EPISODE · Nov 4, 2023 · 1 MIN
Kulturang Pilipino: ANIMNAPUNG ARAW ni Dittz Centeno de Jesus (TULA)
Nais niyo bang makadiskubre ng mga makabuluhang kanta at tula mula sa iba’t ibang musikero at makata? Ang segment na ito ay magsisilbing espayso para sa ibat’t ibang pagtatanghal ng mga talento ng ating kababayang pilipino.Si Dittz Centeno De Jesus o Nanay Dittz, ay ina ni Gene Roz Jamil “Bazoo” de Jesus, isang Indigenous Peoples’ Rights Defender from the Cordillera Region na nawawala mula noong April 28, 2023. Si Nanay Dittz ay ang founder and president ng Filipino Women’s League sa Bologna, Italy at editor-in-chief ng Diaspora News and Stories - OFW Watch Italy. Isinulat ni Nanay Dittz ang tulang ito at pi-nost sa kanya Facebook page mahigit animapung araw mula nong sapilitang pagkawala ng anak nyang si Bazoo.Animnapung ArawParang di ko na makayang bilanginAng mga araw at gabing dumaratingMaging sa panaginip lagi nang hilingDuon man lang ikaw ay makapiling.Nguni't sadyang tadhana ay iwasSilang may hawak ayaw kang ilabasBulag sila sa pang-unawa sa batasDisin sana ito"y mayroon nang wakas.Kahit silip man lang kung saan ka naroonIpaalam sa amin at kami ay kakaonMahigpit na yakap ang isasalubongSana nga'y pakinggan,dasal namin sa Poon.Wala na kaming magawang paraanMahanap ang lugar, ikaw ay matagpuanAng tanging pag-asa ay maghintay na lamangHanggang sa ikaw ay kanilang pawalan.Anak, malayo kami sa 'yong kinaroonanNguni't ang.puso namin ikaw ang nilalamanSana balang araw maganda ang kahinatnanItong pagdurusang hindi alam hanggang kailan.....Anak...nasaan ka?
NOW PLAYING
Kulturang Pilipino: ANIMNAPUNG ARAW ni Dittz Centeno de Jesus (TULA)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
Jul 8, 2026 ·47m
Jul 8, 2026 ·49m
Jul 8, 2026 ·51m
Jul 7, 2026 ·44m
Jul 7, 2026 ·49m
Jul 7, 2026 ·53m