag-asa na Siya ay mabubuhay muli. Naniwala na lamang sila noong Siya ay kanilang narinig, nakita, at muling nakasalo sa pagkain. Ang Nagmamadaling Paglilibing: Dahil namatay si Hesus noong Biyernes at ang kasunod na araw ay Sabado (Sabbath kung saan bawal gumawa), dali-dali lamang ang ginawang pagbabalot at pagpapahid ng pabango upang mapreserba ang Kanyang katawan. Kaya naman noong Linggo ng umaga, inipon nila ang kanilang mga pabango at nagtungo sa libingan upang iayos ang katawan ni Hesus. Hindi sila pumunta para tingnan kung Siya ay nabuhay, kundi para pahiran ng langis ang Kanyang katawan. Ang Mga Batong Humaharang at ang Pagbibigay-Access ni Hesus Sa kabilang banda, nakarating sa mga pinunong pari ang balita na mabubuhay si Hesus, kaya’t hiniling nila sa mga Romano na i-seal ang libingan. Nilagyan ito ng malaking bato, lubid, at wax, pati na ng Roman Seal, upang walang makabukas nito; ang sinumang sumira sa selyo ay maaaring patayin. Ngunit hindi na inabot ni Maria ang ganitong tagpo dahil naigulong na ang bato nang sila ay makarating doon. Hindi na rin nila kinailangang tangkain na buksan ito. Ang ganitong pagharang at pagkontrol sa katawan ni Hesus ay hindi na bago sa mga gawain ng mga political and religious leaders. Kinokontrol nila at sila ang may access sa lahat ng bagay: sa pera, sa kaayusan, at sa mga ritwal. Sila ang nagpapasya at nagtatakda kung sino ang matuwid, kung sino ang makasalanan, kung sino ang karapat-dapat, at kung sino ang mga hamak. Ginagamit nila ang buwis, templo, at batas upang manipulahin ang mga tao, na nagresulta sa pagmamayagpag ng injustice kung saan maraming naging alipin at naghirap. Ang Ministeryo ni Hesus: Kabaligtaran ito ng ginawa ni Hesus. Kung hinaharangan ng mga lider ang access, ibinubukas naman ito ni Hesus para sa lahat. Nagbigay Siya ng access sa kagalingan para sa mga may sakit, pagpapatawad, pagtanggap sa mga makasalanan, at pag-asa sa mga itinakwil ng lipunan, habang hinahamon ang pagpapaimbabaw ng mga nasa kapangyarihan. Ang Kanyang buhay, ministeryo, at muling pagkabuhay ay nangangahulugang pagbibigay ng access sa kaganapan ng buhay; wala nang pwedeng humadlang sa kabutihan ng Diyos. Noon, kamatayan ang laging panakot sa mga tao, pero muling nabuhay si Hesus para mawala ang hadlang tungo sa buhay na ganap. Mga Makabagong “Bato” sa Ating Buhay: Sa ating buhay ngayon, marami pa ring “bato” na tila nagsasara ng pagkakataon upang makamit natin ang biyaya ng Diyos. Sa buong mundo, nariyan ang tatlong malalaking bato: imperialism, feudalism, at capitalism. Madalas ding pinipigilan, at kung minsan ay humahantong pa sa kamatayan, ang gawain at ministeryo ng mga sumusunod kay Hesus. Tila paulit-ulit na nakukulong si Hesus at sinasaraduhan ang pagkakataong malapitan Siya. Napakayaman sana natin sa resources, ngunit dahil nakaharang ang mga bato, pare-pareho tayong nahihirapang makamit ang access sa biyaya ng Panginoon. Lalo na para sa LGBTQ community, alam kong danas ninyo ang maraming batong iniharang—mga sandaling “access denied” kayo, sinasabihang bawal o hindi kabilang. Ngunit patuloy na ipinapaalala ng Panginoon na ang access ay ibinigay na Niya; walang nakaharang para tayo ay dumiretso, manalangin, at maniwala sa Kanya. Kahit may mga pumipigil sa pagtatayo ng ganitong simbahan, dito ninyo mararanasan ang pag-ibig ng ating Panginoon. Ang Mga Ebidensya ng Muling Pagkabuhay 1. Ang Mga Nakatiklop na Telang Lino Nang pumasok si Pedro sa libingan, nakita niya ang mga telang lino, at ang telang nakatakip sa ulo ni Hesus ay nakatiklop at inilagay nang hiwalay. Para sa mga Hudyo, mahalagang igalang ang katawan at gawin itong disente kaya ibinabalot sa lino. Praktikal din ito dahil wala silang embalsamo, at ang lino ang sumisipsip sa mga likidong lumalabas sa katawan. Ang ritwal ng pagbabalot sa telang lino ay ang kaganapan ng kamatayan. Kung ninakaw ang katawan, walang magnanakaw ang mag-aaksaya ng oras na tanggalin ang lino lalo’t ito ay didikit na sa sugatang katawan ni Hesus. Nawala ang katawan hindi dahil ito ay kinuha, kundi nabuhay si Hesus at hindi na Niya kailangan pang manatiling nakabalot. Ang simpleng telang ito na maayos na nakatupi ay ebidensya na Siya ay bumangon. Aplikasyon: Sa ating buhay pananampalataya, dapat din tayong magpakita ng ebidensya na tayo ay kasamang muling nabuhay. Kailangan nating kumawala sa mga “telang lino” na bumabalot sa atin na nagpapakitang tayo ay patay; kung hindi, magiging parang mga “mummy” o walking dead tayo na naging komportable na sa maling pakikitungo at panggigipit. Ipinapakita ng Panginoon na kayang pagtagumpayan ang kamatayan, at dapat din tayong mag-iwan ng ebidensya ng Kanyang muling pagkabuhay. 2. Ang Luklukan ng Awa (Ang Dalawang Anghel) Nakita ni Maria ang dalawang anghel na nakaupo kung saan inilagay ang bangkay ni Hesus, isa sa ulo at isa sa paa. Bakit sila nakaupo? Kung titingnan natin ang Exodo 25, inilalarawan doon ang Kaban ng Tipan (Ark of the Covenant) kung saan may dalawang kerubin sa magkabilang dulo ng “luklukan ng awa” (mercy seat). Doon nagtatagpo ang Diyos at nagaganap ang pagbabayad-sala. Ang mga anghel sa libingan ay nakaupo dahil hindi na nila kailangang magbantay kung maghahandog ng dugo ang mga tao. Naganap na ang pinakamainam na handog at nakamit na ang pagpapatawad; bukas na ang mesa para sa lahat, at may direkta na tayong ugnayan sa Diyos. Konklusyon: Tayo ang Patunay Paano tayo niligtas ng kamatayan ni Hesus? Hindi lamang ito nakatuon sa mismong kamatayan sa krus. Ang kaligtasan ay makikita sa Kanyang kapanganakan, ministeryo, kamatayan, muling pagkabuhay, at ang Kanyang mga ginawa sa pamamagitan ng mga alagad. Dahil sa muling pagkabuhay, ang kamatayan sa krus ay hindi isang pagkatalo kundi isang mapagpalayang tagumpay ng buhay laban sa kamatayan. Ang pagkabuhay muli ay hindi lamang mangyayari pagkatapos nating mamatay; maaari natin itong maranasan araw-araw. Mararanasan natin ito tuwing tayo ay tumutulong na alisin ang mga gumagapos sa mga tao, sa ating pagmiministeryo, at sa tuwing ipinapangaral natin ang mabuting balita. Ang pinakamagandang patunay na muling nabuhay si Kristo ay hindi ang puntod na walang laman, at hindi rin ang krus. Tingnan ninyo ang inyong katabi: ang bawat isa sa atin at kung paano natin ipinaparanas ang kabutihan ng Diyos, ang ating buhay mismo ang siyang pinakamagandang patunay. Muli, si Kristo ay buhay. Siya ay muling nabuhay, at ang buhay natin ang magiging patunay. Sa pangalan ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, Amen. The post Easter: The Unsealed Entrance appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

NOW PLAYING

Easter: The Unsealed Entrance

0:00 0:00

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

French Your Way Jessica: Native French teacher founder of French Your Way Boost your French listening skills and test your comprehension with this one of a kind series of podcasts. Get the chance to listen to a real conversation between native speakers talking at normal speed AND customise your learning experience through carefully designed sets of questions (2 levels of difficulty) available for download at www.frenchvoicespodcast.com. All interviews also come with the transcript. French teacher Jessica interviews native speakers of French from around the world who share a bit of their life and passion. Where else would you meet in one same place a French yoga teacher based in Melbourne, a soap manufacturer from Provence, or a couple cycling around the world? That Hoarder: Overcome Compulsive Hoarding That Hoarder Hoarding disorder is stigmatised and people who hoard feel vast amounts of shame. This podcast began life as an audio diary, an anonymous outlet for somebody with this weird condition. That Hoarder speaks about her experiences living with compulsive hoarding, she interviews therapists, academics, researchers, children of hoarders, professional organisers and influencers, and she shares insight and tips for others with the problem. Listened to by people who hoard as well as those who love them and those who work with them, Overcome Compulsive Hoarding with That Hoarder aims to shatter the stigma, share the truth and speak openly and honestly to improve lives. The Small Business Startup School – Business Notes | Financial Literacy | Retail Psychology – For Professionals & Entrepreneurs The Small Business Startup School Inc. Starting or buying a small business? While personal circumstances may vary, business patterns remain timeless. On The Small Business Startup School, we explore strategies, insights, and practical solutions to help entrepreneurs confidently navigate their journey.Hosted by Ola Williams—a retail entrepreneur, fintech founder, and financial coach with over two decades of experience—this podcast marries financial awareness and retail psychology with optimism to deliver actionable takeaways.Join us to learn, grow, and connect as we uncover the keys to business success.Let’s continue to learn together and be encouraged to keep on connecting! HOMELAND HOMELAND The Church is a body not a building. It's the bride of Jesus Christ! Jesus is coming back for a mature bride. That means it's time for the church of Jesus Christ to move from milk to meat. This is the hour of maturity!HOMELAND is an announcement that the church is being set free. Only the church has the ability to transform the world. The kingdom's of this world will become the kingdoms of our Lord and Savior!All of creation has been waiting for this moment! Sons and daughters of God are rising up and taking their seat!

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Church for LGBT - Open Table MCC - Philippines?

Episode duration information is not available.

When was this Church for LGBT - Open Table MCC - Philippines episode published?

This episode was published on April 6, 2026.

What is this episode about?

Early on the first day of the week, while it was still dark, Mary Magdalene came to the tomb and saw that the stone had been removed from the tomb. So she ran and went to Simon Peter and the other disciple, the one whom Jesus loved, and said to...

Can I download this Church for LGBT - Open Table MCC - Philippines episode?

Yes, you can download this episode by clicking the download button on the episode player, or subscribe to the podcast in your preferred podcast app for automatic downloads.
URL copied to clipboard!