EPISODE · Jul 2, 2026 · 3 MIN
LANDAS NG PAG-ASA : “PINATAWAD. PINATAYO. PINAUWI”
from Pathways of Hope · host POH Team
Huwebes, Hulyo 2, 2026Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kina San Proceso at San Martiniano, mga martir at nagbantay kay San Pedro at Pablo sa kulungan LANDAS NG PAG-ASA : “PINATAWAD. PINATAYO. PINAUWI”[MABUTING BALITA]: MATEO 9 : 1 - 8Noong panahong iyon, sumakay si Hesus sa bangka, tumawid sa kabilang ibayo at tumuloy sa sariling bayan. Pagdating niya roon, dinala sa kanya ng ilang katao ang isang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.” Isinaloob ng ilang eskribang naroon, “Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos.” Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip kaya’t sinabi niya, “Bakit kayo nag-iisip nang ganyan? Alin ba ang mas madali: ang sabihing, ‘Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka at lumakad,’? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa ang Anak ng Tao’y may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka.” Tumindig nga ang lalaki at umuwi. Nang makita ito ng mga tao, sila’y natakot at nagpuri sa Diyos na nagbigay ng ganitong kapangyarihan sa mga tao.Pagninilay ni Edwin Cano : Director, Consulting (Electric Power System Planning and Operations); Member, Brotherhood of the King and The Heart of Mary prayer groups.#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel
Embed this episode
NOW PLAYING
LANDAS NG PAG-ASA : “PINATAWAD. PINATAYO. PINAUWI”
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.