EPISODE · Apr 26, 2026 · 3 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “ANG MABUTING PASTOL”
from Pathways of Hope · host POH Team
LUNES, Abril 27, 2026Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesu Kristo Paggunita kay Santa Zita ng Lucca, dalagaLANDAS NG PAG-ASA : “ANG MABUTING PASTOL”[MABUTING BALITA]: : JUAN 10:11-18Sinabi ni Jesus, “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. Ang upahan ay tumatakas kapag may dumarating na asong-gubat. Iniiwan niya ang mga tupa, palibhasa’y hindi siya pastol at hindi kanya ang mga ito. Kaya’t sinusunggaban ng asong-gubat ang mga ito at binubulabog. Tumatakas siya, palibhasa’y upahan lamang at walang malasakit sa mga tupa.“Ako nga ang mabuting pastol. Kung paanong kilala ako ng Ama at siya’y kilala ko, gayundin naman, kilala ko ang aking mga tupa at ako nama’y kilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking mga tupa. Mayroon akong iba pang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kinakailangang sila’y ipasok ko rin, at papakinggan nila ang aking tinig. Sa gayon, magkakaroon ng isang kawan na may isang pastol.“Dahil dito’y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito’y kunin kong muli. Walang makakakuha ng aking buhay; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at mayroon akong kapangyarihang kunin itong muli. Ang utos na ito’y tinanggap ko mula sa aking Ama.”Pagninilay ni Sarah Panahon : Marriage and Family Counselor. Senior woman leader. Covenanted member of Ang Ligaya ng Panginoon#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “ANG MABUTING PASTOL”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.