EPISODE · Sep 3, 2025 · 3 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “ANO ANG LAGNAT NA GUSTO MONG IPAGAMOT KAY HESUS?”
from Pathways of Hope · host POH Team
MIYERKULES, SETYEMBRE 3, 2025 Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay San Gregorio, , Papa at Pantas ng Simbahan LANDAS NG PAG-ASA : “ANO ANG LAGNAT NA GUSTO MONG IPAGAMOT KAY HESUS?”[MABUTING BALITA] : LUCAS 4 : 38 - 44Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa sinagoga at nagtungo sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyanan ni Simon, kaya’t ipinamanhik nila kay Hesus na pagalingin siya. Tumayo si Hesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na maalis ang lagnat, at nawala nga ito. Noon di’y tumindig ang maysakit at naglingkod sa kanila.Paglubog ng araw, ang lahat ng maysakit — anuman ang karamdaman — ay dinala ng kanilang mga kaibigan kay Hesus. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Nagsilabas sa marami ang mga demonyo, sabagay sigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit sinaway sila ni Hesus at hindi pinahintulutang magsalita, sapagkat nakikilala nila na siya ang Mesias.Nang mag-umaga na, umalis si Hesus at nagpunta sa isang ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag munang umalis. Subalit sinabi niya, “Dapat ko ring ipangaral sa ibang bayan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos; sapagkat iyan ang layunin ng pagkasugo sa akin.” At nangaral siya sa mga sinagoga sa Judea.Reflection by PJ Cumpas: Vice-President of Operations, Vice-Dean for Student Affairs and Professor, Don Bosco School of Theology; Core Group Member of Tahanan ng Panginoon Young Professionals (TNP-YP), South District B Evangelization Team Member; Covenanted Member of Ligaya ng Panginoon#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “ANO ANG LAGNAT NA GUSTO MONG IPAGAMOT KAY HESUS?”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.