Skip to content
EP63: Dr. Michael M. Coroza  episode artwork

Mar 25, 2023 1 hr

EP63: Dr. Michael M. Coroza

from Kuwentong Biyahe The Podcast Hosted by Lance Abellon

Mga ka-Biyahe! Isang solidong kuwentuhan tungkol sa tula, at iba kasama si Dr. Michael M. Coroza! Si Michael M. Coroza ay Full Professor at kasalukuyang Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino sa School of Humanities ng Ateneo de Manila University. Nagtuturo ng Panitikang Filipino, Malikhaing Pagsulat (Tula), at Pagsasaling Pampanitikan, hawak niya dito ang Rev. Fr. Horacio de la Costa, S.J. Professorial Chair in History and Humanities mula noong 2012. Makata, mananaysay, at tagasaling pampanitikan, nagkamit siya ng mga pangunahing gantimpala at pagkilala mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at National Book Development Board (NBDB). Tinanggap niya mula sa Kamahalan ng Thailand ang SEAWRITE Award noong 2007. Awtor siya ng mga aklat ng tulang Dili’t Dilim (1997), Mga Lagot na Liwanag (2002), May Di-Mawaglit na Awit (2021), at ng mga aklat-pambatang Imbisibol Man ang Tatay (2009), Ang mga Kahon ni Kalon (2010), Ang mga Lambing ni Lolo Ding (2012), at Nawawala si Muningning (2015). Inilathala ng KWF at NCCA ang salin niya sa Filipino mulang orihinal na Español ng La Revolucion Filipina (Ang Rebolusyong Filipino, 2015) ni Apolinario Mabini at Junto al Pasig (Sa May Ilog Pasig, 2016) ni Jose Rizal. Tagapagtaguyod ng pagtatanghal ng tula at isang mambabalagtas, kinatawan niya ang Filipinas sa 10th Kuala Lumpur World Poetry Reading sa Malaysia (2004), Korea-ASEAN Poetry Festival sa Indonesia (2011), Sharjah Children’s Reading Festival sa United Arab Emirates (2018), Neilson Hays Bangkok Literature Festival sa Thailand (2019), at Payakumbuh Poetry Festival sa Indonesia (2022). Siya ang M sa MTV (Mike Coroza, Teo Antonio, Vim Nadera) ng Panulaang Filipino na nagtanghal ng Balagtasan sa mahahalagang okasyong pangkultura sa loob at labas ng Filipinas mula noong 2004 hanggang 2014. Nasa ikalawang termino na siya sa pagganap bilang tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

EP63: Dr. Michael M. Coroza

0:00 1:00:39

No transcript yet.

Requests help us decide what to transcribe next.

Frequently asked questions

How long is this episode of Kuwentong Biyahe The Podcast?

This episode is 1 hour and 0 minutes long.

When was this Kuwentong Biyahe The Podcast episode published?

This episode was published on March 25, 2023.

Can I download this Kuwentong Biyahe The Podcast episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.