EPISODE · Jan 10, 2025 · 3 MIN
Landas ng Pag-Asa: "Pagdakila Kay Kristo Higit sa Lahat"
from Pathways of Hope · host POH Team
SABADO, ENERO 11, 2025 Sabado Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon Paggunita kay San Pedro ng Cesarea MABUTING BALITA: JUAN 3:22-30 Noong panahong iyon, si Hesus at ang kanyang mga alagad ay nagpunta sa lupain ng Judea. Nanatili siya roon ng kaunting panahon kasama nila, at nagbinyag. Si Juan ay nagbibinyag rin naman sa Enon, malapit sa Salim, sapagkat maraming tubig doon. Pumupunta sa kanya ang mga tao at nagpapabinyag. Hindi pa nakabilanggo noon si Juan. Minsan, nakatalo ng mga alagad ni Juan ang isang Judio tungkol sa tanging paraan ng paglilinis. Kaya’t pumunta sila kay Juan at sinabi sa kanya, “Rabi, yaon pong lalaking kasama ninyo sa ibayo ng Jordan, na inyong pinatotohanan ay nagbibinyag rin at nagpupunta sa kanya ang lahat!” Sumagot si Juan, “Walang tatanggapin ang tao malibang ipagkaloob sa kanya ng Diyos. Kayo na rin ang makapagpapatunay na sinabi kong hindi ako ang Kristo; sugo lamang akong mauuna sa kanya. Ang babaing ikakasal ay para sa lalaking ikakasal. Ang abay na naghihintay sa pagdating ng lalaking ikakasal ay lubos na nagagalak pagkarinig sa tinig nito. Gayun din naman, lubos na ang kagalakan ko ngayon. Kinakailangang siya ay maging dakila, at ako nama’y mababa.” Reflection by Lawrence Quintero : Missionary Development and Deployment Program Head of Couples for Christ #POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
Landas ng Pag-Asa: "Pagdakila Kay Kristo Higit sa Lahat"
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.