LANDAS NG PAG-ASA : “MARIA, INA NG SIMBAHAN” episode artwork

EPISODE · Jun 8, 2025 · 4 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “MARIA, INA NG SIMBAHAN”

from Pathways of Hope · host POH Team

LUNES, HUNYO 9, 2025 Lunes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng SambayananLANDAS NG PAG-ASA : “MARIA, INA NG SIMBAHAN”[MABUTING BALITA]: JUAN 19:25-34Noong panahong iyon: Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila raw ang araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.Reflection by Adrian Bondoc : Human Resources and Training Consultant. Executive Producer-Kakaiba Ka! Ministry. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community. #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 8, 2025

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “MARIA, INA NG SIMBAHAN”

0:00 4:11

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 4 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on June 8, 2025.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!