EPISODE · Feb 26, 2025 · 2 MIN
Landas ng Pag-Asa: "Pag-Iwas sa Kasalanan sa Lahat ng Paraan"
from Pathways of Hope · host POH Team
HUWEBES, PEBRERO 27, 2025Miyerkules ng Ika-pitong Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay San Gregorio ng Narek, Abad at Pantas ng SimbahanMABUTING BALITA: MARCOS 9 : 41 - 50“Mabuti pa sa isang tao na talian ng isang malaking gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin. Kung ang isang kamay mo ay nagiging sanhi ng pagkakasala mo, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang magkamit ng buhay na putol ang kamay kaysa may dalawang kamay kang pupunta sa impiyerno, kung saan ang apoy ay hindi mapapatay. Doon, ang mga uod at apoy ay hindi namamatay. Kung ang isa sa iyong paa ay nagiging sanhi ng pagkakasala mo, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang magkamit ng buhay na putol ang isang paa kaysa may dalawa kang paa at itapon ka sa impiyerno. Doon, ang mga uod at apoy ay hindi namamatay. Kung ang iyong mata ang nagiging sanhi ng pagkakasala mo, dukutin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Diyos na iisa ang mata, kaysa may dalawa kang mata at itapon ka sa impiyerno. Doon, ang mga uod nila at ang apoy ay hindi namamatay. Sapagkat bawat isa ay aasinan ng apoy. Mabuti ang asin, ngunit kung mawala ang alat nito, paano ito mapapaalat muli? Magtaglay kayo ng asin, at mamuhay kayong may kapayapaan sa isa't isa.”Reflection by Ryan Santos: Senior Manager for Business Intelligence for a CX company. Service Head forEvangelization - Young Couples. Covenanted Member - Bale Ning Ginu#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
Landas ng Pag-Asa: "Pag-Iwas sa Kasalanan sa Lahat ng Paraan"
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.