Mabuting Balita l Abril 15, 2024 – Lunes episode artwork

EPISODE · Apr 14, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Abril 15, 2024 – Lunes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Abril 15, 2024 – Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:22-29 Napuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng lawa na walang bangka noon sa lugar na iyon kundi isa lang at hindi sumakay si Hesus sa bangkang ito kasama ng kanyang mga alagad. Ngunit ang ilang malaking bangkang galing Tiberias ay dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay sa pagpapasalamat ng Panginoon. Kaya nang mapuna ng mga tao na wala roon si Hesus ni ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus. Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng lawa, sinabi nila sa kanya, “Guro, kailan ka pumarito?” Nagsalita sa kanila si Hesus at sinabi: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap n’yo ako hindi dahil sa nakita n’yo sa mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain n’yo at kayo ay nabusog. Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili at nagbubunga ng buhay na walang hanggan. Ito ang ibibigay ng Anak ng Tao sa inyo; siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.” “Ano ang matatrabaho namin para maisagawa ang mga ipinagagawa ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa ng Diyos: maniwala kayo sa sinugo niya.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Gemmaria Dela Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Noong araw, uso sa amin ang nagdedeliver ng tinapay. Potpot lang ang tunog, lalabas na kami ng bahay para bumili ng tinapay na pang-almusal. Mainit-init pa. Isinasawsaw pa namin sa piniritong malasadong itlog.  Busog-sarap ka nga, pero nauubos din, lumilipas. Hindi na rin aabot pa ng bukas. Sa Mabuting Balita, dumating ang ating Hesus Maestro hindi lang para pumotpot at magdeliver ng tinapay at paramihin ito kundi para maging Tinapay. Ano’ng sabi Niya? Gumawa kayo, upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira, at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Take note. Gumawa ang sinabi Niya. Ibig sabihin, may partisipasyon tayo. Sa Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon, Siya na ang Tinapay na hindi nasisira. At dahil nasa atin na Siya, binibigyan Niya tayo ng misyon, na maging saksi ng Kanyang Muling Pagkabuhay. To be bread for others. Tulad sa pakikiramay sadinaranas na hirap ng ating kapwa, sa pagpapatawad kahit isandaang sugat na ang natamo, hindi naghihiganti, sa pagbibigay ng pagkain at ikabubuhay ng mga maralita na hindi naghihintay ng kapalit, sa mga gumagabay sa mga kabataan at umaakay sa mga nakakatanda. Ang mga ito ang hindi lumilipas, dahil ang nakatatanggap nito, may ngiti at napapanatag ang kalooban. O, tayo na, at maging buhay na tinapay!

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Apr 14, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Abril 15, 2024 – Lunes

0:00 4:19

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on April 14, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!