Mabuting Balita l Abril 20, 2023 – Huwebes episode artwork

EPISODE · Apr 19, 2023 · 3 MIN

Mabuting Balita l Abril 20, 2023 – Huwebes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Abril 20, 2023 Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay  Ebanghelyo: Juan 3: 31-36 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa itaas. Makalupa naman ang mula sa lupa, at makalupa rin ang usap niya. Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa Langit. Pinatotohanan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tumatanggap sa kanyang patotoo. Pinagtibay naman ng tumanggap sa patotoo niya na totoo mismo ang Diyos. Binibigkas nga ng sinugo ng Diyos at ng Espiritu. Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala ang tanang mga bagay sa kanya. May buhay magpakailanman ang naniniwala sa Anak. Ang hindi naman sumusunod sa Anak ay hindi makakakita sa buhay, kundi ang galit ng Diyos ang sasakanya.”   Pagninilay: Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Sa pag-uusap nina Hesus at Nicodemo sa ating Ebanghelyo, nakita natin kung papaanong unti-unting nabubuksan ang isipan at puso ni Nicodemo sa katotohanang hatid ni Hesus.  Bagama’t hindi sinabi sa atin ni San Juan kung tuluyan ngang naging alagad ni Hesus ang Pariseo, may mga palatandaan na siya’y naging tahimik na tagasunod ni Hesus.  Una, si Nicodemo ang nangtanggol kay Hesus sa Sanhendrin, hinimok niya ang kanyang kasamahan na bigyan si Hesus ng tamang paglilitis o “due process”.  Ikalawa, muling nagpakita si Nicodemo sa pagkamatay ni Hesus sa Krus, at tumulong upang bigyan ang kaibigan ng disenteng libingan.  Ang mga ito’y patunay, na siya nga’y naging malapit kay Hesus.  Mga Kapanalig, inaayayahan rin tayong tanggapin ang katotohanang hatid ni Hesus nang buong puso at isipan.  Ang sinumang manalig sa ating Panginoong Hesus ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.  Ang hindi manalig ay mauuwi sa kapahamakan.  Si Nicodemo ay isang mabuting halimbawa para sa atin. Pero higit sa kanyang ginawa, huwag sana tayong mahiyang ipahayag ang ating pananampalataya kay Hesus sa lahat ng pagkakataon. Manalangin tayo:  Panginoon, dagdagan Mo po at patibayin ang aking pananampalataya nang huwag akong sumuko sa panahon ng pagsubok.  Matularan ko nawa ang pagpupursigi ni Nicodemo na matuto sa Iyong mga aral upang lumago ako sa pananampalataya Sa’yo, Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Apr 19, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Abril 20, 2023 – Huwebes

0:00 3:59

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on April 19, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!