LANDAS NG PAG-ASA : “TUNAY NA PANANALIG” episode artwork

EPISODE · Jul 6, 2026 · 5 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “TUNAY NA PANANALIG”

from Pathways of Hope · host POH Team

Lunes, Hulyo 6, 2026Lunes ng Ika-14 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martirLANDAS NG PAG-ASA : “TUNAY NA PANANALIG”[MABUTING BALITA]: MATEO 9 : 18 - 26Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Hesus, may dumating na isang pinuno ng mga Judio. Lumuhod ito sa harapan niya at ang sabi, “Kamamatay lang po ng aking anak na babae; ngunit sumama lamang kayo sa akin at ipatong ang inyong kamay sa kanya ay mabubuhay siya.” Tumindig si Hesus at sumama sa kanya, gayun din ang kanyang mga alagad.Sumunod din ang isang babaing may labindalawang taon nang dinudugo. Lumapit ito sa likuran ni Hesus at hinipo ang laylayan ng kanyang damit. Sapagkat sinabi niya sa sarili, “Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako.” Bumaling si Hesus at pagkakita sa kanya’y sinabi, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananalig.” Noon di’y gumaling ang babae.Nang dumating si Hesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta at ang maraming taong nagkakaingay. Sinabi niya, “Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata; natutulog lang!” At siya’y pinagtawanan nila. Ngunit nang mapalabas na ang mga tao, pumasok siya, hinawakan sa kamay ang bata at ito’y nagbangon. At ang balita tungkol sa pangyayaring ito ay kumalat sa buong lupaing iyon.Pagninilay ni Adrian Bondoc : Human Resources and Training Consultant. Executive Producer-Kakaiba Ka! Ministry. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community. #POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 6, 2026

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “TUNAY NA PANANALIG”

0:00 5:34

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 5 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on July 6, 2026.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!