EPISODE · Jul 25, 2025 · 6 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “MASAMANG DAMO”
from Pathways of Hope · host POH Team
SABADO, HULYO 26, 2025 Sabado ng Ika-16 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay San Joaquin at Santa Ana, mga magulang ng Mahal ng Birheng MariaLANDAS NG PAG-ASA : “MASAMANG DAMO”[MABUTING BALITA]: MATEO 13:24-30Noong panahong iyon, inilahad ni Hesus ang talinghagang ito sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan. Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo. Kaya’t lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, ‘Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’ Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga iyon?’ ‘Huwag,’ sagot niya. ‘Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan. Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyong tipunin sa aking kamalig.’”Reflection by Paula Kristina Gawat : Public Servant-Engineer; Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer#hope
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “MASAMANG DAMO”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.