LANDAS NG PAG-ASA : “GUSTO MO BANG GUMALING?” episode artwork

EPISODE · Mar 17, 2026 · 1 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “GUSTO MO BANG GUMALING?”

from Pathways of Hope · host POH Team

MARTES, Marso 17, 2026Martes sa Ika-limang Linggo ng Apatnapung Araw na PaghahandaPaggunita kay San Patrick, obispo LANDAS NG PAG-ASA : “GUSTO MO BANG GUMALING?”[MABUTING BALITA]: JUAN 5:1-16Nang dumating ang pagdiriwang ng pista ng mga Judio, pumunta si Hesus sa Jerusalem. Sa lungsod na ito, malapit sa Pintuan ng mga Tupa, ay may malaking deposito ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Betesda. Natitipon dito ang maraming maysakit —— mga bulag, mga pilay, at mga paralitiko. Hinihintay nilang gumalaw ang tubig, sapagkat may panahong bumababa ang isang anghel ng Panginoon at kinakalawkaw ang tubig. Ang maunang lumusong pagkatapos makalawkaw ang tubig ay gumagaling, anuman ang kanyang karamdaman. Doo’y may isang lalaking tatlumpu’t walong taon nang may sakit, at siya’y nakita ni Hesus. Alam nitong matagal nang may sakit ang lalaki. Tinanong siya ni Hesus, “Ibig mo bang gumaling?” Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag nakalawkaw na ang tubig; patungo pa lamang ako roon ay may nauuna na sa akin.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.” At pagdaka’y gumaling ang lalaki, dinala ang kanyang higaan, at lumakad.Noo’y Araw ng Pamamahinga. Kaya’t sinabi ng mga Judio sa lalaking pinagaling, “Araw ng Pamamahinga ngayon! Labag sa Kautusan na dalhin mo ang iyong higaan.” Ngunit sumagot siya, “Ang nagpagaling sa akin ang nagsabing dalhin ko ang aking higaan at lumakad ako.” At siya’y tinanong nila, “Sino ang nagsabi sa iyo na dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka?” Ngunit hindi nakilala ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa kanya, sapagkat nawala na si Hesus sa karamihan ng tao.Pagkatapos, nakita ni Hesus sa loob ng templo ang lalaki at sinabihan, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang magkakasala at baka may mangyari sa iyo na lalo pang masama.” Umalis ang lalaki at sinabi sa mga Judio na si Hesus ang nagpagaling sa kanya. Dahil dito, si Hesus ay sinimulang usigin ng mga Judio sapagkat nagpagaling siya sa Araw ng Pamamahinga.Pagninilay ni Neren Quitain: Teacher. Senior Woman Leader Trainee /Pastoral Leader -Holy Trinity Community. (Davao City) Young Professional Moderator (Lingkod Davao)#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Mar 17, 2026

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “GUSTO MO BANG GUMALING?”

0:00 1:56

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 1 minute long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on March 17, 2026.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!