EPISODE · Apr 10, 2025 · 4 MIN
Landas ng Pag-Asa: "Ang mga Gawa ay Nagpapatotoo sa Katotohanan"
from Pathways of Hope · host POH Team
BIYERNES, ABRIL 11, 2025 Biyernes sa Ikalimang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay Paggunita kay San Stanislao, Obispo at martir MABUTING BALITA: JUAN 10 : 31 - 42Noong panahong iyon, ang mga Judio’y kumuha ng bato upang batuhin si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus:“Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin ba sa mga ito ang dahilan at ako’y inyong babatuhin?” Sinagot siya ng mga Judio, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang.” Tumugon si Hesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Sinabi ko, mga diyos kayo?’ Mga diyos ang tawag ng Kautusan sa mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring tanggihan ang sinasabi ng Kasulatan. Ako’y hinirang at sinugo ng Ama; paano ninyong masasabi ngayon na nilalapastangan ko ang Diyos sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinagagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayon, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako’y nasa kanya.”Tinangka na naman nilang dakpin siya, ngunit siya’y nakatalilis.Muling pumunta si Hesus sa ibayo ng Jordan, sa pook na noong una’y pinagbibinyagan ni Juan. Nanatili siya roon, at maraming lumapit sa kanya. Sinabi nila, “Si Juan ay walang ginawang kababalaghan, ngunit totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito.” At doo’y maraming sumampalataya kay Hesus.Reflection by PJ Cumpas: Vice-President of Operations, Vice-Dean for Student Affairs and Professor, Don Bosco School of Theology; Core Group Member #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
Landas ng Pag-Asa: "Ang mga Gawa ay Nagpapatotoo sa Katotohanan"
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.