LANDAS NG PAG-ASA : “HINDI DAHAS, KUNDI PAGPAPAGALING” episode artwork

EPISODE · Jul 19, 2026 · 4 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “HINDI DAHAS, KUNDI PAGPAPAGALING”

from Pathways of Hope · host POH Team

Linggo, Hulyo 19, 2026Ika-16 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay Papa San SimacoLANDAS NG PAG-ASA : “HINDI DAHAS, KUNDI PAGPAPAGALING”[MABUTING BALITA]: MATEO 13 : 24 - 43Noong panahong iyon, inilahad ni Hesus ang talinghagang ito sa mga tao. “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan. Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo. Kaya’t lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, ‘Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’ Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga iyon?’ ‘Huwag,’ sagot niya. ‘Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan. Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyong tipunin sa aking kamalig.’”Isa na namang talinghaga ang inilahad ni Hesus sa kanila. “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong nagtanim ng isang butil ng mustasa sa kanyang bukid. Pinakamaliit ito sa lahat ng mga binhi, ngunit kapag natanim na at lumago ay nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay. Ito’y nagiging punongkahoy, anupat napamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”Nagsalaysay pa siya ng ibang talinghaga. “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng lebadura na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, at umalsa ang buong masa.” Sinabi ni Hesus sa mga tao ang lahat ng ito sa pamamagitan ng talinghaga at wala siyang sinabi sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Ginawa niya ito upang matupad ang sinabi ng propeta:“Magsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga,ihahayag ko sa kanila ang mga bagay na nalilihim mula nang likhain ang sanlibutan.”Pagkatapos, iniwan ni Hesus ang mga tao at pumasok sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, “Ipaliwanag po ninyo sa amin ang talinghaga tungkol sa masasamang damo sa bukid.” Ito ang tugon ni Hesus, “Ang Anak ng Tao ang naghahasik ng mabuting binhi. Ang bukid ay ang sanlibutan. Ang mga taong pinaghaharian ng Diyos ang mabuting binhi at ang mga taong pinaghaharian ng diyablo ang masasamang damo. Ang kaaway na naghasik ng mga iyon ay walang iba kundi ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng daigdig, at ang mga anghel ang mga tagapag-ani. Kung paanong iniipon ang mga damo at sinusunog, gayon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Susuguin ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel, at iipunin nila mula sa kanyang pinaghaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama, at ihahagis sa maningas na pugon. Doo’y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin. At magliliwanag na parang araw ang mga matuwid sa kaharian ng kanilang Ama. Ang mga pandinig ay makinig!”Pagninilay ni Bogs Quitain: Lawyer. District Coordinator - Holy Trinity Community, Davao, Singles District/Coordinator-in-Charge -Christ Youth in Action, Davao#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 19, 2026

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “HINDI DAHAS, KUNDI PAGPAPAGALING”

0:00 4:01

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 4 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on July 19, 2026.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!