Skip to content
MABUTING BALITA | AGOSTO 9, 2021 episode artwork

Aug 8, 2021 4 min

MABUTING BALITA | AGOSTO 9, 2021

from PAULINES Hosted by Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

MABUTING BALITA | AGOSTO 9, 2021 Lunes sa ika -19 na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MATEO 17: 22-27 Minsan ng maglakbay si Hesus sa Galilea kasama ang Labindalawa, sinabi niya sa kanila: “Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit babangon s’ya sa ikatlong araw. Kaya lubha silang nalungkot. Nang makapasok na sila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga taga kolekta ng Templo at tinanong nila s’ya: “Nagbabayad ba ng buwis ang Guro ninyo?” “S’yempre.” At pumasok si Pedro sa bahay ngunit agad s’yang tinanong ni Hesus: “Ano sa palagay mo, Simon? Sino ang nagbabayad ng buwis o parangal sa mga hari ng mundo? Ang mga anak ba o ang iba?” “Ang iba.” “Kung gayon, di saklaw ang mga anak. Ngunit hindi rin natin dapat saktan ang mga taong ito kaya pumunta ka sa dagat, maghagis ng bingwit at buksan ang bibig ng unang isdang iyong mahuhuli. May pera kang matatagpuan doon. Kunin mo ‘yon at magbayad para sa ‘yo at sa akin. PAGNINILAY: May dalawang tema ang Mabuting Balita ngayon: Una, ang prediksyon ni Hesus tungkol sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Ikalawa ang pagbayad ni Hesus ng Buwis. Sa unang tema, inulit ni Hesus ang prediksyon tungkol sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, dahil hindi ito maintindintihan ng mga apostoles; ni hindi nila matanggap ang kanyang sinabi. Lubha silang namighati sa kanilang narinig, kaya inulit ni Hesus at uulitin pa rin niya ito, hanggang sa maunawaan at matanggap nila ang mangyayari sa kanya. Kadalasan, ganyan din tayo! Dapat ulit-ulitin ang ating mga karanasan, ang mga leksyon sa buhay, upang ating maintindihan, at kalauna’y, matanggap. Sa tema ng BUWIS: si Hesus, bagama’t hindi sakop ng batas o gobyerno, ay nagpasa-ilalim sa batas ng tao. Wala siyang tungkuling magbayad ng buwis, pero nakiisa siya sa pagbabayad nito. Ayaw ng Panginoon na ang mga taong ito na nagtatanong sa kanya ay magkasala, kaya minabuti niyang magbayad ng buwis upang magkaroon ng kapayapaan ng loob ang bawat isa. Kapanalig, kamusta ang pagbabayad mo ng buwis? Malugod mo ba itong ginagampanan bilang isang matapat na mamamayan ng ating bansa? Kamusta naman ang pagbibigay mo sa Panginoon? Naibibigay mo ba sa Kanya ang nararapat na pagsamba, parangal at papuri? - Ms. Grace Fernan, APC | Association of Pauline Cooperators - CDO PANALANGIN: Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad, turuan mo akong maglingkod sa Iyo at magbigay nang ayon sa nararapat, na walang hinihintay mula sa Iyo. Amen

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

MABUTING BALITA | AGOSTO 9, 2021

0:00 4:20

No transcript yet.

Requests help us decide what to transcribe next.

Frequently asked questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 8, 2021.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.