LANDAS NG PAG-ASA : “TUNAY NA PANINIWALA NA MAHAL TAYO NG PANGINOON” episode artwork

EPISODE · Jun 21, 2025 · 7 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “TUNAY NA PANINIWALA NA MAHAL TAYO NG PANGINOON”

from Pathways of Hope · host POH Team

SABADO, HUNYO 21, 2025 Sabado ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay San Aloysius Gonzaga, relihiyosoLANDAS NG PAG-ASA : “TUNAY NA PANINIWALA NA MAHAL TAYO NG PANGINOON”[MABUTING BALITA]: MATEO 6:24-34Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.“Kaya’t sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain at inumin na kailangan ninyo upang mabuhay, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon: hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya’y nagtitipon sa banga. Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?“At bakit kayo nababagabag tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal ni humahabi man. Ngunit ito ang sasabihin ko sa inyo: maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ang mga damit niya. Kung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kinabukasa’y iginagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? Kay liit ng pananalig ninyo sa kanya! Kaya’t huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakanin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo. Kaya, huwag ninyong ikababahala ang para sa araw ng bukas; saka na ninyo harapin kapag ito’y dumating. Sapat na sa bawat araw ang kanyang mga suliranin.”Reflection by Michael Shok Ariola : Servant leader/Full time missionary-Couples for Christ (CFC). Head of Ministry Development and Deployment Program.#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer#hope

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 21, 2025

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “TUNAY NA PANINIWALA NA MAHAL TAYO NG PANGINOON”

0:00 7:02

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 7 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on June 21, 2025.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!