EPISODE · Feb 11, 2026 · 2 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “ANG NAGMUMULA SA PUSO”
from Pathways of Hope · host POH Team
MIYERKULES, Pebrero 11, 2026Miyerkules sa Ika-limang Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita sa Mahal na Birheng Maria ng LourdesPaggunita kay Santa Sotera, dalaga at martirLANDAS NG PAG-ASA : “ANG NAGMUMULA SA PUSO”[MABUTING BALITA]: MARCOS 7 : 14 - 23Noong panahong iyon, muling pinalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat, at unawain ang aking sasabihin! Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang mga nagmumula sa kanya. Ang may pandinig ay makinig.”Iniwan ni Hesus ang mga tao; at nang makapasok na sa bahay, siya’y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinghaga. “Kayo man ba’y wala ring pang-unawa?” tugon ni Hesus. “Hindi ba ninyo alam na hindi nakapagpaparumi sa tao ang kinakain niya, sapagkat hindi naman pumapasok iyon sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi.” Sa pagsasabi nito’y para nang ipinahayag ni Hesus na maaaring kanin ang lahat ng pagkain. Nagpatuloy siya sa pagsasalita: “Ang lumalabas mula sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos. Sapagkat sa loob – sa puso ng tao – nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya na makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, at gumawa ng lahat ng kabuktutan, tulad ng pagdaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, kapalaluan, at kahangalan. Ang lahat ng ito’y nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya.”Pagninilay ni Bob Lopez : Communications specialist. Former Mission Director-Word of Joy Foundation/Institute for Pastoral Development. Trainer and formator serving dioceses, congregations and organizations. Faculty member. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon.#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “ANG NAGMUMULA SA PUSO”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.