Vice is perfect match. Tutulungan kita ng hanapin ang perfect match mo. What's your secret? It's completed. Next, what you see is what you get. It's a match! Just like GameZone. Our choice of table game in the Philippines. Get up to 100% deposit bonus plus 1% daily first deposit freebate. Unbelievable talaga! Detay na ako sa di nakakastress. Play for fun. Play responsibly. Camping is not an accepted way of livelihood and does not solve financial problems. Detay na ako sa di nakakastress. Game na game sa GameZone. Sign up now at gzone.ph. Real player, real game.
Sir Nev sana ay mapansin niyo ang kwentong ito na base sa personal na karanasan ng bio kung tawagin niyo na lang Romar. Ako nga pala si Jetro at asawa ko ang ate ni Romar. Pero kaming dalawa talaga eh magkabarkada kaya ako nakilala ang kapatid niya. Ito yung kwento ni Romar. Nasa Saudi ako nang mangyari ito at naikwento lang sa akin ng misis ko. May nakaaway raw sa palengke si Romar. Meron silang grocery doon.
Normal na lang din sa tindero at tindera sa palengke na may makaalitan dahil hindi nakontento sa nabiling produkto o anuman. Minsan kasi may mga mamimili rin na nanggugulang. Sa kaso ni Romar, ang nakaaway niya ay yung tindera ng isang karinderya doon kung saan sila suki. Dinideliveran na lang daw sila ng pagkain doon sa tindahan tuwing tanghalian. Ngayon yung tindera na magdadala ng pagkain kay Romar. Nakita niya raw noong paparating na. Bali yung dinaanan ng tindera ay manipis na eskinita lang na walang nakakapuesto kasi nga makipot lang. Naiinip na raw si Romar kaya pasilip-silip siya roon sa eskinita.
Saktong pagtingin niya uli ay nakita niya yung tindera na dala ang order nila na nakatray. Kitang-kita raw niya yung isang pritong galunggong ay nalaglag sa simento. Eh since wala namang tao, dinamputulin yung tindera at binalik sa plato. Nagulat daw si Romar syempre. Noong nakalapit na yung tindera sa kanya, eh nilapag lang yung tray tapos umalis na. Kaya tinawag niya at sinabing nakita niyang nahulog yung isda. Tinawanan lang daw noong babae at sinabing hugasan na lang daw. Wala pa naman daw 5 minutes. Nagulat na lang siya kasi hindi raw tinanggi noong tindera pero hindi rin naman sinabi sa kanya.
Noon daw tinanong niya kung bakit hindi man lang sinabi sa kanya, e inulit lang noong tindera yung tungkol sa 5 minutes. Doon na raw siya nairita kasi hindi siya sineseryoso. Tapos naisip niya na baka hindi yun ang first time na nalaglag yung pagkain binibigay sa kanila. Ang ginawa niya raw ay pinasole yung buong tray ng pagkain. Halagang 500 mahigit daw yun dahil lahat ng tauhan niya ay kasama sa kakain. Doon na raw natame-me yung babae at humingi ng sorry. Papalitan na lang daw nito yung isda basta huwag na isole yung lahat ng pagkain. Kaso ayaw nang makinig ni Romar kasi baka raw magtalo pa sila.
Pinabili na lang daw niya sa ibang karinderya yung isang tauhan niya. Tapos tignan daw kung paano ihanda yung pagkain. Umalis daw yung babae. Pero maya-maya ay kasunod na yung may-ari ng karinderya. Silang dalawa raw yung nag-usap ng maayos. Nasisante raw yung tindera kasi hindi nagustuhan nung may-ari yung ginawa. Masisira pa raw sa customer dahil sa kapabayaan. Yun lang daw tindera ang naaalala ni Romar na nakaaway niya. Nagkasakit kasi siya ng ilang araw matapos ang insidenting yun. Sumasakit ng sobra yung tiyan niya at parang may tumutusok sa sigmura at lalamunan niya tuwing lulunok siya.
Mapamahiin din yon si Romar, kaya imbis na sa ospital ay sa albularyo siya nagpatingin. Nakita nga raw sa tawas na may babaeng galit sa kanya, kaya tinutusok siya ng tinik ng isda. Yun nga raw tindera ang unang pumasok sa isipan niya. Napagaling naman kaagad si Romar, dahil takot din daw yung gumawa ng kulam sa kanya. Kumbaga galit pero takot manakit. Tinawas lang siya pagkatapos ay gumaling din kaagad. Binigyan lang siya ng pangontra noong albularyo. Hindi na raw nakita uli ni Romar yung babaeng yon. Mabuti na lang talaga at hindi malalaang nangyari sa kanya.
Noong kabataan namin Sir Nev, ay may naging ka-eskwela kaming magpipinsan. Hindi ko makakalimutan yung babaeng yun, si Alisa. Grade 3 or 4 kami ng mangyar ito. Halos magkakasing edad kaming magpipinsan noon, kaya sabay-sabay kaming pumasok sa iisang school. Tuwing recess ay magkakalaro kami. Tsaka tuwing tanghalian pagkatapos kumain, sabay-sabay rin kaming umuwi tuwing hapon. Actually halos magkakamag-anak talaga yung mga nag-aaral sa school namin noon. Maliit lang naman yung bayan namin. Siyempre yung mga bata, naglalaro, nagkakapikunan, nag-aaway. May isang bata akong nakaaway noon, si Alisa n
Paano ba naman? Ubod ng tahimik. Tapos ayaw makipag-usap sa amin. Ayaw makipaglaro. Parang may sariling mundo yun. Kahit sa recitation, hindi siya nagsasalita kapag tinatawag ng teacher. Sinasabihan nga kami na kausapin siya. Kaso ayaw talaga. Para bang ayaw niyang mag-aral. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, never naming nakitang naglaro si Alisa. Hindi rin nagre-recess o lunch. Tinatanong namin kung walang baon. Pero hindi kami pinapansin. Ako ang unang nakaaway ni Alisa. Kaya issue talaga ako noon.
Naabutan ko ba naman na nakadapa sa lupa sa may taas ng school. Yung school kasi, may nasasakupan siyang mababang burol. Bawal kaming pumasok doon dahil sabi doon daw nakalibing yung founder ng school. May bakod yun na kawayan pero walang lock ang gate. Talaga lang hindi namin tinangka kahit kailan na pumasok doon. Isang beses na tanghalian, nag-CR ako saglit bago pumunta sa palaruan. Nakita ko si Alisa na paakyat sa burol. Sinundan ko siyempre kasi alam ko nga na off limits yun. Tapos siya pwedeng pumasok.
Hindi niya ako nakita ang sumunod kasi tumatakbo siya. Halatang nagmamadali. Siguro kasi baka may makakita. Eh malas niya nakita ko nga siya. Noong nasa burol na ako, tumakbo rin ako. Papunta roon sa kabilang part ng umbok. Yun nga, nakita ko si Alisa na nakadapa habang parang may pinakikinggan sa lupa. Tinawag ko, Aliling! Isusumbong kita! Yung paglingon niya sa akin, Sir Nev, gulat na gulat siya habang ako naman natatawa. Kaso natakot ako kasi bigla siyang tumili ng napakatinis, sabay tayo at sugod sa akin.
Inabol ako kaya nagtatakbo rin ako palabas ng burol. Inabol niya talaga ako sa buong school. Hindi niya ako tinigilan hanggat hindi niya ako nahuhuli. Inawat na nga lang kami ng teachers kasi first time nilang nakita si Alisa na galit na galit at nanghahabol ng kaklase. Noong tinanong kami ng teachers kung bakit niya ako hinahabol, sa tuwing sasagot ako, sumisigaw siya at pilit akong inaabot para suntukin. Nakakatakot talaga siya noon. Nilagnat ako nung pagka-uwi ko.
Sabi ng matatanda, baka raw dahil sa takot ko kay Alisa. Natakot talaga ako sa kanya noon kasi kakaiba siya. Grabe yung galit niya nung makita ko siya sa burol. Noong tinawas ako, ang nakita naman ng magtatawas ay batang babae, si Alisa nga. Pero ang mas nakakatakot, yung batang babae may kahawak kamay na tatlong maliliit na tao. May kalarong mga duwende o nuno si Alisa na nakatira doon sa burol. Inagalay tuloy kami ng manok na tatlo ang kulay, tsaka mga candy.
Simula noon, kinandado na yung gate papunta sa burol. Lalo tuloy naging tahimik si Alisa. Tapos hindi ko na talaga siya nilapitan mula noon. Hanggang sa makagraduate kami ng elementary. Noong malaki na kami, naging normal naman si Aliza. Weird nga kasi, wala raw siyang naaalala sa mga ganap sa kanya noong bata pa siya. Hindi rin daw niya naaalala na pumupunta siya sa burol, pati yung hinabol niya ako at sinigaw-sigawan. Basta tahimik lang daw siya noon dahil nahihiya siyang makipagkwentuhan. Naaalala ko lang uli yun dahil kailan lang ay nagkita kami. Kasama siya sa pangangampan niya ng asawa niyang konsihal.
Quento ito ng tatay ko tungkol sa isa niyang kumpare na tricycle driver. Nagtitinda si tatay ng lugaw at mami sa rolling store niya. Ang pinakapuesto niya ay sa palengke sa may sakayan ng mga tricycle. Madilim pa ay nagtitinda na si tatay. Dalawang dekada na niyang trabaho yun kaya naman kilalang kilala na siya sa palengke. Kaklose na niya yung mga tricycle boys at mga tindero doon. Isa nga sa naging malapit sa tatay ay yung ninong lari ng kapatid ko. Nakilala ko yun si Tito Lari dahil madalas pumunta sa amin para bumili ng chili oil at toasted garlic.
Sa tingin ko naman sa kanya ay matinong tao naman. Mabait at pala kaibigan. Kaya nagulat ako ng ikwento ni tatay na nakaaway raw ito noong isa pang tricycle driver sa Toda. Gulangan daw sa pila ang dahilan. Sumisingit daw kasi sa pila yung driver na si Normie. Kapag daw nag-CR o may binili saglit yung nasa unahan at kasunod na itong si Normie, eh sisingitan na kapag may dumating na pasahero, imbis na tawagin yung driver.
Pinalalampas lang noong ibang driver. Pero sinasabihan pa rin na huwag namang manggulang. Hihingi naman daw ng pasensya itong si Normie. At mga ngakong hindi na uulit. Pero lilipas lang daw ang ilang araw. Uulit na naman. Hanggang sa kinabubisita na siya sa Toda. One time eh si Titulari daw ang ginanoon ni Normie. Noon daw bumalik na sa pila si Normie. Eh hindi na nagsalita si Titulari. Sinapak daw sa gilid ng ulo. Hindi na raw nakabawi yung Normie. Patay raw Serneb noong bumagsak. Dilat ang mga mata.
Nagtago raw si titulari dahil doon. Siguro hindi niya intensyon na patayin yung normie. Kaso hindi niya nakontrol yung suntok niya. Hindi niya alam na nakamamatay pala yung bitaw niya ng kamao. Balak lang sigurong makipagsuntukan. Kaso natuluyan. Hanggang ngayon nagtatago si titulari. Nasa 4 o 5 taon na magmula ng mangyari yun. At ang sabi ni tatay, nagmumulto raw yung normie sa terminal. Mismo si tatay ay nakaranas ng pagpaparandam noong normie.
Busy raw siya noon sa pagtatakal ng lugaw. Madaling araw daw at bagong dating yung mga tindero-tindera. Tapos may mga truck pa ng gulay na galing kung saan-saan. Ang dami raw niyang customer kaya madaling-madali ang kilos niya. May narinig daw ba naman siyang bumati sa kanya? Kuya Nol! Uy! Sabi lang daw niya. Lumingon siya pero hindi niya nakita kung sino yung tumawag sa kanya kasi napapalibutan nga siya ng customer. Tapos nasundan daw yung nagsalita na yun. Yung kumpare mo, bumalik na? Si Larry! Noon lang daw parang nabusesan ni tatay yung nagtanong.
Sino ka ba? Sabi raw niya habang palinga-linga. Tinanong din daw siya ng mga customer kung sino raw ba ang kausap niya. Tumawan na lang daw siya kahit nabusesan niya na si Normie yung nagtatanong. Kinilabutan daw siya pero hindi niya na sinabi sa mga customer niya. Baka raw kasi matakot pa at mag-aalisan. Eh sayang ang benta. Yung mga tricycle boys din ay may kanya-kanyang kwento tungkol sa pagpaparamdam at pagpapakita noong Normie. Minsan daw na nagpapahinga sila sa loob ng tricycle ay sisilipin sila ni Normie. Yun bang kapag nag-aagaw ang antok at diwa mo? Patulog ka na tapos parang nananaginip ka na kapag ganoon daw.
Bigla nilang makikita si Normie. Napapabalikwas daw ng bangon yung mga driver. Tapos minsan naman daw, tinatawag ang pangalan nila. Biglaan daw kasi ang pagkamatay ni Normie. Kaya malamang ay hindi pa ito aware sa nangyari sa kanya. Siguro yun ang dahilan. Kaya nandoon pa rin siya sa pilahan. Magbabalik ang Pinoy Creepypasta Horror Stories.
It's a match! Just like GameZone. Our choice of table game in the Philippines. Get up to 100% deposit bonus plus 1% daily first deposit free bank. Unbelievable talaga! Detain ako sa di nakaka-stress. Play for fun. Play responsibly. Camping is not an accepted way of livelihood and does not solve financial problems. Detain ako sa di nakaka-stress. Game na game sa GameZone. Sign up now at gzone.ph. Real player, real game. Nagbabalik ang Pinoy Creepypasta Horror Stories. Pinoy Creepypasta.
Good morning Sir Nev, tawagin mo na lang po akong Gilbert. Isha-share ko lang itong kwento na naibahagi lang din sa akin ng albularyo na nakilala ko noong nabubuhay pa si Papa. Bali may sakit kasi sa bato si Papa at itong albularyo na tawagin na lang nating Vilma e isa ring herbalist na siyang nagpayo kay Papa ng mga dapat niyang inumin. Mabisa naman yung mga sinasuggest niya kay Papa kasi kahit papano ay luminis ang bato niya. Kaso sa katandaan ay namatay din ang tatay ko. Halos 3 times a week kumpuntahan kami ni Manang Vilma sa bahay. Ako kadalasan ang inutosan niya na magpabaga ng apoy para sa mga gamot niya para kay Papa.
Sometimes in my boredom, I've been feeling close to him. I'm feeling close to him, because I've been able to ask him about it. Since Albulario, I thought I was going to ask him about it. Like the multo, Aswang, Encanto. I'm going to tell him about it. I'm going to tell him about it. I'm going to tell you about it. I'm going to tell you about it. I'm going to tell you about it. I'm going to tell you about it. I'm going to tell you about it. I'm going to tell you about it. I'm going to tell you about it. I'm going to tell you about it. I'm going to tell you about it. I'm going to tell you about it. I'm going to tell you about it.
Sabi ni Manang Vilma, may kapitbahay silang aswang. Parang technically, may aswang na naninirahan malapit sa bahay namin mismo. Sinabi pa ni Manang Vilma ang pangalan at sa maniwala kayo't sa hindi, kakilala namin yung aswang na sinasabi niya. Nagtatrabaho sa water district ng bayan namin. Kaaway niya raw yun, sabi ni Manang Vilma. Wala raw kasing sinisino. Kahit kapitbahay ay tinatalo. Ang aswang daw kasi ay hindi mambibiktima ng kapitbahay o kahit kababayan. Dumarayo pa raw yan ng malalayong lugar at doon nandadali.
Pero yung kapitbahay niya raw ay hindi. Nahuli raw niya na nakamatsyag sa isa nilang kapitbahay na buntis. Kunwari ay nakatambay sa tindahan. Pero ang totoo ay pinapanood at sinisinghot yung buntis sa tapat. Hindi raw niya alam noong una na aswang yung kapitbahay niya. Nalaman lang niya noong isang beses na kinausap niya ay hindi raw makatingin sa mga mata niya.
Kurap ng kurap, tapos kung saan saan tumitingin. Hinala pa lang daw noon nang meron siya. Kaya noong nagritwal daw siya na pantawag ng aswang, ay hindi na siya nagulat nang puntahan daw siya sa bahay nila. Nagulat daw yung lalaki na inaakala niyang aswang. Siya naman daw ay nagtanong kung bakit pumunta yung lalaki. Hindi daw makasagot at noong kumuha siya ng walistingting, e bigla na lang daw tumakbo palayo.
Mula noon, sinimula na raw siyang bulabugin ng lalaki. Ilang gabi raw na naglalakad sa bubungan niya at astang winawarak yun. Sisigawan niya lang daw at babanggitin ang totoong pangalan ay aalis na. Sometimes, it's not a barangin. It's not a barangin. It's not a barangin. It's not a barangin. It's not a barangin. It's not a barangin. It's not a barangin. It's not a barangin. It's not a barangin.
Hindi raw niya pinagsabi sa mga kapitbahay niya yon, pero nag-iiwan siya ng mga palatandaan o kaya ay nagpaparinig siya kapag nakikita niya yon. Bahala na raw yung mga kapitbahay niya na umalam kung sino ang tinutukoy niya. Sinabihan nga ako ni Manang Vilma na huwag ipaalam kung sino sa mga kakilala namin ang tinutukoy niyang aswang dahil bakaro ako pa ang pag-initan. Pagbati po sa katatapos na kaarawan mo Sir Nev, ako po si Alex, solid kapasta at silent listener sa lahat ng channel mo.
Matagal ko na po sanang nais ibahagi itong kwento sa inyo. Kaya lang ay nagdeactivate ako ng Facebook dahil sa pangamba para sa aking buhay. Payo ko lang po sa mga kapasta natin dyan na iwasan ang pakikipag-away. Mapapersonal man yan o kahit sa Facebook lang. Tungkol kasi rito ang kwento ko. Nangyari yun last 2020. Noong uso pa ang online rambulan. Nakikisali ako sa online rambulan para pantanggal bagot lang. Yun kasi yung kasagsagan ng lockdown na wala talagang pwedeng lumabas. Buryong na buryong na ako noon kaya pinatulan ko na yung rambulan.
May nakilala ko roon na tawagin na lang natin Roy. Siya yung lagi kong kabartagulan. Payabangan kaming dalawa sa mga walang kakwentakwentang bagay. Noong nagtagal, nagkaroon kami ng mga Minion. Kaming dalawa yung leader na laging nag-aaway. Pero in the end naman ay tropa kami ni Roy. Naging magkaibigan kami at nagkita na kami in person. Nagkaproblema lang kami sa isang moderator noon ng grupong nasalihan namin. Siyempre online rambulan. Wala namang personalan yun. Katuwaan lang.
Ewan ko ba roon sa moderator kung bakit sineryoso yata yung mga panggagago namin ni Roy. Nakikomment ba siya sa isa kong post na patungkol kay Roy? Sabi ni Mod, baka raw magkadevelopan kaming dalawa dahil kami lagi ang magkaaway. Sinakyan namin yun ni Roy. Niyaya namin siya ng meetup para magtrisam. Sir Nev, babae itong Mod na ito ng group. Binibiro lang namin siya, kaso sineryoso pala. Gumawa ba naman ang GC naming tatlo? Tapos nagsiset nga ng meetup. Ede kaming dalawa naman ni Roy, tawa ng tawa habang magkausap sa PM.
Napahiya yung mod sa amin kasi nag-leave kaming dalawa ni Roy sa GC nang hindi sumasagot sa mga kalukuhan niyang tanong. Siguro natakot yung mod na ibulgar naming dalawa yung mga konvo. Kaya ang nangyari, binaliktad niya ang kwento. Kami para ni Roy ang gumawa noong GC para bastusin siya. E di syempre pinagkaisahan namin siya at pinahiya sa group.
Nag-deactivate itong mod, sir Neb. Sunod ko na lang na namalayan, napapanaginipan ko na yung mod. Tapos yung panaginip ko sa kanya, malalaswa. At sa huli, puputulin niya yung djun-djun ko. Napapaihi ako sa short dahil doon. Akala ko ako lang. Yun pala, pati si Roy ganoon din. Madalas na hindi na kami nakakatulog. Mag-uusap na lang kami sa messenger para hindi makatulog. Kasi once na napapikit kami, si mod ang mapapanaginipan namin. Eh sa totoo lang naman kasi, hindi kagandahan yung mod, sir Neb. Tipong hindi mo talaga gugustuhin mapapanaginipan.
Hindi namin naisip noon na kinukulam na pala kami. Since hindi na nga halos nakakatulog, nagcollapse ako isang beses. Akala nga ni mama COVID na. Yung pagkawala ng malay ko na yon, napanaginipan ko na naman si Mod. Magkita raw kami, kung hindi ay lalagyan niya ng uod ang junjun ko. Umiyak ako noon Sir Nev, tapos habang umiiyak pala ako sa panaginip, umiiyak din ako sa totoong buhay. Habang sumisigaw na huwag niyang lalagyan ng uod ang junjun ko.
Nang magising ako, pinagtatawanan ako ni mama at ng mga kuya ko dahil doon. Pero noong kinuwento ko sa kanila yung nangyari at pinagugatan noon, baka raw galit na galit sa akin yung babae kaya napapanaginipan ko na. Ipagdasal ko raw at magsisin ako. Eh, piloso po tayo. Kaya ayokong sumunod.
Hanggang sa si Roy, nagsabi na nga na tinawas siya ng lola niya dahil maguluraw ang espiritu niya. Marunong palang magtawas ang lola ni Roy at siyang nakapagsabi na may nagdarasal sa itim na manika para magambala si Roy. Noong nalaman ko yun, pati ako nagpatawas sa lola niya. This episode is brought to you by GameZone. Real player, real game.