LANDAS NG PAG-ASA : “TUPA O KAMBING” episode artwork

EPISODE · Feb 22, 2026 · 2 MIN

LANDAS NG PAG-ASA : “TUPA O KAMBING”

from Pathways of Hope · host POH Team

LUNES, Pebrero 23, 2026Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na PaghahandaPaggunita kay San. Polycarp, Obispo ng Smyrna at isang MartirPaggunita kay Santa Giuseppina Vannini, BirhenLANDAS NG PAG-ASA : “TUPA O KAMBING”[MABUTING BALITA]: MATEO 25 : 31 - 46Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Sila’y pagbubukud-bukurin niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ang mga kambing. At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako’y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom. Ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako’y walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; ako’y nabilanggo at inyong pinuntahan.’ Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinaramtan? At kailan po namin kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw?’ Sasabihin ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.’“At sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa! Kayo’y pasaapoy na di mamamatay, na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat ako’y nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom. Ako’y naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; ako’y nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan. Ako’y may sakit at nasa bilangguan at hindi ninyo dinalaw.’ At sasagot din sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot, may sakit o nasa bilangguan, at hindi namin kayo pinaglingkuran?’ At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang pagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.’ Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan.”Pagninilay ni Sarah Panahon : Marriage and Family Counselor. Senior woman leader. Covenanted member of Ang Ligaya ng Panginoon#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 22, 2026

Embed this episode

NOW PLAYING

LANDAS NG PAG-ASA : “TUPA O KAMBING”

0:00 2:41

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Pathways of Hope?

This episode is 2 minutes long.

When was this Pathways of Hope episode published?

This episode was published on February 22, 2026.

Can I download this Pathways of Hope episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!