EPISODE · Apr 11, 2023 · 3 MIN
Mabuting Balita l Abril 12, 2023 – Miyerkules
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Abril 12, 2023 Miyerkules sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Lucas 24: 13-35 Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus. Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Hesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala. Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Sumagot ang isa sa kanila, “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya’y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit isinakdal siya ng aming mga punong-pari at mga pinuno para mahatulang mamatay at ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. Hindi ba’t kailangang magdusa nang ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati?” At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, Nang malapit na sila sa nayong pupuntahan nila, parang magpapatuloy pa siya ng paglakad. Pero pinilit nila siya: “Manatili kang kasama namin dahil dapithapon na at lumulubog na ang araw.” Kaya pumasok siya at sumama sa kanila. Nang nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila. At noo’y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba’t nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo doon sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” Noon di’y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem. Pagninilay: Mula sa panulat ni Sr. Vicky Victorino ng Disciples of the Divine Master ang pagninilay sa Ebanghelyo. Sa daan ng Emaus nasumpungan ng dalawang alagad ang kahulugan ng pagkamatay ng kanilang mahal na Guro. At sa paghahati ng tinapay, nabuksan naman ang kanilang mga mata: si Kristo nga’y BUHAY, kasama nila sa paglalakbay! Ano ang daan ng Emaus na tinatahak mo ngayon, Kapanalig? Sugatan pa ba ang iyong puso, puno ng lumbay? Tawagin mo si Hesus, ang Panginoong muling nabuhay. Hayaan mong ipaliwanag niya sa iyo ang kahulugan ng iyong pinagdaraanan. Sa pakikinig sa kanyang mga Salita, malalaman mo na may liwanag sa dulo ng kadiliman, hindi kamatayan ang huling salita. At sa pakikiisa mo sa hapag ng Eukaristiya, namnamin mo ang kanyang presensya. Buhay sya, Kapanalig, at nais nyang maranasan mo rin ang bagong buhay na kaloob niya!
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Abril 12, 2023 – Miyerkules
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.