EPISODE · Nov 4, 2023 · 4 MIN
Kulturang Pilipino: KASAL ni Lualhati Bautista (TULA)
Ngayon naman para sa kulturang Pilipino, ako si Amihan, ang inyong host ngayong linggo! Nais niyo bang makadiskubre ng mga makabuluhang kanta at tula mula sa iba’t ibang musikero at makata? Ang segment na ito ay magsisilbing espasyo para sa iba't ibang pagtatanghal ng mga talento ng ating kababayang pilipino. For today’s episode, ipinagpupugay po natin ang buhay ni Lualhati Bautista, isang manunulat at isang aktibista. Siya ay kilala sa kanyang mga lunsarang aklat na nakasentro sa pakikibaka ng mga kababaihan noong Martial Law katulad ng Dekada Sitenta [‘70] at Bata, Bata, Paano ka Ginawa? Noong January 1, 2020 naman, Lualhati’s collection of poems, Alitaptap sa Gabi ng Dilim was published. Lualhati Bautista died at the age of 77 last February 12, 2023. To commemorate her life, works, and service to the Filipino people and the Philippines, halina’t pakinggan natin ang kanyang sinulat na tula na pinamagatang KasalIkinakasal ko ang aking sarili sa aking mga kahawak-kamay,Sa lahat ng aking katabi at kaakbay.Sa aking mga lantad at lihim na pag-ibig.Sa lahat ng katalik ng puso ko’t isip.Sa mga dumadamay at nakikinigSa iyak ng puso at pagkaligalig ng aming lipunan at aming daigdig.Ikinakasal ko ang aking sarili sa lahat ng tauhanNa nagmula man sa sulok ng aking isipAy hinugot pa rin sa aking kaluluwa’t puso Silang mga dumating at naglakbay Sa mga pahina ng aking buhay Ikinakasal ko rin ang aking sarili Sa lahat ng tauhan na hindi nilikhalang ang sariling isip Kundi hinugot sa mga bakas ng kanilang pagdating at pananatiliSa mga pahina ng ating panahon.Sa lahat ng kaisa ko sa paninindigan at pag-asa.Sa lahat ng naglalaan ng mga kamay para sa kapakanan ng kapuwaKakilala man o hindiMay pangalan man o walaDahil ang kanilang buhay ay karugtong ng lahat ng buhayHalinang ikasal ang ating mga anakSa kinabukasang matiyagang hinahawan Ang buhay nila’t buhay natin Sa kalayaan, ang ating isip sa magagandang pangarapAng ating mga puso sa pag-ibigDahil sa sandaling lumamig ang apoy ng pag-ibigAng tao’y mamamatay sa ginaw.
NOW PLAYING
Kulturang Pilipino: KASAL ni Lualhati Bautista (TULA)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
May 14, 2026 ·6m
May 14, 2026 ·13m
May 14, 2026 ·8m
May 14, 2026 ·10m
May 14, 2026 ·10m
May 13, 2026 ·8m