LANDAS NG PAG-ASA : “ANG MABUTING SAMARITANO” episode artwork

EPISODE · Jul 13, 2025 · 9 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “ANG MABUTING SAMARITANO”

from Pathways of Hope · host POH Team

LINGGO, HULYO 13, 2025 Ika labing-limang Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay San Enrique II, EmperadorLANDAS NG PAG-ASA : “ANG MABUTING SAMARITANO”[MABUTING BALITA]: LUCAS 10:25-37Noong panahong iyon, may isang eskribang lumapit kay Hesus upang siya’y subukin. “Guro,” aniya, “ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?” Tumugon siya, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip’; at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’” “Tama ang sagot mo,” wika ni Hesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.”Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si Hesus, “Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Hesus: “May isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem, patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya’y nahabag. Lumapit siya, binusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.’ Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni Hesus. “Ang nagpakita ng habag sa kanya,” tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Humayo ka’t gayun din ang gawin mo.”Reflection by Ruel Morales : Unit Manager/Financial Adviser-AXA Philippines. Independent Coffee Distributor. Covenanted Member-Ang Ligaya ng Panginoon#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 13, 2025

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “ANG MABUTING SAMARITANO”

0:00 9:45

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 9 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on July 13, 2025.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!