EPISODE · May 21, 2026 · 3 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “PANALANGIN NI HESUS PARA SA PAGKAKAISA”
from Pathways of Hope · host POH Team
HUWEBES, Mayo 21, 2026Huwebes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng PagkabuhayPaggunita kay San Kristofero Magallanes, pari at martir, at mga kasama, mga martirPaggunita kay San Eugenio de Mazenod, obispoLANDAS NG PAG-ASA : “PANALANGIN NI HESUS PARA SA PAGKAKAISA”[MABUTING BALITA]: : JUAN 17: 20 - 26Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, “Amang banal, hindi lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila’y ganap na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayun, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.”“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”Pagninilay ni Pao Antonio : Covenanted Member - Ang Ligaya ng Panginoon. Resident Preacher and Executive Producer of Pathways of Hope. Resident Preacher - Pathways Ministry. Director of Sales - LIVECORE Corporation. Financial Planner. #POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “PANALANGIN NI HESUS PARA SA PAGKAKAISA”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.