EPISODE · Jul 28, 2025 · 2 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “ANG KAHARIAN NG DIYOS”
from Pathways of Hope · host POH Team
LUNES, HULYO 28, 2025 Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay Blessed Urban II, PapaPaggunita kina Santo Nazario at Celso, mga Martir ng MilanPaggunita kay San Victor I, PapaLANDAS NG PAG-ASA : “ANG KAHARIAN NG DIYOS”[MABUTING BALITA]: MATEO 13 : 31 - 35Noong panahong iyon, isa na namang talinghaga ang inilahad ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong nagtanim ng isang butil ng mustasa sa kanyang bukid. Pinakamaliit ito sa lahat ng binhi, ngunit kapag natanim na at lumago ay nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay. Ito’y nagiging punongkahoy, anupat napamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”Nagsalaysay pa siya ng ibang talinghaga. “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng lebadura na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, at umalsa ang buong masa.”Sinabi ni Hesus sa mga tao ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinghaga at wala siyang sinabi sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Ginawa niya ito upang matupad ang sinabi ng propeta:“Magsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga,ihahayag ko sa kanila ang mga bagay na nalihim mula nang likhain ang sanlibutan.”Reflection by Sarah Panahon : Marriage and Family Counselor. Senior woman leader. Covenanted member of Ang Ligaya ng Panginoon#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “ANG KAHARIAN NG DIYOS”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.