LANDAS NG PAG-ASA : “SA PIGING NG PANGINOON” episode artwork

EPISODE · Aug 20, 2025 · 4 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “SA PIGING NG PANGINOON”

from Pathways of Hope · host POH Team

HUWEBES, AGOSTO 21, 2025 Huwebes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay San Pio X, PapaLANDAS NG PAG-ASA : “SA PIGING NG PANGINOON”[MABUTING BALITA] : MATEO 22 : 1 - 14Noong panahong iyon, muling nagsalita sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan si Hesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: naghandog ng isang piging ang isang hari sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin at kanyang pinagbilinan, ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!’ Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa’y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa. Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin, hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari. Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lungsod. Sinabi niya sa kanyang mga alipin, ‘Nakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Kaya’t pumunta kayo sa mga langsangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’ Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masasama’t mabubuti, anupat napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?’ tanong niya. Hindi nakaimik ang tao. Kaya’t sinabi ng hari sa mga katulong, ‘Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’ Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.”Reflection by Pao Antonio : Covenanted Member - Ang Ligaya ng Panginoon. Resident Preacher and Executive Producer of Pathways of Hope. Resident Preacher - Pathways Ministry. Director of Sales - LIVECORE Corporation. Financial Planner.#LandasngPagasa #catholic #scriptures #biblereadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 20, 2025

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “SA PIGING NG PANGINOON”

0:00 4:55

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 4 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on August 20, 2025.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!