Skip to content
KINUHA NG ANINO episode artwork

Aug 19, 2022 4 min

KINUHA NG ANINO

from Pinoy Creepypasta Hosted by Sir Nebb and TAGM Marketing Solutions Inc.

Tagalog Horror

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

KINUHA NG ANINO

0:00 4:28
of matches

Transcript Auto-generated, may contain errors

Tawagin niyo po akong Linda, Sir Nev. Tubong Maynila ako, pero nakapangasawa ng tagaprobinsya. Cebuano po ang napangasawa ko. At hindi kalaunan ay nanirahan na kami sa Cebu. Noon ay wala akong kaalam-alam sa mga pamahiin. Hanggang sa nabuntis ako sa aming panganay na anak. Dahil medyo malayo kami sa ospital, minabuti kong sa bahay na lang mga anak. Ilang araw bago ako mga anak, dumating sa bahay namin ang lola ng aking asawa. Sinabihan niya ako na kapag raw ng anak ako, dapat daw ay isara ko lahat ng mga pintuan at mga bintana.

Wala raw dapat akong iwanang nakabukas dahil daw baka pasukin ng masamang elemento o mga demonyo ang aming bahay. May posibilidad daw na kunin nila ang buhay ng aking magiging anak. Bagay na hindi ko pinaniwalaan. January 13, 1996. Naramdaman ko ang pagsakit ng tiyan ko. Agad akong nagpatawag ng hilot para magpaanak sa akin. Nang dumating ang kumadrona, agad niyang hinanda ang maligamgam na tubig at ang higaan ko. Hindi ko na sinabi sa asawa ko na isara ang mga pinto sa buong bahay.

Bagaiman sinara niya ang pintana, naiwan naman niyang nakabukas ang pintuan papunta sa likod ng bahay. Pasado alas 5 ng hapon nang maisilang ko ang panganay ko. Isa siyang malusog na sanggol na lalaki. Narinig ko pa yung pag-iyak niya nang paluin ng kumadrona ang kanyang puwet. Nung makaalis na ang kumadrona, masaya naming pinagmasdan ng aking asawa ang aming panganay. Maya-maya ay bigla na lang umiyak yung aming sanggol. Biglang pumasok sa loob ng aming bahay ang napakalakas na hangin. Yun bang parang may paparating na bagyo?

Hindi namin mapatahan yung sanggol. Sinubukan ko siyang pasusuhin, pero hindi pa rin siya humihinto. Kinarga ko siya at saka pinaghele. Tumingin ako sa orasan. Pasado alas 7 na nun. Pero iyak pa rin ang iyak ang aming anak. Yung asawa ko ay kasalukuyan ng nagluluto ng sabaw noon. Samantala yung mga bienan ko naman ay nagbabiyahin na papunta sa amin. Napasigaw ako nang biglang bumukas ang pintana na gawa lang sa kawayan. Hinampas yun ng malakas na hangin. Biglang namatay ang ilaw sa aming bahay. Akala ko na walan lang ng kuryente. Pero nakapagtatakang may ilaw sa mga kapitbahay namin.

May napansin akong parang anino na pumasok sa aming kwarto. Inakala kong anino yun ang aking asawa, kaya hindi ko nalang pinansin. Makalipas ang ilang minuto ay dumami ang mga anino. Kapansin-pansin din na para bang may sungay ang mga yun. Natakot na ako, kaya naman tinawag ko na ang asawa ko. Eksakto namang bumukas na ang ilaw. Nagulat na lang ako at napakagulgol. Nang makitang nangingitim na ang hawak kong sanggol. Kaya pala bigla na lang itong tumahan ay dahil hindi na ito humihinga. Nataranta ako, syempre pati ang asawa ko.

Isinugod niya sa ospital ang aming anak habang naiwan naman ako sa bahay dahil hindi pa ako makatayo. Halos mabaliw ako nang bumalik ang asawa ko, Sir Nev. Patay na raw ang aming anak. Hindi ko alam kung paano nangyari yun. Samantalang buhay na buhay ko siyang sinilang. Doon ko palang naalala ang bilin ng lola ng aking asawa. Marahil ang mga aninong nakita ko ay ang masasamang elemento na tinutukoy niya. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang sugat na iniwan ng pagkawala ng aking anak. Mahigit isang dekada na, Sir Nev.

But I still have my body.

Frequently asked questions

How long is this episode of Pinoy Creepypasta?

This episode is 4 minutes long.

When was this Pinoy Creepypasta episode published?

This episode was published on August 19, 2022.

Is there a transcript available for this episode?

Yes, a full transcript is available for this episode. You can read the complete transcript on the episode page.

Can I download this Pinoy Creepypasta episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.