EPISODE · Feb 25, 2026 · 4 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “PAGTITIWALA SA KABUTIHAN NG PANGINOON”
from Pathways of Hope · host POH Team
HUWEBES, Pebrero 26, 2026Huwebes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na PaghahandaPaggunita kay San Faustiniano of Bologna, obispo LANDAS NG PAG-ASA : “PAGTITIWALA SA KABUTIHAN NG PANGINOON”[MABUTING BALITA]: MATEO 7 : 7 - 12Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo, at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi, nakasusumpong ang bawat humahanap, at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kung humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kung humihingi ng isda? Kung kayo na masasama, ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya!“Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta.Pagninilay ni PJ Cumpas: Vice-President of Operations, Vice-Dean for Student Affairs and Professor, Don Bosco School of Theology; Core Group Member of Tahanan ng Panginoon Young Professionals (TNP-YP), South District B Evangelization Team Member; Covenanted Member of Ligaya ng Panginoon#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “PAGTITIWALA SA KABUTIHAN NG PANGINOON”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.