LANDAS NG PAG-ASA : “ANG KAPANGYARIHAN NG SALITA NI HESUS” episode artwork

EPISODE · Mar 15, 2026 · 4 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “ANG KAPANGYARIHAN NG SALITA NI HESUS”

from Pathways of Hope · host POH Team

LUNES, Marso 16, 2026Lunes sa ika-limang Linggo ng Apatnapung Araw na PaghahandaPaggunita kay San Hilario (obispo) at San Tatian (diakano ), mga martir LANDAS NG PAG-ASA : “ANG KAPANGYARIHAN NG SALITA NI HESUS”[MABUTING BALITA]: JUAN 4 : 43 - 54Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa Samaria at nagtungo sa Galilea. Sapagkat si Hesus na rin ang nagsabing ang isang propeta’y hindi iginagalang sa kanyang sariling bayan. Pagdating niya sa Galilea ay mabuti ang pagtanggap sa kanya ng mga tagaroon, sapagkat nasa Jerusalem din sila noong Pista ng Paskuwa at nakita nila ang lahat ng kanyang ginawa roon.Nagpunta uli si Hesus sa Cana, Galilea. Doon niya ginawang alak ang tubig. Doon naman sa Capernaum ay may isang mataas na pinuno ng pamahalaan; at may sakit ang kanyang anak na lalaki. Nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito. Pinakiusapan niya itong pumunta sa Capernaum at pagalingin ang kanyang anak na naghihingalo. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Hangga’t hindi kayo nakakikita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, hindi kayo mananampalataya.” Ngunit sinabi ng pinuno, “Tayo na po, Ginoo, bago mamatay ang aking anak.” Sumagot si Hesus, “Umuwi na kayo; magaling na ang inyong anak.” Naniwala ang lalaki sa salita ni Hesus, at umuwi nga siya. Sa daan pa’y sinalubong na siya ng kanyang mga alipin at sinabing magaling na ang kanyang anak. Tinanong niya sila, “Anong oras siya gumaling?” “Siya po’y inibsan ng lagnat kahapong mag-aala-una ng hapon,” tugon nila. Naalaala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Hesus, “Magaling na ang inyong anak.” Kaya’t siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Hesus.Ito ang pangalawang kababalaghang ginawa ni Hesus sa Galilea pagpunta niya roon buhat sa Judea.Pagninilay ni Paul Gerard Saret : Product Manager, Cargill Philippines. District Evangelization and Music Ministry of NS1C. Underway Member of Ang Ligaya ng Panginoon.#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel #LentenSeason

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Mar 15, 2026

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “ANG KAPANGYARIHAN NG SALITA NI HESUS”

0:00 4:49

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 4 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on March 15, 2026.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!