EPISODE 17: Turon!!!
from Letra ‘to Hosted by Lee Feng Nuñez
TURON nasilayan mo na ba ang bukas? marahil hindi pa pero handa ka bang harapin? o baka naman nandiyan ka pa din sa kahapong paulit-ulit kang inaalipin pinaghandaan mo ba? o baka naman tinatangay ka pa ng agos ng sarili mong mga luha magdabog man ang langit kumulog at kumidlat hanggang sa maramdaman ang galit hayaan mo na kasama sa paglago ang paglagas ng mga dahon magiging marupok ang mga sanga pero mas patitibayin ka ng panahon magiging magulo ang lahat pero mamumunga lahat ng pagod konting tiis lang makikita mo din kung bakit ka nasa baba malalaman mo din na hindi porket nasa taas ka na malaya ka na na kaya mo ng gawin ang lahat pwede mong matanaw ang kalayuan pero hindi mo mararating pwede mong titigan lahat ng nasa baba pero hindi mo rin sila maaabot para saan ang posisyon kung ikaw lang din ang magiging talo ng sarili mong misyon pwede kang gumamit ng lakas pero wag mo sanang daanin sa dahas hayaan mong maging patas ang batas maging matatas ang mananalastas buhayin mo ang poso padaluyin ang tubig sa bukal palalimin ang berso hayaan ang titik na bumungkal ng mga salitang ugat na itinagot inilihim huwag mo na tabunan huwag mo na pagtakpan tama na ang pagpapaikot tama na ang pagpapainit nasusunog na ang labas nadadamay ang kalooban walang sustansiya ang sangkap kung hindi mo babantayang mabuti iligtas mo ang lahat kasama ang iyong sarili sa kagaguhan ay huwag na manatili dahil hindi lalago ang puno kung mga sanga ay pilit binabali damdamin mo ang sakit kalimutan mo na ang nakaraan huwag mo lang basta subukan dapat piliin mong makasanayan na wala na ang dati sayong nagpapasaya wala na ang dating init ng pinagsamahan niyong dalawa wala na ang lahat kaya pakiusap kalimutan mo na siya *turrrroooon* ayaw ko na
Embed this episode
No transcript yet.