. . . . . . . . . . .
Magandang araw Sir Nev at sa ating lahat. Tawagin nyo na lang po akong Finn. May karanasan lang ang asawa ko na medyo nakakapanindig balahibo. Hindi naman hardcore horror talaga, pero medyo nailang lang kami ng konting-konte sa panganay namin ni misis. Don't get me wrong po, mahal namin ang lahat ng mga anak namin. Nangilabot lang talaga kami ni misis sa mga sinasabi ng panganay namin. Bago ang lahat, bumalik muna tayo sa panahon na bata pa ang partner ko na itago na lang natin sa pangalang Bri.
Sa kwento ni Bree, may kalaro daw siyang nagngangalang Daisy noong elementary days niya. Para daw silang David and Goliath kasi malaking bata si Daisy at may ikaliitan naman si Bree. Pero magkaibigan daw sila at nagbibigayan pa ng pagkain tuwing reses. Paborito daw siyang kalaro ni Daisy dahil nabubuhat siya nito at naglalaro sila ng mommy at baby. Si Bree ang laging baby syempre. Parating may baon na juice si Bree tapos si Daisy naman ay fresh milk. Nagpapalit daw sila ng inumin dahil ayon kay Daisy ay mas kailangan daw ni Bree ang gatas para lumaki siya. Doon nga sa pag-inom ni Bree ng gatas, nagsimula yung mommy at baby na laro nila.
Noong grade 3 daw sila ay hindi na nakapag-enroll si Daisy dahil noong bakasyon ay nadengge pala ito at namatay. Hindi raw umiyak noon si Bree pero noong may nakaaway siyang mga kaklase ay tsaka niya naramdaman na wala na siyang tagapagtanggol. Lagi na raw siyang umiiyak kasi wala na si Daisy. Nakamove on naman din si Bree at nagkaroon ng ibang mga kaibigan pero minsan ay naaalala pa rin niya si Daisy. Noong nagkakilala kami ni Bree ay nagklik kami kagad and the rest is history. Nabuntis ko siya at syempre yun na nga ang panganay namin. Natawagin na lang nating Jay. Maagang natutong magsalita si Jay at sobrang likot sir Nev.
Takbo siya ng takbo parati, kaya isang beses ay nadapa na nga at umiyak. Noong inaalo siya ni Bree, ay bigla na lang daw sinabi ng bata na dati raw ay si Bree ang baby at siya ang mami. Hindi pinansin ni Bree yung sinabi ni Jay at pinagheli na lang siya. Habang nakahilig daw yung ulo ni Jay sa balikat niya, ay may iba pa raw itong sinabi na nagpaalala sa kanya kay Daisy. . . . . . .
Nung ikwento yun ni Bree sa akin, ay pinilit kong bigyan ng logical explanation ang mga sinabi ni Jay. Sabi ko, baka naririnig lang ng bata na nababanggit niya si Daisy. Kaya alam ni Jay ang tungkol doon. Tumanggi si Bree. Sabi niya, masyado nang matagal yung pangyayaring yun sa buhay niya para maungkat pa at sa harap pa ng bata.
Pagkatapos noon ay napansin ko nga na madalas na ngang tanungin ni Jay si Bree kung umiinom pa rin ba siya ng gatas. Narinig ko rin sinabi ni Jay na nagpalit na raw sila ni Bree ng iniinom. Dati raw ay si Bree ang parating umiinom ng gatas at siya ang umiinom ng juice. Napapatingin na lang si Bree sa akin kapag ganoon si Jay. Nakakapangilabot kasi hindi naman lingid sa atin ang konsepto ng reincarnation. Hindi na lang namin pinapansin kapag ganoon ang sinasabi ni Jay.
Pagtagal naman ay natigil din ang mga ganoong episodes ni Jay. Nine years old na siya ngayon. Pero wala na siyang nababanggit tungkol sa mga bagay na sina Bree at Daisy lang ang nakakaalam. Sir Nev, pakitago na lang ako sa pangalang Levin. May isi-share akong kwento na siguradong kaiinisan ako ng mga makakapakinig. Pero tatanggapin ko na lang po yun. Kasalanan ko rin kasi ito. At wala akong excuse kung bakit ko yun nagawa. Lumaki ako sa isang Christian family. At walang bukang bibig ang mga taong nakapalibot sa akin, kundi mga papuri sa Panginoon. Aktibo kaming lahat sa church. At kasali pa ako sa banda na tumutugtog tuwing Sunday.
Ang napangasawa ko nga ay pamangki ng pastor namin na miembro din ng same church. Nang ikasal kami ay dumaan pa ang tatlong taon bago ako nagbuntis. Stressful para sa akin ang hindi pagbubuntis dahil natatakot ako na wala na ako ng kakayahang magkaanak, lalo pa at nagkaroon ako ng malaking issue noon. Kaya nga nang sa wakas ay magpositive ako, ay napaiyak ako at walang tigil na nagpasalamat sa Panginoon. Healthy naman ang baby girl namin na itago natin sa pangalang Ellie. Okay naman kami hanggang sa mapansin namin na may imaginary friend si Ellie. Hinahayaan lang namin kasi normal naman ang ganoon sa mga bata. Kahit ako noong baby pa ay meron din daw imaginary friends. Pero nang magkaedad na ako ay nalimutan ko na rin. In time siguro ay malilimutan din ni Ellie ang imaginary friend niya.
Ang kaso parang bad influence ang imaginary friend ni Ellie dahil naging masungit siya sa akin at ayaw na niyang lumapit sa akin. Galit daw sa akin ang planet niya dahil ako ang dahilan kung bakit hindi sila makapaglaro parate at hindi ito makasama sa mga lakad namin. So ako naman bilang mami, nag-alala na kasi baka kung ano na itong kalaro niya. Sinubukan naming ipagdasal ng husband ko na mawala na yung kaibigan ni Ellie, pero hindi pa rin yun nawala. Instead, lalong lumayo ang loob niya sa akin. Then isang araw, hindi ko alam na kinausap pala ng asawa ko si Ellie tungkol sa kalaro niya. Tinanong niya kung bakit nagagalit sa akin si Ellie. Tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi ng asawa ko.
Sabi raw ni Ellie ay pinatay ko ang kalaro niya. Nauna raw yung friend niya na dumating, kaso pinatay ko siya. Hindi ko maintindihan, pero may follow-up question ang asawa ko. Kung panganay ko raw ba talaga si Ellie? Ayun na nga Sir Nev, doon na ako umamin. Kasi nga noong 15 ako ay nabuntis ako ng isang kachurch namin na pamangkin din ng pastor. Walang iba Sir Nev, kundi ang kuya ng asawa ko. Pinaabort namin ang baby dahil masyado pa kaming bata noon at walang nakakaalam ng relasyon namin. Dahil noong time na yon ay engaged na sila ng isa pang kachurch namin.
Twenty-one years old na siya noon. Posible ring makasuhan ng child abuse kapag nagkataon. At dahil kamag-anak siya ng pastor, madadrag ang pangalan ng tito niya sa skandalo. Kaya nag-decide na lang kami na ipa-abort ang bata. Napilitan akong aminin ang lahat sa asawa ko. Dahil naikwento na rin naman ni Ellie ang lahat sa kanya. Naniniwala raw siya kay Ellie dahil hindi sinungaling ang bata. Gusto lang daw niyang malaman kung magsasabi ako ng totoo.
Iyak ako ng iyak noon at sorry ng sorry sa asawa ko. Umiiyak na rin siya noon dahil nauunawaan na raw niya kung bakit iba ang mga tingin ng kuya niya sa akin. May nakaraan daw pala kami at may naging anak pa. Ipinagdasal namin ang paluluwa ng firstborn ko at humingi ako ng tawad sa kanya. Sikreto ito ng pamilya namin at kapag may gatherings ay pinipilit kong maging normal kahit na naiilang na ako na makita sa iisang lugar ang asawa ko at kuya niya.
Nagkaroon ng lamat ang relasyon namin. Dalagitan na si Ellie at wala siyang kaalam-alam sa totoong kalagayan namin ng tatay niya. Wala siyang naaalala sa imaginary friend niya noong bata pa siya na siyang dahilan ng coldness ng asawa ko sa akin. Nagsasama pa rin kami, pero civil na lang kaming dalawa. Magbabalik ang Pinoy Creepypasta Horror Stories.
Nagbabalik ang Pinoy Creepypasta Horror Stories. Balibalita dito sa school kung saan ako nagtuturo na dati raw itong garrison ng mga sundalong hapones. May ilang historical accounts na nakasulat sa municipal hall namin tungkol doon na magpapatunay ng katotohanan noon. Pero wala namang nabanggit na may napatay rito. Ang sabi lang sa written records ay bago pa ito makubkub ng mga Amerikano ay nakatakas na ang mga Japanese soldiers. Mga armas at ilang uniforme na lang daw ang natagpuan dito. Pero ayon sa mga estudyante ko ay may iba pang naiwan dito. Isang sundalo na nagpakilala sa kanila bilang Miyamoto. Sir Nev, ako nga pala si Teacher Maan.
Hayaan yung ibahagi ko ang kakaibang karanasan ko sa pagtuturo. Hindi pa lumalabas ang resulta ng board exams, ay nakapagturo na ako sa isang private school dito sa probinsya namin. Hindi ko nalang babanggitin ang pangalan ng school dahil baka makasira pa ito sa reputasyon. Bandang 2014 ako nagsimulang magturo ng mga kinder at grade 1. Sa parehong taon ay naging licensed teacher na ako. Gusto ko sanang lumipat sa public school dahil mas maganda ang benefits. Ang kaso ay napamahal na rin ako sa mga estudyante ko. Kaya nagtuloy-tuloy na lang ako.
Madalas kong marinig sa mga bata ang usap-usapan tungkol sa pagiging dating kampo ng skwelahan. Masyadong malikot ang imagination ng mga bata kaya hinahayaan ko lang sila. Kapag break time nila ay kadalasan silang lumalabas at naglalaro sa playground. Pero habang tumatagal ay napansin ko na rin na naguumpukan na lang sila sa isang side ng school which is sa likod ng school canteen. Itinuro lang sa akin ng co-teacher ko na nakakakita sa kanila dahil malapit lang sa canteen ang classroom niya. Napansin din kasi nito na kasama ng mga grade 2 pupils niya ang mga estudyante ko para silang may secret meeting lagi roon.
na hindi naman kinakabahala dahil mukha namang mga pangkaraniwang umpukan lang. Hanggang isang araw ay may dalawang studyante ko ang umiiyak na nagsumbong sa akin. Natakot daw sila kay Miyamoto dahil may dugo ito sa liig at dibdib. Sino naman kako si Miyamoto? Ang concern ko noon ay baka studyante rin yon na nasugatan kasi sabi nila yung kalaro daw nila parati. Nagpasama ako sa kanila para tignan kung sino itong Miyamoto na tinutukoy nila. Pero nagdagsaan na nga rin yung iba pang bata na umiiyak. Natatakot na raw sila kay Miyamoto.
I also remember the teachers, because the students were crying. The others were crying. They were crying. They were crying. Grade 2 to nursery, they were crying.
Tanong kami ng tanong kung sino si Miyamoto, pero iisa ang sagot nila. Kalaro daw nila na lumalabas tuwing break time doon sa likod ng kantin. Pina-describe namin ang itsura ni Miyamoto at sa pagkakapaliwanag ng mga bata ay isang ang Japanese na sundalo si Miyamoto. Mabait naman daw ito noon, pero naging masama na dahil may duguna sa liig at dibdib. Pagkatapos ay gumagapang sa lupa habang sumisigaw at galit na galit sa kanila.
Dahil sa nangyari ay pinabless sa pare ang buong school. Bukod doon ay nag-invite din ng Shinto Priest, nakakilala ng isa sa mga co-teachers ko. Ginawa namin yon para tuluyan nang mapaalis ang kaluluwa ni Miyamoto. Magmula noon ay wala naman ng mga kwento ang mga bata tungkol sa kanya. Posible raw na nakaalis na nga ito matapos ipanalangin ng kapwa niya hapones. Kapag kinukwento ko ito sa bunso kong kapatid, ay natatawa na lang siya at sasabihin na nanakot lang ako. Parang hindi niya na naaalala yung mga pinaggagawa niya noong bata pa kami.
Pareho kaming lolo and lolas boy. Magkasunod lang kami pero mas matanda ako sa kanya ng apat na taon. Teenager na ang mga ate at kuya ko nang ipanganak ako. Hindi ako relate sa mga ganap sa kanila. Yung parents naman namin ay tuwing hapon ko nalang halos nakikita dahil nasa karinderiya sila sa palengke na siyang bumuhay sa amin. May kasambahay naman kami na siya ko laging kasama pero dahil naawa na sa akin yung mga lolo ko ay kinuha nila ako para sa kanila na tumira at maalagaan daw ng kamag-anak kaysa ng kasambahay baka raw pagdating ng panahon ay mas mahal ko pa ang kasambahay namin.
So ito nga ang kwento, Sir Nev. Noong kinuha ako ni na Lolo, ay buntis na pala ulit si Mama. Hindi nila alam yun dahil akala nila ay ako na ang bunso. Ang nangyari, para akong nait siya puyera lalo dahil si na Mama pa rin ang nag-alaga sa bunso namin na si Jake, tapos ako ay naki na Lolo lang. Wala namang problema sa akin yun noon, hindi ako nagsiselos. Tapos noong mga 3 years old na si Jake, ay nakakalaro ko na siya kapag nagpupunta sila sa bahay namin ni na Lolo.
Kapag papaalis na sila ay umiiyak siya. Ayaw na niyang umalis kaya hinahayaan muna siya ni na mama na matulog sa amin. Tapos kinabukasan na uuwi. Hanggang sa mawili na nga siya sa amin at ayaw na rin umalis. Inis na inis ako noon kay Jake. Doon na ako nakaramdam ng selos. Kasi hindi na lang ako ang mahal ni na lolo. Meron ng Jake. Nahati ang atensyon sa aming dalawa. Kaya lagi ko siyang inaaway. Pinipingot ko siya at sinusuntok sa braso. Seven na ako noon at siya ay three. So syempre malakas-lakas na ang pwersa ko.
Iiyak si Jake at magtatago sa mga gumamela ni Lola. Noong umpisa ay nagtatago lang siya roon kapag inaaway ko siya. Nung lumaon, kahit hindi ko na siya awayin, ay doon na siya tumatambay. Naririnig ko na lang na tawa siya ng tawa, kaya pinupuntahan ko siya para suntukin kasi baka naglalaro sila ni na Lolo. Pero hindi ako kasali. Kapag naman nakita ko na siya, ay siya lang mag-isa ang takbo ng takbo na parang nakikipaghabulan. Tandang-tanda ko na may maliit na kulay blue na paru-paro na lumilipad sa likod niya. Hindi ko na lang pinapansin kasi ang mahalaga sa akin noon ay hindi siya nilalaro ni na Lolo at Lola.
Isang beses pa ay nahuli ko si Jake na may hawak na tinapay na kumikinang. Hugis bulaklak yun at mukhang masarap. Ako naman na si Ingitero, syempre inagaw ko yun sa kanya. Hindi naman pumayag yung kapatid ko, kaya nagagawan kami hanggang sa pareho na kaming umiiyak. Nabitawan namin pareho yung tinapay, tapos ay nalaglag sa lupa. Pagkabagsak noon ay biglang nadurog at naging buhangin. Ang sama ng ugali ko sir Nev, kasi tinapaktapakan ko yung buhangin at binilatan ko pa si Jake sa baylayas. Isang araw ay umalis si Lolo at Jake. Naiwan ako kay Lola, kaya ingit na ingit na naman ako dahil nakagala sila.
Nung bumalik si na lolo ay inempakin na nila yung gamit ni Jake at binalik na siya akin na mama. Siyempre eto ang tuwa naman ako. Medyo mas maedad na ako nang tanungin ko si na lolo kung bakit pinauwi nila si Jake noon. Akala ko nagsumbong siya na lagi ko siyang inaaway. Siguro narealize ni lolo na matanda na ako para maintindihan ang mga bagay-bagay. Kaya sinabi nila sa akin ang dahilan.
May nakakalaro daw na engkanto si Jake at balak siyang makuha. Nabigyan na raw ng pagkain na mula sa mundo ng engkanto ang kapatid ko, pero napigilan ko lang na makain yon. Technically ay napabuti pa ang pangaagaw ko sa kanya ng tinapay. Ngayong mga binata na kami ni Jake ay kinukwento ko sa kanya ang mga napansin ko sa kanya noon, pero wala na siyang matandaan. Ang alam lang niya ay lagi ko siyang pinapaiyak, pero wala naman daw siyang nakakalaro noon, hindi sarili lang niya. Nangyari ito noong umuupa kami ng bahay na pag-aari ng pamilya ng schoolmate ko. Actually yung schoolmate ko talaga ang may-ari ng bahay dahil mayaman talaga sila.
I went to the university where I studied my schoolmate with my son because of the athletic scholarship. I was very close because of my friend. Noong pinapalayas na kami sa inuupahan namin, ay nagtanong ako sa kaibigan ko kung may alam siyang pwedeng maupahan na pasok sa budget namin. At nabanggit naman niya yun kay Sam. Sir Nev, sa totoo lang, yung mga kunyo talaga ang mababait. Kakakilala lang namin ni Sam, pero in-offer agad niya yung apartment niya sa price na kaya namin. E di syempre, kinuha ko agad kasi talagang kailangan na. Kaya lang may catch. Pinagtapat sa amin ni Sam na may mga umupa na roon na nagkukwento tungkol sa mga nakakasama nila sa bahay na hindi nakikita. Hindi naman daw mga nananakit, pero mapagbiro at kung minsan ay nanghihiram ng gamit.
I'll go back again. I don't know when. We need to go back. We need to go back. Okay, let's go. Let's go if we have housemates.
. . . . . . .
Nung maghiwalay ang ate ko at ang asawa niya, ay nakitira si ate at ang pamangkin ko sa amin. Bale, ako, ang parents namin, yung kapatid kong bunso, si ate at si Doty ang nakitira sa bahay. Alam naman ni ate na may kasama kami sa bahay dahil nakukwento namin yun sa kanya. Kaya nang magkwento si Doty tungkol sa mga nakakalaro nitong maliliit na bata, ay hindi na kami nagtaka. Sa kwento ni Dotty, parang mga Barbie dolls ang sukat ng mga kalaro niya. Maliliit daw ang mga mata, pero mahahaba ang ilong at tenga. Pinapatawa raw siya lagi at nakikipaglaro sa kanya ng taguan at habulan. Magaganda raw ang damit at sapatos na iba't iba ang kulay, mababait daw at parati siyang pinabantayan. Apat na taon lang noon si Dotty, siya ang nakapagbigay linaw kung ano talaga ang mga kasama namin sa bahay. Base sa description niya, ay mga duwende ang mga yon, since nalaman namin na mabait naman pala talaga ang mga kasama namin ay lalo kaming nakampante.
Three months ago, we knew that she was going to know that she was going to do it before her husband. One day, we were going to talk to her husband. One day, we were going to talk to Dotty's friends, so we didn't know that she was going to talk to Dotty's friends. But a few seconds left, and there were a lot of people who were going to talk to Dotty's friends, so we were going to talk to Dotty's friends, so we were going to talk to Dotty's friends. At sabi niya, ginising daw siya ng mga kaibigan niya dahil may mamaw daw sa bubong na gustong kunin ang baby ng mama niya. Pero huwag na raw kaming mag-alala dahil pinaalis na raw yon ng mga kaibigan niya. Sabi pa niya ay kinuha raw ng mga kaibigan niya ang isang mata noong mamaw para hindi na makasilip pa sa bubong. Natakot daw siya dahil isa sa mga kaibigan niya ay hawak yung mata. Wala kaming kamalay-malay Sir Nev na inaaswang na pala si ate at sinisilip noon sa butas ng bubong. Mabuti at naroon ang mga kaibigan ni Dotty na handang tumulong.
Eleven years old na ngayon si Dotty Serneb. Nakalipat na rin kami sa sarili naming bahay na nabili dahil sa pagloloan namin ni Papa. Sinaate, Dotty at bunso niyang kapatid na lang ang nangungupahan ngayon kay Sam. At hanggang ngayon daw ay nakakausap pa rin ni Dotty ang mga kaibigan niya. Balang araw daw ay may ibibigay na regalo sa kanya ang mga yon. Sabi ni Papa baka raw bibigyan ng kakayahang makapanggamot ang pamangkin ko. This episode is brought to you by Bingo Plus. Bingo sa saya plus sa panalo.