LANDAS NG PAG-ASA : “PANANAMPALATAYA, PANALANGIN AT PAGPAPATAWAD” episode artwork

EPISODE · May 29, 2026 · 3 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “PANANAMPALATAYA, PANALANGIN AT PAGPAPATAWAD”

from Pathways of Hope · host POH Team

BIYERNES, Mayo 29, 2026Biyernes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay San Pablo VI, papaLANDAS NG PAG-ASA : “PANANAMPALATAYA, PANALANGIN AT PAGPAPATAWAD”[MABUTING BALITA]: : MARCOS 11: 11 - 26Sa gitna ng pagbubunyi ng mga tao, pumunta si Hesus sa Jerusalem at pumasok sa templo. Pagkatapos tingnan ang lahat ng bagay doon, lumabas siya at nagbalik sa Betania, kasama ang Labindalawa, palibhasa’y gumagabi na noon.Kinabukasan, nang sila’y pagbalik na mula sa Betania, nagutom si Hesus. Natanaw nito sa di-kalayuan ang isang puno ng igos na madahon. Nilapitan niya ito upang tingnan kung may bunga. Ngunit wala siyang nakita kundi mga dahon, sapagkat hindi pa panahon ng igos noon. Kaya’t sinabi niya sa puno ng igos, “Wala nang makakakain pa ng iyong bunga.” Ito’y narinig ng kanyang mga alagad.Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok sa templo si Hesus. Kanyang ipinagtabuyan ang mga nagbibili at namimili roon at ipinagtaob ang mga mesa ng mga mamamalit ng salapi at ang upuan ng mga nagtitinda ng kalapati. Pinagbawalan niyang magdaan sa loob ng templo ang sinumang may dala-dalahan. At tinuruan niya ang mga tao. Sinabi niya, “Nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.’ Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw.”Narinig ito ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Buhat noo’y humanap sila ng paraan upang mapatay si Hesus, sapagkat natatakot sila sa kanya, dahil sa humahanga ang lahat ng tao sa kanyang turo.Pagdating ng gabi, lumabas na naman ng lungsod si Hesus at ang kanyang mga alagad.Kinaumagahan, pagdaan nila’y nakita nilang patay na ang puno ng igos. Naalaala ni Pedro ang nangyari at kanyang sinabi kay Hesus, “Guro tingnan ninyo! Namatay ang puno ng igos na sinumpa ninyo.” Sumagot si Hesus, “Manalig kayo sa Diyos. Tandaan ninyo ito: kung sabihin ninuman sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan; tumalon ka sa dagat,’ na hindi siya nag-aalinlangan kundi nananalig na mangyayari ang sinabi niya, ito’y gagawin ng Diyos para sa kanya. Kaya’t sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa panalangin, manalig kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo. Kapag kayo’y mananalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ipatawad din naman sa inyo ng inyong Amang nasa langit ang inyong pagkakasala. Ngunit kung hindi kayo magpatawad, hindi rin naman kayo patatawarin ng iyong Amang nasa langit.”Pagninilay ni Bogs Quitain: Lawyer. District Coordinator - Holy Trinity Community, Davao, Singles District/Coordinator-in-Charge -Christ Youth in Action, Davao#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 29, 2026

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “PANANAMPALATAYA, PANALANGIN AT PAGPAPATAWAD”

0:00 3:04

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 3 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on May 29, 2026.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!