EP #033 - Bata Bata Bakit Ka Ginawa?
from Ang Paborito Kong Podcast Hosted by Jarry Regonil
Akala namin chill na episode lang, pero napunta tayo sa usapang mabigat. Sa episode na ito, pag-uusapan natin ang Tacloban school shooting—ang mga facts na alam natin sa ngayon, ang mga tanong na hanggang ngayon ay wala pang malinaw na sagot, at kung bakit nabigla ang buong bansa sa nangyari. Syempre, hindi mawawala ang mainit na usapin tungkol sa Juvenile Justice and Welfare Act, o mas kilala sa social media bilang "batas ni Kiko Pangilinan." Totoo ba ang mga sinasabi online, o marami lang talagang napaghalo-halong impormasyon? Ano ba talaga ang layunin ng batas, at kailangan na ba itong baguhin? Asahan ang seryosong diskusyon na may konting banat, opinyon, at mga tanong na malamang na naitanong mo na rin habang nagbabasa ng comment section. Dahil minsan, mas nakakatakot pa ang comments kaysa sa mismong balita. Kung gusto mo ng usapang walang sigawan, walang keyboard warrior package, at may halong katatawanan kahit mabigat ang topic, sakto ang episode na ito para sa'yo.
Embed this episode
No transcript yet.