EPISODE · Mar 23, 2026 · 3 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “HABAG AT AWA”
from Pathways of Hope · host POH Team
LUNES, Marso 23, 2026Lunes sa ika-limang Linggo ng Apatnapung Araw na PaghahandaPaggunita kay Obispo Toribio de MogrovejoLANDAS NG PAG-ASA : “HABAG AT AWA”[MABUTING BALITA]: JUAN 8:1-11Noong panahong iyon, si Hesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. Kinaumagaha’y nagbalik siya sa templo. Lumapit sa kanya ang lahat, kaya’t umupo siya at sila’y tinuruan. Noo’y dinala sa kanya ng mga eskriba at ng mga Pariseo ang isang babaing nahuli sa pakikiapid. Pinatayo ito sa harapan nila, at sinabi kay Hesus, “Guro, ang babaing ito’y nahuli sa pakikiapid. Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga gaya niya. Ano ang masasabi mo?” Itinanong nila ito upang subukin siya, nang may maisumbong sila laban sa kanya. Ngunit yumuko si Hesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. Ayaw nilang tigilan nang katatanong si Hesus, kaya’t sila’y tiningnan niya at sinabi ang ganito, “Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa. Nang marinig nila ito, sila’y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Walang naiwan kundi si Hesus at ang babaing naroon pa rin sa harapan niya. Tiningnan siya ni Hesus at tinanong: “Nasaan sila? Wala bang nagparusa sa iyo?” “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Hesus: “Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkasala.”Pagninilay ni Sarah Panahon : Marriage and Family Counselor. Senior woman leader. Covenanted member of Ang Ligaya ng Panginoon#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “HABAG AT AWA”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.