LANDAS NG PAG-ASA : “ANG MATABANG LUPA” episode artwork

EPISODE · Sep 21, 2025 · 5 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “ANG MATABANG LUPA”

from Pathways of Hope · host POH Team

SABADO, SETYEMBRE 20, 2025 Sabado ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kina San Andres Kim Taegon, pari at martir,at San Pablo Chong Hasang, at mga Kasama, mga martirLANDAS NG PAG-ASA : “ANG MATABANG LUPA”[MABUTING BALITA]: LUCAS 8:4-15Noong panahong iyon, dating nang dating ang mga taong nanggagaling sa mga bayan-bayan at lumalapit kay Hesus. Nang natitipon na ang napakaraming tao, isinalaysay niya ang talinghagang ito:“May isang taong lumabas para maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may binhing nalaglag sa daan at nayapakan, at ang mga ito’y tinuka ng mga ibon. May nalaglag sa kabatuhan, at pagtubo ay natuyo dahil sa kawalan ng halumigmig. May nalaglag naman sa dawagan. Lumago ang dawag at ininis ang mga binhing tumubo. Ang iba’y nalaglag sa matabang lupa, tumubo at namunga ng tig-iisandaang butil.” At malakas niyang idinugtong, “Makinig ang may pandinig!”Itinanong ng mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinhagang ito. Sumagot si Hesus, “Sa inyo’y ipinagkaloob na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit sa iba’y sa pamamagitan ng mga talinghaga, upang:‘Tumingin man sila’y hindi makakita;At makinig man sila’y di makaunawa.’Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang salita ng Diyos. Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas. Ang mga nalaglag sa kabatuhan ay ang mga nakinig ng salita at tumanggap nito nang may galak, ngunit hindi ito tumimo sa kanilang puso. Naniwala silang sandali, subalit sa panahon ng pagsubok ay tumitiwalag agad. Ang mga nahasik naman sa dawagan ay ang mga nakinig ngunit nang malaon ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan, kaya’t hindi nahinog ang kanilang mga bunga. Ang mga nahasik naman sa matabang lupa’y ang mga nakinig ng salita. Iniingatan nila ito sa kanilang pusong tapat at malinis at sila’y nagtitiyaga hanggang sa mamunga.”Reflection by Alvin Fabella : COO, EScience Corp, District Head Coordinator, South Sector. Speaker. Retreat Master. Radio Anchor, Kakaiba Ka! Contributor- Kerygma Magazine/Didache. https://who-are-you-following.blogspot.com/2020/06/if-youre-tired-of-waiting-this-post-is.html#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 21, 2025

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “ANG MATABANG LUPA”

0:00 5:19

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 5 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on September 21, 2025.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!