Skip to content
EPISODE 16: Huño a Dose episode artwork

Jun 11, 2021 4 min

EPISODE 16: Huño a Dose

from Letra ‘to Hosted by Lee Feng Nuñez

Huño a Doze ni Lee Feng Nuñez Matagal na. Matagal na matagal na. Ilang taon na ang nakalipas Ilang dekada na ang lumagpas Matagal na. Matagal na matagal na. Tatlong banyaga ang nagsamantala Sa isang babaeng walang palag na Pumayag at pumayag sa paghubad sa kanya Pero ang mga anak nito Sila at ako Kami at tayo Kaming mga anak niyang Pilipino Kahit na sakit ang dinaranas ay lumaban kami sa mga ito Sa mga banyagang mapagsamantala Mga banyagang bandido At ngayon nakamit ko na, nila, naming mga Pilipino Ang tagumpay at tropeyo Ang magsalita, makinig, tumawa, umimik, maglakad, tumakbo, mag-aral, matuto, magdasal, magpuri, magbahagi, magpunyagi, magdiwang, mag-alay, magmahal at mabuhay Libre na lahat Malayo na sa sakit sa balat Sa mahigpit na sakal Sa nakamamatay na kagat Sa mga pasan pasang parusang mabigat Sa lason sa puso at utak Nakamit na namin Kundi dahil sa mga bayaning nagtanggol Mga taong lumaban at sumugal Para sa lupang pinangako na hinabol Upang mabawi at matanggal Ang bakas ng sama sakit at pagdurusa sa kamay ng mga mapang-aping sagabal Sa pag-ahon at pagkawala Pero ngayon ay wala na Tapos na pero di ibig sabihin limot na Ang ginawang panggagahasa sa ating ina Sa nagluwal sa atin sa sarili nating lugar Sa kung nasaan man tayo ngayon Ang Pilipinas na ating pinakamamahal Siya ang ating ina. Ang babaeng ginahasa ng iba. At tayong mga anak ang dapat magtanggol sa kanya. Heto na. Nakamit na. Matagal na. At matagal na matagal na. Nakipaglaban si Kuya Andres nakipagtunggali si Kuya Pepe Namuno sina Pilar, Luna, at Aguinaldo Nakipagtalastasan si Mabini Ginapi ni Lapu-Lapu si Magellan Para protektahan ang Maktan Ang mga ginawa nilang kabayanihan Ay hinding hindi matutumbasan Ang pagprotekta sa inang bayan At pagpatol sa kalaban Mga bagay na di dapat kalimutan Mga bagay na sa atin nila nilaan Upang ang nakamit natin nang matagal na Ang pinaghirapan ng ating mga Ate at Kuya Mga ninuno kumbaga Ang tropeyo na hindi nila pinagdamot ibigay Ang tropeyo na kapalit ng kanilang buhay Ito ay matagal na. Matagal na nating nagagamit. Matagal na nating nakuha. Ika-labindalawa ng Hunyo Isang libo't walongdaan siyamnapu't walo Ang petsa kung saan nakamit natin ang tropeyo. Mula sa pakikipaglaban. Pakikipagdigmaan. Kapalit ng pawis dugo at laman. Nakamit na natin ang Araw! Ang tropeyong hindi matatawaran. Nakamit na natin ang ating KALAYAAN.

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

EPISODE 16: Huño a Dose

0:00 4:16

No transcript yet.

Requests help us decide what to transcribe next.

Frequently asked questions

How long is this episode of Letra ‘to?

This episode is 4 minutes long.

When was this Letra ‘to episode published?

This episode was published on June 11, 2021.

Can I download this Letra ‘to episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.