Mabuting Balita l Abril 21, 2023 – Biyernes  episode artwork

EPISODE · Apr 20, 2023 · 5 MIN

Mabuting Balita l Abril 21, 2023 – Biyernes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Abril 21, 2023 Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 6: 1-15 Nagpunta si Hesus sa iba pang aplaya ng lawa ng Galilea sa may Tiberias. Sinusundan siya ng maraming tao sapagkat nasaksihan nila ang mga tandang ginagawa niya sa mga maysakit. Kaya pagkatingala ni Hesus, nakita niyang maraming tao ang pumupunta sa kanya, at sinabi niya kay Felipe: “Saan kayo makabibili ng tinapay upang makakain ang mga ito?” Sinabi niya ito bilang pagsubok sa kanya, sapagkat alam niya kung ano ang gagawin nito. Sumagot sa kanya si Felipe: “Dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng tigkakaunti ang bawat isa.” At sinabi naman sa kanya ng isa sa mga alagad na si Andres na kapatid ni Simon Pedro: “May bata rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ano ito para sa pagkarami-raming tao?” Madamo sa lugar na iyon, kaya sinabi ni Hesus: “Paupuin ninyo ang mga tao.” Kaya nag-upuan sila; halos limanlibong katao. Kaya kumuha ng mga tinapay si Hesus at nagpasalamat, at ipinabigay sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa niya sa mga isda, gaano man ang gustuhin nila. Nang mabusog na sila, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tipunin ninyo ang mga natirang piraso upang walang masayang.” Kaya tinipon nila ang mga tira at labindalawang basket ang napuno ng mga pira-piraso mula sa limang tinapay na sebada. Nang makita ng mga tao ang tandang ginawa ni Hesus, sinabi nila: “Ito ngang talaga ang Propeta na hinihintay na dumating sa mundo.” At alam ni Hesus na siguradong darating sila upang kunin siya at gawing hari; kaya muli siyang umalis, at mag-isang nagpunta sa bulubundukin.   Pagninilay: Mula sa panulat ni Sr. Vicky Victorino ng Disciples of the Divine Master ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Mga Kapanalig, sa loob ng isang linggo paunti-unti nating babasahin sa Misa ang Chapter 6 ng Mabuting Balita ni San Juan, para namnamin ang misteryo ng banal na Katawan at Dugo ni Hesucristo. Sa narinig nating Mabuting Balita ngayon, pinakita nya ang pagkamangha ng mga alagad sa hamon ni Hesus na pakainin ang limang libong katao! ‘Imposible!’ wika ni Felipe: ‘kahit dalawang daang salaping pilak, di kasyang pambili ng tinapay para sa kanila.’ Pero para kay Hesus, sapat na ang Limang pirasong tinapay at dalawang pirasong isda. Ang kakaunti ay nagging marami, ang lahat ay nabusog, at may natira pang labindalawang kaing ng tinapay! Kapanalig, walang imposible sa mga kamay ni Hesus, dahil na rin sa kanyang taimtim na koneksyon sa Ama.   Ano nga ba ang Eukaristiya? Narinig natin sa Mabuting Balita na, ‘Kinuha ni Jesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos, ipinamahagi iyon sa mga tao.’ Ang salitang ‘Eukaristiya’ ay hango sa Griyego na ibig sabihi’y ‘magpasalamat.’ Ang pasasalamat ay pinagmumulan ng pagpapala. Sa pamamagitan nito, nakikilala natin ang presensya ng mga kaloob na nasa harapan natin: ang liwanag ng araw, ang tubig, ang oxygen, ang pagkain sa ating hapag, ang mga taong mahal natin at nagmamahal sa atin. At ang pinakadakilang kaloob na dapat nating ipagpasalamat ay ang Presensya ni Jesus bilang Tinapay ng Buhay o Pagkain ng Buhay. (Siya ang essential na pagkain na pumupuno sa lahat ng ating pangangailangan. Ang pagtanggap sa kanya sa ating buhay ay nagbibigay sa atin ng lakas na magpatuloy kahit ano pa ang mangyari. Ito rin ang nagtuturo sa atin na maging mistulang tinapay na inialay, pinaghati-hati at ibinigay para sa iba, lalo na para sa kapwa nating kapus-palad.) Manalangin tayo: ‘Salamat, Panginoong Jesus sa pag-aalay mo ng iyong sarili sa Eukaristiya. Palakasin mo po ang inyong Presensya sa amin, para kami rin ay maging presensya mo sa lahat ng taong nakakaharap namin —isang presensya ng habag at pagmamahal tulad ng ipinakita mo sa amin. Amen

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Apr 20, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Abril 21, 2023 – Biyernes

0:00 5:53

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on April 20, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!