EPISODE · Jul 24, 2025 · 3 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “ANG LAYUNIN NG MGA TALINHAGA”
from Pathways of Hope · host POH Team
HUWEBES, HULYO 24, 2025 Huwebes ng Ika-16 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay San Sharbel Makhlūf, pariLANDAS NG PAG-ASA : “ANG LAYUNIN NG MGA TALINHAGA”[MABUTING BALITA]: MATEO 13 : 10 - 17Noong panahong iyon, lumapit ang mga alagad at tinanong si Hesus: “Bakit po ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita sa kanila?” Sumagot siya, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa.Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi:‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makauunawa,at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakikita.Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga ito;mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,at ipinikit nila ang kanilang mga mata.Kung di gayun, disin sana’y nakakita ang kanilang mga mata,nakarinig ang kanilang mga tainga,nakaunawa ang kanilang mga isip,at nagbalik-loob sa akin,at pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon.’ Mapalad kayo, sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita, ngunit hindi ito nakita at makarinig sa inyong naririnig, ngunit hindi ito napakinggan.”Reflection by Pao Antonio : Covenanted Member - Ang Ligaya ng Panginoon. Resident Preacher and Executive Producer of Pathways of Hope. Resident Preacher - Pathways Ministry. Director of Sales - LIVECORE Corporation. Financial Planner.#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “ANG LAYUNIN NG MGA TALINHAGA”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.