EPISODE 11: Bago matulog
from Letra ‘to Hosted by Lee Feng Nuñez
BAGO MAG GOOD NIGHT Pagkatapos ng magandang gabi At bago mo simulang sabihing naging mabuti ang gabi Bumalik ka sa kung ano ang mga nangyari Sa kani-kanina lang Sa kanina pa Sa bago pa sumapit ang umaga At ang haring araw ay magpakita Simula sa unang haplos ng init sayong mga balat Sinundan ng mga sinag ng liwanag na di mapaliwanag na naaaninag ng iyong mga matang nakamulat Sumulat ang pluma sa kwadernong matagal mo nang hindi binubuklat Sumiwalat ang mga itinuro at ginamit ang aklat Umalat ang pawis Tumagaktak hanggang sa pumatak Umalab ang singaw ng sumisigaw na tanghaling tapat Tagos sa lahat ng parte ng katawan Hinanap ang lambing ng lamig Mga nagyeyelo mong himig Ang palagi kong naririnig Dumating ang mga hapon Nalagas ang mga dahon Nagastos ang mga baon Naubos ang mga laman ng kahon Nanlambot ang mga sabon Nagsidapo sa alambre ng kuryente ang mga ibon Hudyat na darating na ang pagdaong ng araw sa kanluran ng nayon Nahahapo ang hapon Meryenda mo ang kutsintang walang sinta Putong walang punto At piyayang hindi biyaya Napagod ka sa maghapon Hinihila ka ng sarili mong pahinga sa lugar niya Habang nilulunod ka ng paghakbang na patungo pa sa kapaguran Lumalin ang sandali Naglalagablab ang gabi Wala ka ng maintindihan Iba na ang mga katabi Mga sulat ay isinantabi Walang pasubaling Nabali ang pagbaling sa baling lapis Tinasahan Sumulat ng tula Lumimbag ng isang obrang siya ang paksa Napatulala Inakay ka ng imahinasyon sa panaginip Nakalimutan mo na ang magdasal Sa simpleng idlip Nagising ng saglit Di matukoy kung babangon ba o babalik Sa masaya mong pagpikit Pero nanaig ang pag-ibig Nakalimutan mong may naghihintay pala sayo Na may kakausapin ka pa At bago mo ikwento ang lahat Masaya ka kasi sa huling pagkakataon sa araw na iyon Naramdaman mo Siya At saka ka nagpasalamat Nawala ang pagod at bigat na pasan mo sa iyong balikat Kasi bago ka mag good night nakausap mo Siya. At handa ka na Niyang bigyan ng pahinga at lakas para sa panibagong umaga. GOOD NIGHT 🌙 —bago matulog (2021)
Embed this episode
No transcript yet.