LANDAS NG PAG-ASA : “KATAWAN KO, KARAPATAN KO” episode artwork

EPISODE · Jun 1, 2026 · 5 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “KATAWAN KO, KARAPATAN KO”

from Pathways of Hope · host POH Team

LUNES, Hunyo 1, 2026Lunes ng Ika-9 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay San Justino, martir LANDAS NG PAG-ASA : “KATAWAN KO, KARAPATAN KO”[MABUTING BALITA]: : MARCOS 12: 1 -12 Noong panahong iyon, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga punong saserdote, mga eskriba, at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at binakuran niya ito. Humukay siya ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, iniwan niya ang ubasan sa mga kasama, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isa niyang utusan upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang utusan, binugbog, at pinauwing walang dala. Ang may-ari’y nagpapunta uli ng ibang utusan, ngunit kanilang pinukpok ito sa ulo, at dinusta. Nag-utos na naman siya sa isa pa, ngunit pinatay nila ang utusang iyon. Gayun din ang ginawa nila sa marami pang iba: may binugbog at may pinatay. Iisa na lang ang natitira na maaaring papuntahin sa kanila – ang kanyang minamahal na anak. Ito ang kahuli-hulihang pinapunta niya. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit ang mga kasama’y nag-usap-usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’’ Kanilang sinunggaban siya, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.“Ano ngayon ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ang ubasa’y ibibigay sa iba. Hindi pa ba ninyo nababasa ang nasasaad sa Kasulatan?‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahayAng siyang naging batong panulukan.Ginawa ito ng Panginoon,At ito’y kahanga-hanga!’”Tinangka ng mga pinuno ng mga Judio na dakpin si Hesus, sapagkat nahalata nilang sila ang pinatatamaan sa talinghagang iyon. Ngunit takot naman sila sa mga tao; kaya’t hindi nila siya inano at sila’y umalis.Pagninilay ni Adrian Bondoc : Human Resources and Training Consultant. Executive Producer-Kakaiba Ka! Ministry. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community. #POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 1, 2026

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “KATAWAN KO, KARAPATAN KO”

0:00 5:13

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 5 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on June 1, 2026.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!