Landas ng Pag-Asa: "Pananampalataya at Panalangin" episode artwork

EPISODE · Feb 23, 2025 · 3 MIN

Landas ng Pag-Asa: "Pananampalataya at Panalangin"

from Pathways of Hope · host POH Team

LUNES, PEBRERO 24, 2025Lunes sa Ika-pitong Linggo sa Karaniwang Panahon MABUTING BALITA: MARCOS 9 : 14 - 29Nang magbalik sila sa mga alagad, nakita nilang napapaligiran ang mga ito ng napakaraming tao at nakikipagtalo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Nang makita ng maraming tao si Jesus, agad silang namangha at tumakbo upang batiin siya. Tinanong sila ni Jesus, “Ano'ng pinagtatalunan ninyo?” Sumagot sa kanya ang isa mula sa karamihan, “Guro, dinala ko rito ang aking anak na lalaki na sinasaniban ng isang espiritu na sanhi ng kanyang pagkapipi. Tuwing siya'y sasaniban nito, ibinubuwal siya, bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang kanyang mga ngipin at siya'y naninigas. Hiniling ko sa iyong mga alagad na palayasin ang espiritu ngunit hindi nila magawa.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Salinlahing walang pananampalataya! Hanggang kailan ko kayo makakasama? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya rito.” Dinala nga nila ito sa kanya. Nang makita siya ng espiritu, bigla nitong pinangisay ang bata. Natumba ito sa lupa, at nagpagulung-gulong na bumubula ang bibig. Tinanong ni Jesus ang ama, “Kailan pa ito nangyayari sa kanya?” Sinabi niya, “Mula pa sa pagkabata. Madalas siya nitong itinutumba sa apoy at sa tubig upang patayin. Kung may magagawa ka, maawa ka sa amin at tulungan mo kami.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung magagawa mong sumampalataya, mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya.” Kaagad sumigaw ang ama ng bata, “Sumasampalataya po ako! Tulungan mo po ako sa aking kawalan ng pananampalataya!” Nang makita ni Jesus na dumaragsa ang tao sa paligid, sinaway niya ang maruming espiritu, “Ikaw na pipi at binging espiritu, iniuutos ko sa iyo, lumabas ka sa kanya at huwag ka nang babalik!” Nagsisigaw ang espiritu, pinangisay ang bata, pagkatapos ay lumabas. Nagmistulang patay ang bata kaya't sinabi ng marami, “Patay na siya.” Ngunit hinawakan siya ni Jesus sa kamay at ibinangon. At ang bata'y tumindig. Nang pumasok siya sa bahay, palihim siyang tinanong ng mga alagad, “Bakit hindi namin kayang palayasin ang espiritung iyon?” Sumagot si Jesus, “Mapapalayas lamang ang ganitong uri ng espiritu sa pamamagitan ng panalangin.”Reflection by Sarah Panahon: Marriage and FamilyCounselor. Senior woman leader. Covenanted member of Ang Ligaya ng Panginoon#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 23, 2025

Embed this episode

NOW PLAYING

Landas ng Pag-Asa: "Pananampalataya at Panalangin"

0:00 3:00

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 3 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on February 23, 2025.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!