EPISODE · Jun 2, 2026 · 3 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “IISANG PAGKAKATAON”
from Pathways of Hope · host POH Team
MIYERKULES, Hunyo 3, 2026Miyerkules ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon Paggunita kina San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir LANDAS NG PAG-ASA : “IISANG PAGKAKATAON”[MABUTING BALITA]: MARCOS 12: 18 - 27Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo ay naninindigan na hindi muling bubuhayin ang mga patay. “Guro,” anila “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay na wala ring anak. Gayun din ang nangyari sa pangatlo at sa mga sumusunod pa: isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid, at sila’y namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay rin ang babae. Ngayon, sino po sa pito ang kikilalanin niyang asawa sa muling pagkabuhay, yamang napangasawa niya silang lahat?” Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo. Alam ninyo kung bakit? Hindi ninyo nababatid ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao’y hindi na mag-aasawa; sila’y magiging tulad ng mga anghel sa langit. Tungkol naman sa muling pagkabuhay – hindi pa ba ninyo nababasa sa aklat ni Moises ang tungkol sa nagliliyab na mababang punongkahoy? Ganito ang nasusulat na sinabi ng Diyos kay Moises. ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo!” Pagninilay ni Edwin Cano : Director, Consulting (Electric Power System Planning and Operations); Member, Brotherhood of the King and The Heart of Mary prayer groups.#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “IISANG PAGKAKATAON”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.