LANDAS NG PAG-ASA : “INABOT TAYO NG PANGINOON” episode artwork

EPISODE · Aug 4, 2025 · 4 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “INABOT TAYO NG PANGINOON”

from Pathways of Hope · host POH Team

MARTES, AGOSTO 5, 2025 Martes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita sa Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Mahal na Birheng Maria sa RomaLANDAS NG PAG-ASA : “INABOT TAYO NG PANGINOON”[MABUTING BALITA]: MATEO 14:22-36 Matapos mabusog ang mga tao, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw na’y sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot; si Hesus ito!” At nagsalita si Pedro, “Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.” Kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Sagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. “Napakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. “Bakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.Tumawid sila ng lawa, at dumaong sa Genesaret. Nakilala si Hesus ng mga tagaroon. Agad nilang ipinamalita sa buong palibot ng lupaing iyon ang pagdating ni Hesus kaya’t dinala nila sa kanya ang lahat ng maysakit. Hiniling nila sa kanya na ipahipo man lamang sa mga maysakit kahit ang laylayan ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling.O MATEO 15, 1-2. 10-14Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang ilang Pariseo at mga eskribang galing sa Jerusalem. Kanilang tinanong siya, “Bakit nilalabag ng mga alagad mo ang turo na minana natin sa ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi muna naghuhugas ng kamay ayon sa paraang iniutos!”Pinalapit ni Hesus ang mga tao at kanyang sinabi, “Makinig kayong lahat, at unawain ang aking sasabihin. Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao kundi ang lumalabas ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos.”Lumapit ang mga alagad at kanilang sinabi, “Alam ninyo, nagdamdam po ang mga Pariseo sa sinabi ninyo!” Sumagot siya, “Bubunutin ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Amang nasa langit. Hayaan ninyo sila. Sila’y mga bulag na taga-akay; at kapag bulag ang umakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay.”Reflection by PJ Cumpas: Vice-President of Operations, Vice-Dean for Student Affairs and Professor, Don Bosco School of Theology; Core Group Member of Tahanan ng Panginoon Young Professionals (TNP-YP), South District B Evangelization Team Member; Covenanted Member of Ligaya ng Panginoon#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 4, 2025

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “INABOT TAYO NG PANGINOON”

0:00 4:27

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 4 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on August 4, 2025.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!